Chapter VI: Once Like You

21 4 0
                                        

CHAPTER 6
O n c e  L i k e  Y o u

457 Million CE
Astarlla’s POV

Ngayon ay patuloy kami sa pagtahak sa kagubatan. Hindi ko alam kung tama ba ang suspetya ko na kidnapper siya.

“We are here to find Astarria. Just trust me,” Sagot naman sa ‘kin ni Astellar. All I can do now is to be ready for the danger.

Ilang minuto ang nakalipas at hindi pa namin na tutunton ang sinasabi niyang kinaroroonan ng tribo niya.

“This is getting dark and creepy,” Bulong ko ulit.

Hindi na niya ako kinibo pa. sa tantya ko ay limang minuto ang nakalipas nang makarating kami sa lugar.

Ilang metro lamangang aming kinatatayuan sa isang dambuhalang puno na tila abot na ang langit sa taas nito. Sa paanan nito ay may mga lumot na umiilaw tila ba glow in the dark at may mga alitaptap na kulay asul ang kulay. Parang paraiso ang kinaroroonan naming ngayon.

May mga kakaibang bulaklak din ang namumukadkad sa iba’t ibang dako. May mga halaman ding gumagalaw. Maya’t maya’y nakarinig ako ng mga tunog na bago pa lamang sa pandinig ko.

“Alright, we are now here at the suicide forest,” Biglang wika ni Sevastian.

“So saan na tayo papunta ngayon?” tanong ko.

“My family is waiting for us at the heart of the forest.” Said Sevastian.

“Bakit pala tinawag na suicide forest ito?” mukhang tangang tanong ni Astellar habang pinagmamasdan ang paligid.

“Malamang, dahil maraming nag susuicide.” Prangka kong sagot habang sinusundan si Sevastian.

“And they normalize this kind of acts?” giit ni Astellar.

“Sa ‘yo na mismo galing. What do you expect with the future Philippines?” sagot ko.

Ilang saglit pa ay narating namin ang paanan ng daambuhalang kahoy. Nanatili kaming mukhang timang na nakatayo sa harap nito.

“Killing is not a crime,” Walang anuma’y sambit ni Sevastian.

“What? Ganyan ba ang mindset ng mga tao ngayon?” Astellar asked.

Hindi siya sumagot bagkus ay humarap siya sa amin. “Welcome to the heart of the suicide forest.” at binigyan niya kami ng matamis na ngiti.

Unang beses pa lamang ako nakakapunta sa kagubatan maybe because I never done this before in 2030. Ngayon ko nga lang din alam na may buhay pa palang gubat ngayon sa bansa.

“O-we-ohhh!” Sigaw nito sa harap ng puno at mas lalong  lumiwanag ang mga lumot na nakakabit sa bawat puno. I don’t know what to feel pero tumatalon ang puso ko sa saya. Mga iba’t ibang uri ng bulaklak ay nalalabas ng mabangong halimuyak.

“O-we-ohhh!” Sigaw muli ni Sevastian at nagsilipana ang mga ibon sa ere. Maya maya pa ay nakarinig na ako ng pambihirang tunog na akala ko sa mga palabas ko lang maririnig. Napahawak ako sa bisig ni Astellar nang lumakas pa ang mga tunog na ito.

“Don’t be scared. They are friends,” Sambit ni Sevastian.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ng aking mga mata ang mga hayop na may kakahayang lumipad. Hindi sila pangkaraniwang ibon dahil mala higanteng dragon ang hulma ng katawan.

“What the hell are these?” kunot noong tanong ni Astellar nang magsimulang lumapag sa lupa ang mga ito.

“They are the Bakunawas."

Byr Series #1: Five Byr (Completed)Where stories live. Discover now