Kabanata 6

1.2K 46 0
                                        

PIKIT matang bumangon si Eeya sa kanyang hinihigaan ng maalimpungatan ng pagyugyog sa kanyang balikat. Dinilat n'ya ang isang mata at bumunagd sa kanya ang mukha ng isang nakangusong batang babae.

"Ate. . . wiwi ako po"

Humikab. Medyo hindi pa gising ang katawang-lupa n'ya. "Chary. . . ba't hindi si mama ginising mo?" Isa pa, kayo ang magkatabi hindi tayo.

"Ate. . . tulog pa mama"

Tulog din naman ako.

Nagpakawala nalang sya ng hangin at umupo sa kama. Pa'no nga ba nya matatanggihan ang batang 'to? Kahit mga nonsense na bagay ang madalas nyang sabihin ay hindi nya magagawang hindi pansinin ang kapatid. Masyado n'ya itong mahal para gawin 'yun.

Binaba n'ya ang tingin. Dinilat ng buo ang dalawang mata kahit inaantok pa. Ngumiti. "Kiss muna si ate"

"Mwuah!" Hinalikan sya nito sa pisnge. Napangiti sya.

May sound effect pa.

Cute.

"Hays! Tara na nga"

Naglakad sila palabas ng kanyang maliit na kwarto at dumiretso sa maliit din nilang banyo. Sakto lang ito para panligo at pan-cr.

Pagkatapos magawa ng nakakabatang kapatid ang kailangang gawin ay hinatid na n'ya ito sa kanilang kwarto pabalik pero bigla itong tumakbo at tumungo sa sala. Sinundan n'ya ito, naabutan n'ya lang itong nagbubukas ng unang panahon nilang TV at naka – squat ng upo sa harap.

Hays. TV na naman. Ke-aga-aga eh.

Nilapitan nya ito. "Chary, ang aga-aga pa nag t-tv ka na. Patayin mo na muna 'yan at bumalik dito"

"Ate. . . dok maqstapins!" reklamo ng bata.

"Doc ano??" Naguguluhan si Eeya sa kung anong pinagsasabi ng kapatid. Iniling nalang n'ya ito. "Ewan. Halika na rito at tabihan mo sina mama at Chris. Nakakasama 'yan sa 'yo. Gusto mo bang magkasakit, ha?"

"Ihhhh!" Pinagsisipa ni Chary ang maliliit nyang paa habang nakabusangot at nakanguso. Nag-uumpisa nading magpalabas ng kung anong pambatang palabas ang TV'ng kaharap n'ya.

Napatingin si Eeya sa orasan sa taas ng kanilang kalendaryo na galing pang mercury drug. Mag a-alas sais pa lang ng umaga. Ngumiwi.

"Ano'ng nangyayari dito?"

"Ma, pagalitan n'yo nga 'tong si Chary. Ang aga-aga nag t-tv na" litanya.

Lumingon naman ang kagigising na ginang sa bata. "Chary, halika nga rito. Sinabihan na kita diba? Walang magbubukas ng tv hangga't hindi pa natatapos lahat ng gawain?"

Malumanay ang pagkakasabi ng ginang ngunit buo. Pinaparating sa maliit na bata ang nais na iparating ng hindi nagmumukhang pinapagalitan.

"Opo. Sowry po"

Umiling nalang si Eeya.

"Chris! Halika nga rito kay ate. Good morning baby boy!"

"Good morning ate. . ." Hinalikan ng bata si Eeya sa pisnge. Ngumiti.

"Eeya anak, anong trabaho nga pala ang nakuha mo? At anong oras mo kailangang pumasok? Hindi na kita natanong kagabi dahil nakatulog na kami at medyo gabi ka narin yatang dumating" ani ng ginang sa kanyang likuran.

Inunat n'ya muna ang mga braso n'ya at humikab bago lumingon sa ina. "Opo ma. Sorry po. Nag-aya po kasi si Bea kahapon na uminom ng konti dahil natanggap ako, kaya natagalan ako ng konti. Hinatid ko pa din kasi ang babaeng 'yun dahil nalasing na. At tsaka, sa bar ho ako magtatrabaho"

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon