Chapter XIX: Rapture-Day 7

12 5 0
                                        

CHAPTER 19
R a p t u r e – D a y  7

December 27th, 457 Million CE
Astisha's POV

“Astellar...”

That was the day when Ashtar or should I say Astarria was brought to the hospital after the incident in National Planetarium. She was laid on the hospital bed with several hoses injected to her.

“Why are you here?” tanong niya.

“Walang ibang magbabantay sa ’yo. Astarlla is busy for the midterm exam. Alam mo naman kung gaano kasipag mag-aral ‘yon.”

“You can leave me if you want to.”

Minsan na niyang sinabing pabayaan ko na lang siya but I never did. At kahit hindi ko siya iniiwan sa oras na kailangan niya ng makakasama pakiramdam ko pa rin na hindi ako naging mabuti at sapat na kapatid sa kaniya. Kahit tila aso’t pusa kami kung mag-away, I can’t change the fact that she’s my sister. Marami akong pagkukulang sa kaniya at hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi gayong wala na siya.

“I can’t. You’re still my sister.”

“What if I will die?”

She asked me once, what if she will die? Hindi ko pa alam ang isasagot noon dahil hindi pa gano’n kalapit ang puso namin sa isa’t isa.  Wala pa akong ideya sa mga posibleng mangyari noon. I feel like she’s just joking that time but I never knew this day would come, the day of her burial.

How could this cruel world provide sorrow to us who gives justice for everyone? Sa kabila ba ng mga nagawa naming kabutihan sa mundo, ganito lang ang kapalit? Sa kabila ng saya na naidulot namin sa mga tao, sakit ang kapalit? How could this world be so unfair?

I literally feel downcast right now. Witnessing her death really made me depressed. Pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat ng mga nangyari sa kanila. Wala man lang akong nagawa para mailigtas sila.

Nakahanap kami ng mataas na lugar na hindi na nasasakupan ng mga natitirang tubig baha na iniwan ng tsunami. Laking pasasalamat ko nang pwede pang balikan ang mansyon. Baha pa rin sa Central Maharlika pero dahil elevated naman ang mansion, hindi na ito nasakupan ng natitirang tubig baha. Kahit sirang-sira na ang mansion, pwede pa naman itong irenovate para bumalik ang dating ganda at ayos nito.

Napahagulgol ako nang makitang tinatabunan na ng lupa ang labi nina Dad, Mr. Scott at Ashtar. Maging sina Lolo Orion, Mom, Andree, Andrei and the rest of the team, the place is full of sorrow.

Narito ngayon ang lahat ng mga relatives ng pamilyang Luminous mula pa sa ibang bansa. Narito rin ang asawa at totoong anak ni Mr. Scott na si Vienna. Plano na pala nilang sundan si Mr. Scott dito. Nasa eroplano na raw sila kahapon nang muntik silang matamaan ng near-earth asteroid na Apophis. Mabuti na lang daw ay hindi nangyari. At ngayon ay nakarating sila rito sa RLM ng ligtas.

Maging ang mga taong nakaligtas sa tsunami ay kasama namin sa dalamhati ng tatlong magigiting na tao na hinarap ang kamatayan.

Hindi ko na kakayanin pa kung may mawala ulit sa aming natitirang lima sa grupo. Their deaths are too much.

“I am sorry, wala akong nagawa,” Nakayukong sabi ni Lolo Orion habang nasa sala kaming lahat kasama ang asawa ni Mr. Scott na si Shania at anak nilang si Vienna.

“Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo, Mr. Orion. Hindi natin ginusto ang lahat ng mga nangyari,” Sagot ni Amy na kasa-kasama ang apat niyang anak.

“Still, I am sorry for doing nothing.” Naiintindihan ko ang sinasabi niya pero wala siyang kasalanan sa mga nangyari. Matanda na siya at halos hindi na makalakad kung wala ang tungkod niya. Kung may dapat sisihin, iyon ay ang mga superiors ng ibang kontinente na totoong miyembro ng Dark Vag’bos.

Byr Series #1: Five Byr (Completed)Where stories live. Discover now