Chapter XII: Kepler-452b

12 4 0
                                    

CHAPTER 12
K e p l e r – 4 5 2 b

457 Million CE
Astral's POV

“Master Derick?” wika ni Jenlyn sa isang lalaking naka itim na tshirt at pants at tinatali niya ang isang lalaki na pamilyar sa ‘kin. Tinatali niya ito sa isang upuan dahilan para magpumiglas ang lalaking iyon. Nakatali ang mga paa at kamay nito at naka piring din. “What are you doing to Master Dam?” tanong ni Jenlyn. Gulat na gulat naman ang lalaking naka itim na pamilyar sa ‘kin.

Lumingon si Derick kina Jenlyn at Sam at nabalot ako ng takot at pagkagulat nang malamang tama ang hinala ko. Siya si Derick na classmate namin ni Astisha na nagkakagusto rin sa kaniya. Mas lalong kinabahan ako kung sino ang lalaking nasa likod ng lalaking naka piring. Ayokong mag isip ng ganito pero natatakot akong baka siya nga.

“Derick?” gulat na gulat na sabi ni Astisha nang Makita ang lalaking nagkakagusto sa kaniya sa taong 2030. “P-paanong nangyari ang lahat ng ito?” tanong pa niya at napatakip ng bibig dahil sa pagkagulat.

“Oh Sam, what did you tell to Jenlyn?” natatawang sambit ni Derick. “We’re just playing, right Damiel?” tanong nito sa lalaking nasa upuan na nakapiring. Sa mga oras na ito ay hindi ko na maipaliwanag ang mga nangyayari dahil sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Paano kung tama ang hinala ko.

Tinungo ni Derick ang lalaking naka tali sa upuan at tinanggal niya ang piring nito.  At dito na nga nabalot ng takot ang kaluluwa ko nang si Damiel na seatmate ko. I know it’s him.

“I will let Mr. Scott know about this,” Wika ni Jenlyn saka siya umalis sa basement nang papataas na siya sa main garage ay gulat na gulat siya nang makita niya kaming tatlo pero hindi na niya kami pinansin at nagpatuloy siya sa paglabas sa garage.

Nang makalayo ito ay agad pumasok sa basement si Astisha at sinugod ng dalawang malalakas na suntok si Derick na dati ay may gusto sa kaniya. Sumunod na rin kami ni Ashtar sa kaniya papunta sa basement.

“Puny*ta kang lalaki ka!” sigaw ni Astisha at sinuntok ng dalawang beses ang mukha ni Derick dahilan para tumulo ang dugo sa ilong niya. Sa kabila ng sakit ng suntok ay nagawa pa rin niyang ngumiti.

Ano’ng nangyayari sa kaniya?

“Easy, easy,” He said in sarcastic voice and raised his two hands in the air.

“Hoy Derick! Alam kong ikaw ‘yan. Alam kong naiintindihan mo ako. Ano bang nangyayari sa ’yo ha? Paanong…paanong nandirito ka rin sa panahong ito. Bakit nandito ka? At ikaw rin Damiel bakit kayo nandidito?” litong tanong ni Astisha.

“Maybe they received the portal link too,” Sagot ni Ashtar na nasa tabi ko.

“What a bright answer, Lady Eury.” Pumalakpak pa si Derick at hindi ko maintindihan nang tawagin niyang Lady Eury si Ashtar.

“I was with my cousin Sam that day when we received that link and yes, nandidito rin kami ngayon. Nagtaka nga rin ako kung bakit nandito rin ang magaling kong half-brother na si Damiel,” Paliwanag niya.

So Sam was Derick’s cousin in his mother side and Damiel is half-brother of Derick in his father side?

“In the first place, I knew it was a portal link because of suspicion. As an IT student, I tried to inspect the link and I saw something ridiculous. Unfortunately, Derick still clicked on it that’s why we’re here,” Sam stated right away.

Kung gano’n ay hindi lang pala kami ‘yung biktima kundi pati rin sila. At naalala ko na kasama pala namin si Damiel noong pinindot ko ang link kaya nandito kami ngayon.

Byr Series #1: Five Byr (Completed)Where stories live. Discover now