CHAPTER 29
U n w a n t e d E p i p h a n yJanuary 1st, 457 Million CE
[5 BYR of Earth's existence]
Astisha's POVIba’t ibang delubyo ang sabay-sabay nagaganap sa mga oras na ‘to. Bagyo, malalakas na kulog at kidlat, baha, lindol at apoy na bumabagsak sa lupa mula sa kalangitan. Ang sunog sa kalupaan na dulot ng mga bakunawa at minokawa ay patuloy pa ring lumalaki. Kung ito na ang kawakasan ng buhay ng mga tao, hindi pa ako handang harapin ang kamatayan.
Ang maliit na bitak ng lupa dito sa tutok ng bundok ay mas lumaki pa na nagdulot ng pagguho nito. Sa kabila ng mga matitinding kaganapang ito, nananatili akong nakatayo na tila walang pakiramdam.
Gusto kong habulin si Ashtar para kunin sa kaniya ang totoong puso ni Hiraya at nang maibalik na ito sa kaniya pero hindi ko kayang humakbang. Hindi ko alam kung bakit. Gulat? Pagtataka? Galit? Siguro.
“Mga kupal! Ano pang ginagawa n’yo? Habulin n’yo siya! Bawiin n’yo ang kuwintas!” Sumabay sa kulog ang boses ni Astral. Malakas ang ulan kaya halos hindi na rin makita ang paligid. Nauna na sina Sam at Dam sa paghabol kay Ashtar.
“Astisha! Ano na? Nauto ka! Peke ‘yang crystal na hawak mo!”
“Oh, ‘tang*na, eh di ikaw na magaling! Ikaw na matalino! Ikaw na ang hindi nauto!” Bumuhos ang mga luha ko. Alam kong hindi ko dapat sinabi ‘yon pero sadyang nadala lang ako sa emosyon.
Hindi ko inakalang magagawa iyon ni Ashtar sa amin. P*t*ng-ina sa dami ng ipinuhunan naming dugo’t pawis, magagawa pa niya kaming traydorin. Gusto ko na lang mamatay. Pagod na pagod na akomg lumaban.“What the… Kasalanan ko pa? Sino ba ang pumayag na sumama ‘yung dalawang superiors sa atin? Ako ba?” Sumbat sa ‘kin ni Astral.
Kasalanan ko. Pero paano nangyaring hawak ni Ashtar ang totoong puso ni Hiraya? At bakit hindi niya ito sinabi sa amin? Hindi kaya…
“Kailangan natin siyang mahabol. Marami tayong dapat malaman sa kaniya,” Pagaaya ko kay Astral kaya hinawakan ko ang pulsuhan niya at tumakbo sa dako na tinungo ni Ashtar.
Sa lakas ng ulan ay halos zero visibility na ang paligid pero nagpatuloy kami sa paghabol kay Ashtar. Dumagundong ang malakas na kulog sa tapat namin at maya-maya pa ay tumama ang kidlat malapit sa amin. Mabuti na lang ay nakalayo kami bago ito tumama sa lupa.
“Astisha, watch out!” Napa-angat ako ng tingin at bumungad ang isang bato ng apoy sa itaas na papabagsak sa amin.
Naramdaman ko ang malakas na paghila sa ‘kin ni Astral at tumilapon kaming dalawa. Kasabay no’n ay ang pagtama ng bato na apoy sa lupa.
“Bilisan mo. Baka matakasan niya tayo!” sigaw sa ‘kin ni Astral kaya agad akong tumayo. Patuloy ang malakas na ulan at mga pagkulog at pagkidlat. Sa pagkakataong ito ay iniiwasan na namin ang mga paparating na kidlat at apoy.
“Ashtar! Puny*ta magpakita ka! Ngayon mo ipakita ang tapang mo!” Halos mapaos ako sa lakas ng sigaw ko.
Nakakap*ta lang na kaming mga kapatid pa niya ang tatraydorin niya sa dinami-dami ng nilalang sa mundo. Hindi ko lang matanggap na magagawa niya sa amin ito.
“Huwag kang sumigaw. Kung talagang magpapakita siya, magpapakita siya,” Awat sa ‘kin ni Astral pero hindi ko siya pinakinggan.
“Ashtar, ‘tang*na huwag mo kaming takasan! Harapin mo kami!”
“Astisha, keep calm,” Pagil ni Astral sa ‘kin.
Lumakas ang kulog, kidlat, ulan lindol at pati na rin ang mga pagsabog ng batong apoy sa lupa. Basang-basa na kami sa ulan at hindi ko alam kung magtatagumpay pa ba kami sa misyon namin.
YOU ARE READING
Byr Series #1: Five Byr (Completed)
Science FictionIf today was the end of human existence, would you choose to survive or just die with it? Now, on the year 2030, Planet Earth is still revolving in the darkness of infinity for about 4.543 BYR. Until triplets found themselves in the future, in the...