CHAPTER 3
T h e L i n k2030 CE
Astarlla's POVHindi ko parin makalimutan ‘yung sinabi ng gung-gong na ‘yon kanina. Paano raw kapag nagkatotoo yon, like hell’a bitch naghula lang ako. I don't see that humans and the world will end in that way dahil malamang sa malamang, pataba na lang ako sa mundo kung maaabutan ko pa ang panahon na ‘yon.
But who knows, right?
“Ate dalawang serve po ng shawarma. Seat 13 po.”
Pagkatapos kong umorder ng pagkain ay bumalik ako sa table na namin. Nadatnan ko naman siyang sinundan niya ako ng kaniyang tingin at ngiti mula sa counter hanggang sa makabalik ako sa upuan.
“You look beautiful pala, Astarlla,” He said in a bluff way. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka ibinaling ang tingin ko sa counter kung saan inihahanda ang order namin.
“Bolero,” tipid kong sagot.
“Thank you pala, sinamahan mo akong mag snack today. Simula kasi nung naging seatmate tayo ‘di mo na ako pinapansin,” Wika niya kaya napatingin ako sa kaniya. Tumambad sa ‘kin ang seryoso niyang mukha—a look that I've never been seen on his face.
“What's special about you para pansinin kita? Bukod sa napaka-sutil mo, istorbo na sa klase, bolero pa,” Sagot ko kaya napatawa siya ng bahagya.
“Hindi ka talaga friendly noh? Astig ka din eh. Alam mo kung sa ugali at talino mo lang, pwede lang kitang tawaging nerd. Kaso maganda ka eh, kaya introvert na lang,” Pang-iinis pa niya.“So ano’ng point mo sa panlilibre sa ‘kin?” I asked.
“Wala lang. Just wanna know you more.”
“Wala ka namang kaila—” I was interrupted speaking when the cafeteria-lady came to serve the food we ordered.
“285 lahat, neng.”
“Ah sige po, we'll pay after,” Sagot ni Damiel.
Nang makaalis na siya ay pinagpatuloy ko ang pagsasalita. “Wala kang kailangang malaman sa ‘kin. I'm just a loner with science fixed on my brain cells. Walang espesyal sa ‘kin.”
“That's what makes you special. Hindi ka pasosyal.”
“Pwede ba, kung ganito lang din naman pag-uusapan natin, I'll better go.” Napatayo na lang ako sa inis. Pero bago pa ako maglakad papalayo ay naramdaman ko ang paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko.
“Uy joke lang. Kumain na tayo sayang ‘yung dalawang daan ko ‘pag hindi ito naubos,” Aniya kaya napatingin ako sa kaniya.
“Please?” In blinking eyes and pouting lips, he begged.
Hindi ko naman talaga gustong mag-walk out. Sadyang ayaw ko lang ng mga ganoong usapan.
“Tumahimik ka kung ayaw mong masayang ‘yung two hundred mo. Ayoko ng maingay na kasama,” Sagot ko saka bumalik ulit sa pagkakaupo.
“Opo, Lola. Opo,” he whispered trying to convince me.
I started eating the food he treated. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa tuwing susubo ako ay napapatingin siya sa ‘kin.Tahimik kaming kumain hanggang sa may tinig ng babaeng nagmula sa likuran ko.
“Guys, what do you want to eat?”
“Bakit libre mo?”
“Tanong ko lang. Swerte n’yo naman kung ililibre ko kayo.”
Then they laughed.

YOU ARE READING
Byr Series #1: Five Byr (Completed)
Science FictionIf today was the end of human existence, would you choose to survive or just die with it? Now, on the year 2030, Planet Earth is still revolving in the darkness of infinity for about 4.543 BYR. Until triplets found themselves in the future, in the...