Chapter XVIII: Rapture-Day 6

13 5 0
                                    

CHAPTER 18
R a p t u r e – D a y  6

December 26th, 457 Million CE
Astral's POV

“Saan natin siya hahanapin ngayon?” tanong ko habang sinusuyod namin ang ngayo’y baha pa rin na Central Maharlika. Nagkalat ang mga pira-piraso ng mga istruktura maging ang labi ng mga nalunod na tao. Halos nag-iba na ang itsura ng paligid dala ng delubyo.

“I am very sure they survived.” Kunot-noo kong tinignan si Lolo Orion na ngayon ay pilit naglalakad sa tubig baha kahit halos hindi na kaya ng mga tuhod niya.

“Sabagay mga demonyo naman ang mga ‘yon, of course they’ll survive,” Confident na sabi ni Astisha.

“I told you, he and Scott are not evil,” Pagmamatuwid ni Lolo Orion.

“They are. They are the one who caused much trouble and poverty in our country and even the whole continent of Asia,” Sagot muli ni Astisha.

Alam ko kung gaano kalalim ang galit niya kay Dad dahil sa kahirapan at kasamaan ng mga Dark Vog’bos pero sa tingin ko ay totoong hindi masamang tao si Dad pati si Mr. Scott gaya ng sinabi ni Lolo Orion kagabi. Si Dad mismo ang nagpatunay sa ‘kin na hindi siya masamang tao. The day when they was imprisoned was the day I saw the goodness in him.

“Guards, place these two in the dungeon,” Mr. Maverick of Europe announced in a deep and furious tone. Hindi ako makapaniwala na kaanib sina Dad at Mr. Scott sa mga Dark Vog’bos na itinuturing naming demonyo.

Two armed guards arrested Dad and Mr. Scott. I can see the loneliness in their eyes. They shouldn’t act like that because it made me think that they are innocent.

“They deserve punishment, right?” Mr. Walley asked at sumangayon naman si Astisha.

Napilitang tumayo sina Dad at Mr. Scott dahil sa lakas ng pagkakahila sakanila patayo ng dalawang guardia. Nagtama ang tingin namin ni Dad kaya napaiwas ako ng tingin. Napaatras ako ng kaunti nang papalapit na sila sa kinaroroonan ko ngunit bigla akong naistatwa nang bumulong siya sa ‘kin.

“The truth is soon to unravel. Please save the people, save our country and save the world.”

And the atmosphere changed as I hear his hopeless voice. Nanatili akong tahimik hangga’t hindi ko na sila mahagip sa paningin. Itinuon ko ang mga mata ko sa ibang superiors at hindi ko napigilang ikuyom ang mga kamao ko nang makita ang inasal ng ibang superiors.

Hindi ko maalis sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Alam kong may mali. At sabik na akong malaman ang katotohanan.

“Ano na? Saan ba talaga tayo pupunta?” bagot na sabi ni Ashtar.

“Kung gusto mo i-piggy back ride na lang kita,” Sagot ni Sam.

“Gusto ko sana kaso hindi ako baboy eh,” pamimilosopo ni Ashtar.

“We’re here,” Lolo Orion voiced out  in a sudden at napatigil kaming lahat sa paglalakad. Nasa tapat kami ng isang abandonadong modern building at nakakapagtaka dahil hindi man lang ito napuruhan sa tsunami. Nakakapagtaka talaga.

Inangat ko ang tingin ko at binasa ang nakasulat sa karatula.

Maharlikan National Jail

“Hindi ba’t dito dinadala ang mga preso?” Pagtataka ni Amy.

“Kitid talaga ng utak. Jail nga ‘di ba?” pagmamaldita ni Ashtar. Bakit ba galit na galit si Ashtar kay Amy?

“Oh, you’re still alive? Impressive.” Tinig na nagmula sa loob kasabay ng tunog ng tubigg baha. Pansin kong may taong paparating upang salubungin kami sa labas ng jail.

Byr Series #1: Five Byr (Completed)Where stories live. Discover now