CHAPTER 22
R a p t u r e – D a y 1 0
December 30th, 457 Million CE
Astral's POV
Kakatapos ko lang maligo sa araw na iyon. Nagpatawag ulit si Lolo Orion ng pagtitipon dahil sa gaganapin daw na party noong natalo namin ang mga Dark Vag’bos.
Kasalukuyan akong naglalakad sa basement upang tunguhin ang laboratory. Medyo madilim ang basement pero sanay na ako rito.
Napatigil ako saglit dahil sa halinghing na narinig ko. Hinanap ko ang pinaggalingan ng tunong na iyon at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nabalot ng pagkagulat ang kaluluwa ko.
Derick and Ashtar were kissing… passionately.
Alam kong wala akong karapatang magreklamo dahil buhay nila ‘yon pero hindi ko alam. Naiinis ako kay Derick. Hindi ko inakalang magagawa ni Derick ang lahat ng iyon. Nagbibigay siya ng motibo kay Astisha na gusto niya pero nakahalikan niya ang kapatid kong si Ashtar .
Narinig ko ang boses nina Amy, Astisha, Sam at Dam na papunta sa basement kaya nagtago ako sa mga malalaking pillars. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako agad dumeretso sa laboratory. Tsismosa? Siguro nga.
“Oh Amy, tara na,” wika ni Astisha. Palihim akong tumingin sa kanila at tumigil sa paglalakad si Amy. Pansin kong nakatingin siya sa dako nina Derick at Ashtar na naghahalikan.
“Mauna na kayo,” Sagot ni Amy.
“Sigurado ka?” ni Dam.
“Oo.” At naunang pumunta sa laboratory sina Astisha, Dam at Sam.
Nanatili akong tahimik sa kinatataguan ko.
“Walang hiya kang babae ka! Mang-aagaw!” sinugod ni Amy si Ashtar at sinabunutan siya. Napatigil naman sina Derick at Ashtar sa paghahalikan.
Hindi ko sila maintindihan ang mga nangyayari. Ano’ng mang-aagaw ang pinagsasasabi ni Amy?
“Excuse me? Ako ang una niyang asawa! Inagaw mo lang siya!” sumbat naman ni Ashtar at binigyan niya ng malakas na sampal si Amy.
“Then I’m sorry...” Amy paused and she smirked sarcastically.”…Kasi iniwan ka niya at pinili niya ako.”
Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kahapon hindi ko maiwasang maalala ang mga nakita ko noong nabubuhay pa lamang sina Ashtar at Amy. Sa loob-loob ko ay alam kong nagkaroon ng relasyon sina Derick at Ashtar at nagkaroon din ng relasyon sina Derick at Amy habang si Derick ay nagpapakita ng motibo kay Astisha.
Hindi ko kailanman sinabi kay Astisha ang mga nakita ko sa araw na iyon dahil alam kong masisira ang pagsasamahan ng team. Pero ngayong nahahalata ko na ang panloloko ni Derick kay Astisha ay lakas-loob ko ng sasabihin lahat ng mga nalalaman ko ay Astisha.
I snapped back to sense when someone tapped my shoulder.
“Ano’ng iniisip ng Astral ko?” He kissed my cheek and sat beside me.
“Natural na siguro sa mga lalaki ang gaguhin at paikutin ang mga babae, noh?” Natawa si Dam sa tanong ko.
“Ano na naman ba ang nagawa ko sa ’yo? Did I cheated on you? Sino? Just tell me, iiwasan ko.”
Inirapan ko lang siya, “Hindi ikaw.”
“Then who? May iba na ba?”
“About your half-brother.”
“Si Derick? Why him?”
“You know that Derick admire Astisha, but one week ago, I saw Derick and Ashtar kissing in the basement then Amy came mad because of jealousy,” I explained.
YOU ARE READING
Byr Series #1: Five Byr (Completed)
Ficção CientíficaIf today was the end of human existence, would you choose to survive or just die with it? Now, on the year 2030, Planet Earth is still revolving in the darkness of infinity for about 4.543 BYR. Until triplets found themselves in the future, in the...
