Day 3670
NAGULAT si Nadia ng may mga maliliit na braso ang pumulupot sa mga binti n'ya.
Napangiti sya. Helpless na binaba ang gatas at baby bottle.
"Baby, are you hungry? Do you want to eat? I'm preparing your milk, tho. Or do you want your pacifier??"
Umiling ang batang babae habang malaki ang matang nakatingin kay Nadia. Mamula-mula pa ang pisnge nito na halata sa mala-labanos n'yang kutis.
What a cutie.
Bumuntong hininga si Nadia at nag-squat para mapantayan ang height ng bata.
"Then what do you want?"
"Baby" bulalas ng bata. Naka-lobo ang mga pisnge.
Nagulat si Nadia, hindi alam kung pa'no sumagot. Makaraan ang ilang sandali, napahagikhik.
"You want a baby?" Marahang tumango ang bata. "How many babies do you want, hm?"
Inangat ng bata ang malaman n'yang kamay, pinapakita ang dalawang daliri.
"Tu. . ." anito sa batang boses.
But baby, there's only one. . .
"Eeee. . !" Hindi na napigilan ni Nadia ang sarili at kinurot ang mga pisnge nito. "Baby, you're so cute!"
Pagkatapos panggigilan ang bata ay binuhat ito ni Nadia at pumunta sila sa sala kung saan nagkalat ang mga laruan.
"Baby, everything's a mess in here" bulalas ni Nadia. Sunod-sunod na napakurap ng mata. "Did you do all of this?"
"Yeeeh!" Masiglang sagot ng batang babae at tumawa pa.
Napailing si Nadia at dun n'ya lang din napansin ang barbie shirt n'ya na may mantsa na ng water colors. May mga stickers pa na nakadikit.
Helpless sya na napatawa. Frustrated na hinalikan ang bata sa pisnge na kina-hagikhik ng isa.
"You silly kid. I have to wash you and clean your mess before they come home." anya sa bata at sa sarili. "Come, let's go upstairs"
Pagkabukas ng kwarto ay binaba ni Nadia ang bata.
"Hey! Don't run! I still have to wash you!" Hinuli ni Nadia ang bata na tangka sanang lumabas ng kwarto. "Gotcha. Ha! You naughty kid"
Kiniliti n'ya ang batang babae na nagpatawa dito. Pagkaraan ng ilang sandali ay dinala n'ya ito sa banyo ng master's bedroom para linisan.
——
"Lastly, your perfume. You know what, baby? This baby perfume is a limited edition of a luxury perfume brand. And, the scent suits you very well! You smelled like a fresh green apple!"
Inamoy ni Nadia ang leeg ng bata na nagpakiliti dito. "Hihihihi!"
Ngiti na tumayo si Nadia habang tinitingnan ang bata na nakasuot na ng jumper shorts at white barbie shirt. Naka-pig tails ang buhok nito at may dalawang pink hair clips. Nakasuot sya ng kulay puti at pink na flip flops.
"Mommy. . . do I. . . look good?" medyo hirap na bigkas ng batang babae habang naka angat ang ulo kay Nadia. Nakangiti ng malapad, labas ang mapuputi pero maliliit na ngipin.
"You look sooo much good, baby! Better than mommy" ani Nadia at hinalikan ang ilong ng bata. "Let's go downstairs and clean your mess"
Napa-giggle ang bata. Hinawakan ni Nadia ang kamay n'ya at naglakad sila pababa.
Nang makababa sila, nagtaka si Nadia ng makitang konti nalang ang mga kalat sa sala. Napatingin sya sa kusina ng may tumunog at medyo na-surprise.
"Lil sis, you're back"
"Dada!"
"Hi baby!" Kinuha ni Syke ang bata ng tumakbo ito papunta sa kanya. "I miss you"
"Miss you too, dadaaa" ani ng bata.
Napangiti si Syke pagkatapos ay tiningnan si Nadia na nag-uumpisa ng pulutin ang mga laruan sa sahig.
"Sorry for troubling you, big sis. And thank you for taking care of Liyah while we're away" anito na medyo nakangiwi.
Nilagay muna ni Nadia ang soduko puzzle sa box ng mga laruan bago hinarap si Syke. "Taking care of your daughter is not easy! Sorry and thank you aren't enough. You have to repay me with so much more"
Pinat ni Syke ang likod ng anak n'yang si Aliyah bago sinagot si Nadia. "Anything is fine. What do you want?"
Umarteng nag-iisip si Nadia. Pero bago pa man sya makasagot ay nahagip na ng mata n'ya ang pigura ng isang babae na may kargang sanggol na lumabas mula sa kusina.
Nanlaki ang mata n'ya at nagmamadaling nagtungo dito habang tumitili.
"Baby Zack! Ahhh! He's here! He's here!"
"Shhh. Natutulog pa sya, Nadia"
"Oh, oh! Sorry! I'm just excited!" Pinagmasdan ni Nadia ang natutulog na si Zack. Nagniningning hanggang ngayon ang mga mata n'ya. "Gosh! He's so cute!"
Napangiti si Syke. "Baby, do you want to meet your little brother?"
"Yes, yes!" masiglang sagot nito habang nakapako ang tingin sa baby na hawak ng mama n'ya. "Mama! Mama! Baby!"
"Okay." tumango si Syke, natatawa. Tapos ay tumingin sa asawa. "Love, can you and Zack sit down for a bit so that Liyah can carry him?"
"Sige. . ." sagot ng kanyang asawa.
Ng maka-upo ang mag-ina. Sumunod din sina Nadia at Liyah.
Unang kinarga ni Nadia si Zack na hindi mapigilang halik-halikan ang mga pisnge.
Sunod naman ay si Liyah na sinuportuhan ng mama n'ya sa pagkarga. Masyado kasi itong bata pa kaya kailangan ng gabay ng matanda.
"Baby, 'wag masyadong yakapin si baby, ah?" paalala n'ya sa anak na babae.
"Hm! Oki, mama!" bungisngis na sagot ni Liyah.
"You should rest, love. Kakalabas n'yo lang sa ospital. You need proper sleep so that you can regain your energy" sabi ni Syke habang naka-akbay sa asawa. Pinagmamasdan nila sina Nadia at Liyah na pinangigigilan ang anak nila.
"Ayos lang ako. Nakatulog naman ako ng maayos kagabi" saad n'ya habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Syke. May mabining ngiti sa labi na nakatingin sa dalawa.
Nagpakawala ng hangin si Syke. "But you just gave birth. I'm sure you're drained"
"Syke, kung si Zack lang din ang resulta ng paghihirap ko sa panganganak, worth it lang din ang lahat"
"But Eeya—"
"Shush. Naalala mo pa ba ang sinabi mo ten years ago?"
Natahimik si Syke. Pinagmamasdan ang nakangiting mukha ng asawa. Nakikita n'ya ang ningning ng kwintas na suot n'ya, pero ang mas nakakuha ng buong atensyon n'ya ay ang ningning sa mga nito. Maya-maya ay marahan syang napangiti.
"Yeah? But I only predicted to have Aliyah as our daughter"
Nag-shrug si Eeya. "Hindi lahat ng bagay nangyayari sa kung pa'no natin ito gusto. Pero si Aliyah, blessing natin sya. At si Zack naman ang isa pa nating blessing na kakadating lang. In the end, walang nawala sa 'tin. Nag-gain pa nga tayo. Gaya ng sinabi mo ten years ago, naging isa tayong pamilya ten years after. Masaya, mapalad at kontento. Tinandaan ko 'yun, love"
Napatawa si Syke. Lumapad ang ngiti sa labi. Niyakap si Eeya sabay halik sa noo nito.
"As you said, love"
———————————————————————————————————————————————————————
-=The End=-
|9–19–21
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomansaSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
