CHAPTER 14
R a p t u r e – D a y 2
December 22nd, 457 Million CE
Astisha's POV
“Goodmorning, Darago.”
Pagkarating ko sa dining area ay iyon agad ang ipinambungad sa ‘kin ni Derick. I woke up late today maybe because of exhaustion yesterday. Pagkatapos mapatay ni Derick si Wolferous ay tinulungan namin ang mga tao na mahanap ang mga pamilya nila. Ang ilan ay hindi matanggap ang pagkamatay ng mga asawa at anak nila. Marahil hindi nila talaga magagawang magmakaawa para patayin sila. Wolferous is such a deceiver at hindi na ako magtataka kung kanino namana ni Sevastian ang kademonyohan niya.
Mapayapang nailibing ang mga labi ng mga namatay kahapon dahil sa panggagahasa ng mga kalalakihan dahil mismo sa kapangyarihan ng Dark Vag’bos. Kung gaano kabanal at kaayos nailibing ang mga tao ay kabaliktaran ito sa ginawa namin kay Wolferous. Sinunog namin ang katawan niya at ang mga abo ay ipinaubaya namin sa ihip ng hangin. Wala na siya. At sana nga ay wala na talaga siya.
Sa mga nangyari kahapon ay isa lang ang pumapasok sa isipan ko. Hindi pa iyon ang huli ng pagkikipaglaban namin. Umpisa pa lamang iyon. Titindi pa ang mga pagsubok. Lalala pa ang kasamaan. Magiging mas komplikado pa ang lahat. Hangga’t wala pa ang wakas, hindi pa dito natatapos ang takbuhin namin.
“I told you multiple times not to call me that freaking name.” I rolled my eyes as I sat beside Derick. Wala naman na akong choice kundi umupo sa tabi niya dahil okupado na lahat ng upuan. Sina Astral at Dam ay magkatabi sa harap namin ni Derick at as usual ay tahimik lang silang dalawa. Si Sam naman ay nasa harapan ni Ashtar na nasa kabilang tabi ko. At si Lolo Orion na nasa sentro ng hapag.
“Why you’re always pissed off whenever I call you Darago?” Derick asked. Totoong pikon na pikon ako dahil simula kagabi iyan na ang tawag sa ‘kin. “Isn’t it unique? Someone is calling you a name that no one did in your entire life. Besides, gusto ko na ako lang ang tatawag sa ’yo no’n,” He added.
"What makes it special? What's behind Darago?"
"Dalagang burara na gago."
“Isang tawag mo pa sa ‘kin ng Darago papatayin kitang gago ka,” Pagbabanta ko sa kaniya bago ako nagkaroon ng lakas na kumuha ng pagkain ko. In my peripheral view, I saw him put his two hands in the air.
“Opo, master.” And he continued eating. “However, you don’t need to kill me. I am already death over you,” Pagpapatuloy niya.
I heard Lolo Orion giggled and Astral and Dam looked at us foolishly.
“In my whole years of existence, I never heard my cousin to drop pick-up lines to a lady,” Sam mouthed.
“And I never saw my sister reject handsome man,” Giit naman ni Ashtar.
“Noon, napakalandi mong babae, halos wala kang inaayawang lalaki. Tapos ngayon todo iwas ka na. Anyare sa ’yo girl?” napatigil ako sa pagkain dahil sa mga ibinabato nilang salita sa ‘kin.
“See? The whole team is shipping us.” Derick laughed like a fool. Hindi na ako nakatiis and without leaving a word, I left the dining area. Umagang-umaga ay nabibwisit ako.
I am not even limerenced with his looks.
I immediately went back to my room but as I gazed my vision through the window, I saw people making mud cookies to eat for the day. Hindi na bago sa ‘kin ito dahil una nang ginawa ng mga mahihirap na pamilya sa Africa noon pa mang taong 2020. Kumukuha sila ng pino at purong lupa at ginagawang parang dough. Pagkatapos non ay ibibilad nila sa araw at kapag matigas na ito gaya ng mga cookies ay iyon ang kinakain nila. Kaawa-awa.
YOU ARE READING
Byr Series #1: Five Byr (Completed)
Science FictionIf today was the end of human existence, would you choose to survive or just die with it? Now, on the year 2030, Planet Earth is still revolving in the darkness of infinity for about 4.543 BYR. Until triplets found themselves in the future, in the...
