"TARA na bes! Tita alis po muna kami ni Eeya, ah? Salamat po!" paalam ni Bea na hindi man lang binigyan ng pagkakataong tumanggi ang ginang.
Natawa lang ang matanda, umiling. "Sya sige, mag-iingat kayo ah?"
"Syempre po tita, akong bahala dito sa anak nyo." Nag thumbs up pa sya dito na may malaking ngiti. "Ibabalik ko po sya mamayang gabi"
Pumalatak si Eeya at bumaling sa nanay nya. "Sige po ma, alis na po muna kami. Di-dilehensya lang"
"Sige anak, mag-iingat kayo." sagot ng nanay nya habang inaalagaan ang kambal sa sala.
"Babye mga bebe ko!"
"Babye po tita B!"
"Tara na Bea. Kukulitin mo pa 'yang mga 'yan" hinila ni Eeya si Bea palabas. Natatawa naman ang isang nagpahila.
"'San ba tayo pupunta at ang aga mo 'kong dinisturbo? Pupuntahan na ba natin 'yong trabahong sinasabi mo?" Pagkaraay tanong ni Eeya ng palabas na sila ng apartamento.
"Hmmm," nilagay ni Bea ang hintuturo sa baba, tila nag-iisip. "Hindi pa eh. Mamayang hapon pa 'yun"
"Ano!? Eh bakit hinila-hila mo 'ko ng ganito kaaga? Naku babalik nalang ako—"
"Teka lang naman bes, 'di pa nga ako tapos eh. Mamayang hapon pa magbubukas ang bar—"
"Bar!? Jusmiyo ka Bea ipapasok mo 'ko sa isang bar? Naghihirap ako oo pero hindi ibig-sabihin nun na ibebenta ko na katawan ko para pag-parausan. May dignidad padin akong natitira para sa sarili ko. Mahal ko pagkababae ko at hinding-hindi ko isusuko ang bataan para lang sa ikasasaya ng kung sinong lalaki!" sunod-sunod na turan ni Eeya ng makalabas ng complex.
Kinulikut ni Bea ang tenga nya, nakangiwi. "Ang ingay mo naman bes. Wala naman akong sinabing ganun, ah. Oa ka talaga"
Pumalatak din si Eeya. "Basta ayoko! Bar palang sinabi mo aayaw na 'ko agad. Pinapapasok mo 'ko sa mga ganyan, hindi ako magiging magdalena kahit kailan!"
Tumawa si Bea. "Gaga! Sabi na nga ba 'yan iniisip mo eh! Kapag ba nakarinig ka ng bar mga sexy dancer agad pumapasok sa isip mo? Kakaiba ka Eeya!"
Umasim ang mukha ni Eeya habang nakatayo sa kanto at naghihintay ng jeep. "Bahala ka dyan. Basta hindi. Ayoko. Hindi ko tatanggapin ang trabahong sinasabi mo kung may bar"
Napatawa ulit si Bea, hinampas pa sa balikat si Eeya at umiling. "Gaga ka. Mabuti sana kung 'yun nga ipapatrabaho ko sa 'yo. Pero hindi naman 'yun yon eh"
May paparating na jeep na para Cubao pero hindi tinaas ni Eeya ang kamay nya. Hindi naman kasi nya alam kung sa'n sila pupunta ng bruhilda nyang kaibigan.
"Seryoso ako, Bea. Never pumasok sa isip ko na ibenta ang katawan ko para maging parausan ng mga uhaw na lalaki. May dignidad akong inaalagaan hindi lang bilang babae kundi bilang tao narin. Kaya kung balak mo 'kong ipasok sa ganyan, 'wag." litanya ni Eeya, nanghalukipkip.
Tumikhim si Bea, nagseseryoso na din. "Alam ko bes, ang bata mo parin kaya para sa mga ganyan" Ngumisi, "Eh, seryoso din naman akong hindi 'yun ang trabahong pinapapasok ko sa 'yo, eh. Ayaw ko ring maging magdalena ka, noh. Lagot ako sa mama mo 'pagnagkataon"
Hindi na sumagot si Eeya kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Bea.
"Mamaya ko na sasabihin kung ano ba talagang magiging trabaho mo. Tara, samgyup muna tayo tapos gala. Libre ko!" ngiti-ngiting litanya.
"Gala na naman tapos samgyup. 'Wag mong ubusin oras ko sa mga ganyan, Bea. Kailangan ko pang maghanap ng trabaho" palatak ni Eeya. "Para po!"
"Huy teka lang! 'Wag kang umalis. Seryoso ako, bes. Libre ko lahat. Binigyan ako ng allowance ni mama, eh. Basta sasabihin ko na talaga mamaya. Samahan mo lang ako, fleece!" pagmamakaawa nya habang hawak ang kanang braso nito.
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomanceSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
