Kabanata 17

646 37 1
                                        

GAMIT ang kaliwang kamay, tinukod ng babae ang ulo n'ya sa braso na nakatukod sa bintana. Taimtim na tinitingnan ang kaganapan na nagaganap 'di-kalayuan sa pinagpa-parkingan ng kotse n'ya.

Eeya. . .

Nagpitik sya ng labi, tiningnan ang oras sa screen ng kotse at nagpakawala ng hangin. Iniisip n'ya kung bakit hindi pa sya umaalis gayong nakita naman na n'ya ang hinahanap n'ya.

Dala ang mabigat na damdamin, pinaandar n'ya ang kotse. Kasabay nun, umarangkada sya paalis. Baon ang katotohanan na wala na talaga syang pag-asa pa sa kanya.

——

Isang buong gabi ng pag-kayod para sa pamilya na naman ang natapos. Pagkatapos ng mandatory 'Kamustahan Calls' nina Eeya at Syke sa madaling araw ay umuwi nadin sa kanila si Eeya para matulog.

Kinahapunan, ng magising sya, napangiti sya agad ng pumasok sa nostrils n'ya ang amoy ng nilulutong adobong manok.

"Hays! Ang sarap talaga mag-trabaho 'pag may mama na nagluluto!"

Pagkatapos ng magana n'yang pagligpit ng kwarto ay dumiretso sya sa kusina para kumain muna bago maligo. Pero isang eksena ang nakita n'ya na nagpa-init ng puso n'ya.

"Asan 'yung toyo, Yna? Ipasa mo nga. Matutuyo 'to mamaya— salamat, anak"

"Sili ma, o. Gusto ni Eeya ng maanghang, eh"

"Akin na" Kinuha n'ya ang mga siling labuyo at hinalo sa nilulutong adobo.

"Ang hilig nun sa maaanghang, mamaya magka-almuranas 'yun"

Natawa ang mama n'ya. "'Yaan mo na"

"Hm!"

Hindi nalang tumuloy si Eeya sa pagpasok sa maliit nilang kusina at hinayaan ang dalawang babaeng importante sa buhay n'ya sa ginagawa nila.

Pinuntahan nalang n'ya ang mga kapatid n'ya na nagsusulat sa sala. Dala-dala n'ya sa utak ang itsura ng ate Yna at mama n'ya na nagtutulungan sa pagluluto ng paborito n'yang adobong manok.

Ako lang pala ang way para magka-ayos sila, eh! Kung alam ko lang, ginawa ko na sana nung una pa. Tsk. Tsk.

Naiiling si Eeya pero nandun padin ang nakaka-iritang ngiti.

"O, Eeya! Gising ka na pala. Halika na at kumain. Naligo ka nalang din sana agad habang naghihintay" salubong na bati ng mama ni Eeya.

"Hehe. Kain nalang po tayo," ani Eeya sabay hawak sa kamay ng mga kapatid n'ya. "Ate, dito ka po ba kakain?"

Binuhat ni Yna si Chris habang ang bata ay nakikiliti naman. "Dito na 'ko kakain, Eeya. Nangako ako sa baby boy na 'to, eh"

Nagtungo sila sa mesa at kumain. Panay naman ang bigay nina Eeya at mama n'ya ng pagkain kay Yna, kesyo kailangan n'ya daw kumain ng marami dahil magta-tatlong buwan na daw syang nagdadalang-tao. Dalawang tao na ang pinapakain n'ya kaya mas kailangan n'ya ng pagkain at nutrisyon.

Pagkatapos ng magana at payapang hapunan, oras na para bumalik si Yna. At dahil may trabaho si Eeya ay napagpasyahan nilang sabay ng bumaba ng complex.

"Ate, kamusta kayo ni kuya Justin? Nakaka-pahinga ka ba ng maayos? Lumalaki 'yang tyan mo, kailangan alagaan mo ng mas mabuti ang sarili mo para walang maging problema kay baby" saad ni Eeya habang pababa sila.

Automatic na napahawak si Yna sa tyan n'ya. Kapag talaga about sa baby n'ya ang pinag-uusapan, nagiging habit na talaga n'yang hawakan ang tummy n'ya.

"Maayos kami ng kuya Justin mo, Eeya. At hindi ko naman maiiwasang mag-overtime sa trabaho pero sinisigurado ko sa 'yo na nagpapahinga ako ng mas marami para sa kanya" maliit na ngiting sagot ni Yna.

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon