Chapter V: The Awakening of Evil

28 5 0
                                        

CHAPTER 5
T h e  A w a k e n i n g  o f  E v i l

457 Million CE
3rd POV

“Quum in terram convertentur, et omnes gentes terrae victoria polliceri. Statim finis, mundus erunt.”

Minulat niya ang mga mata niya at kaniyang nasaksihan ang liwanag na bumabalot sa mundo. Sa wakas ay muli siyang nakabalik sa mundo. Ipapalaganap niya ang kadiliman na magliliko sa mga kaisipan ng mga tao. Malapit na ang wakas at sa pagkakataong ito ay tinitiyak niyang magtatagumpay siya.

“Deus est retrorsum! Deus est retrorsum!” sigaw ng mga alagad niya. Ibinangon niya ang kaniyang katawan at nasilayan niya ang anak niyang namumuno sa buong kaharian ng kadiliman. Sinalubong siya nito ng ngiti. Maging ang isang babae at binatang lalaki sa tabi niya ay nakangiti sa kaniya.

“Celsitudinem tuam,” sambit nila ‘tsaka lumuhod sa harapan niya. Sunod namang lumuhod ang mga kawal ng kaharian at lahat sila ay sinamba siya.

Siya ay isa sa mga makapangyarihang nilalang. Siya man ay mortal ngunit may kakahayan siyang mabuhay nang paulit-ulit. Noong unang panahon pa man ay naririto na siya sa mundo. Ilang beses na siyang namatay at natalo sa pakikipag-agawan sa mundo ngunit ngayon ay muli siyang nagbabalik para sa huling bakbakan.

“Kamahalan, tatlong babaeng magiging makapangyarihan na inyong makakalaban. Ang dalawa ay hindi pa nahahanap,” Wika ng anak niya. Ngumiti naman siya pabalik at pinagmasdan ang apo niya na anak kaniyang anak.
Ang dugong itim ay patuloy dadaloy sa ugat ng kanilang kaibuturan hanggga't nananatili ang presensya niya sa mundo.

“Ako ang pinakamakapangyarihan sa mundo. Kahit tatlo silang magsama-sama hindi nila ako mapapatumba. We will conquer the world!” Malakas niyang sabi halos umalingawngaw sa buong lugar.

"We will conquer the world!" Pag-uulit ng kaniyang mga tauhan.

“Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko kamahalan para mapasaatin ang mundo,” Sagot ng apo niya. Maging ang ama at ina ng binata ay masaya sa kaniyang sinabi.

“Pangakong gagawin ko rin ang lahat para linlangin sila,” wika niya at muling lumuhod ang kaniyang mga alagad para sambahin siya.

+++


Astarlla's POV

“WHO do you think is he?” patuloy kong pangungulit.

Matapos ang ilang minutong pagpaplano at pagtakas ay sa wakas naisahan din namin ang mga guards ng mansion. First time kong nasubukang tumakas because I don’t really use to escape. Si Astellar lang ang marunong magpalusot kaya nakakatakas siya sa mga parents namin noon. Puro gala siya noon eh.

“Malay ko. I feel very strange about those people who surrounded us lately but the other guy kanina, ewan ko kung ako lang ba ang nakakaramdam ng gaan ng loob sa kaniya,” She replied with a bit smile on her face.

Ngayon ay patuloy namin na binabaybay ang kahabaan ng daan papalayo sa mansion. Lahat ng madaanan naming mga tao ay pinagtitinginan kami tila ba may mali sa amin. O sadyang maganda lang ako? But we have no choice kundi magpatuloy dahil baka mahuli ulit kami.

“What do you mean? Hindi ba kanina lang sinisigaw sigawan mo lang ‘yung mga strangers na nakasalamuha natin kanina? Tapos ngayon magaan ‘yung loob mo dun sa isa. Iba talaga ang isang Astellar,” Sagot ko sa kanya kaya lumingon siya sa ‘kin.

“I know. But I kinda feel like he’s a person really really close not just to me but I think to us,” She talked back.

Mapaniwalain talaga siya. For how many times she got hurt by her exes. Madali siyang magpatawad at maniwala that’s why she usually gets broken.

Byr Series #1: Five Byr (Completed)Where stories live. Discover now