CHAPTER 20
R a p t u r e – D a y 8
December 28th, 457 Million CE
Astisha's POV
Panibagong araw, panibagong pag-asa, panibagong pagsubok at panibagong laban. Madilim pa rin sa labas dahil sa pagkapinsala ng araw. Pero hindi ito magiging dahilan ng pagsuko ko dahil alam kong may pinaglalaban pa akong mga tao.
“Akala ko ba ang immortal lang na uri ng mga Vag’bos ay ang may hawak nung mga kuwintas ng walang hanggan?” Sam put a question while eating.
“I forgot to tell you, may tatlong grupo ang mga Dark Vag’bos. The sentinels, exclusives and the royalties members. Ang mga aktuwal na Dark Vag’bos mula sa planetang Atudrexa ay sila ang nagsisilbing taga-pangalaga at taga-pagbantay sa mga exclusive members o ang mga tao na naging miyembro nila at siyempre kasama na rin sa kanilang pag-babantay sa mga royalty o ang pamilya ng pinuno nila,” Paliwanag ni Lolo Orion.
“You didn’t answer my question,” Si Sam.
“Ang mga sentinels ay mga mortal na Dark Vag’bos dahil wala sa kanila ang kapangyarihan ng mga kuwintas ng walang hanggan. Tanging ang mga royalties lang ang may hawak sa mga ito at kahit pa mawala ang kuwintas sa mga royalties ay taglay pa rin ng mga exclusives ang kapangyarihan nito dahil binigyan sila ng mga royalties ng kapangyarihan galing sa mga kuwintas ng walang hanggan noong sila ay bagong miyembro pa lamang.”
“‘Tang*na, eh paano namin ngayon matatalo ang mga superiors gayong exclusive members pala sila at nasa kanila pa rin ang kapangyarihan ng mga kuwintas?” anang Astral.
“Mawawala lang ang kapangyarihan ng kuwintas sa kanila kapag naibalik na ang sapphire at emerald na pendant ng mga kuwintas sa totoong nagmamay-ari nito.”
“Sino ba ang may-ari no’n?” tanong ko.
“The two omegas.”
Ano raw?
“Sinong omegas?” pagtataka ni Derick.
“The last two creatures when the humanity will come to an end. Magwawakas lamang ang paghihirap ng planetang ito kapag naibalik na sa kanila ang kanilang mga puso.”
Naguguuhan ako.
“Kung sinabi n’yo agad sana na ‘yon lang ang paraan para mawakasan ang paghihirap ng mundo, eh ‘di sana wala ng nasawi sa mga labanan at delubyo? Sana pinahanap n’yo na lang sa amin ‘yung kuwintas nang maibalik namin ito sa mga omegas kung sino man sila.” Napatigil ako sa pagkain dahil bigla akong nawalan ng gana. Talagang pinahirapan pa kami hanggang sa may namatay sa amin.
“You can’t change what is destined to happen here in the future. These sorrows, evilness even deaths? They are already determined.”
Bigla kong naalala ang mga predictions ko noong nasa taong 2030 pa kami.
“Based on Pre-determinism, all events of history, past, present and future, including human actions have been already decided or are already predicted.”
“I think, our country will be the worst country in the future. Wickedness, evilness, sorrows and deaths will prevail.”
Hindi ko inakalang magkakatotoo nga ang mga sinabi ko noon.
“By the way, Lo, I have to ask you something,” Pagbabasag ko sa katahimikan.
“What is it, Astisha?”
“Later after we eat,”
Nagpatuloy kami sa pagkain. Sa muling pag salu-salo namin dito ay hindi ko maiwasang maalala ang unang araw na umupo kami sa hapag na ito. Simula ng araw na ‘yon biglang nagbago ang buhay namin. Maaaring may mga hindi magandang karanasan kami rito pero mas tinitignan ko ang positibong bahagi kung saan maraming kaming magagandang bagay na natutunan. Mas nagkaroon kami ng pagbabago sa sarili at sa isa’t isa.
YOU ARE READING
Byr Series #1: Five Byr (Completed)
Science FictionIf today was the end of human existence, would you choose to survive or just die with it? Now, on the year 2030, Planet Earth is still revolving in the darkness of infinity for about 4.543 BYR. Until triplets found themselves in the future, in the...
