HALINGHING ng hangin, sayaw ng mga tubig, tunog ng pagtama ng ulan sa bubong at sa lupa. Minuminuto, lumalakas. Ang bugso ng hangin, bumabagsik.
Sa bawat minutong dumadaan, pa-dilim ng padilim ang kalangitan. Tanging tunog ng kulog at kidlat ang maririnig. Nagiging marahas ang hangin na para bang madadala nito ang bahay na tinutuluyan nina Eeya at Syke.
Pero hindi.
Salungat sa lagay ng panahon ang lagay ng dalawa nating bida.
Sa ilalim ng makapal na kumot, sa malawak na kama, sa malambot na matres, sa madilim na kwarto— nakahiga si Eeya, katabi n'ya si Syke na nakatingin sa kawalan.
Dahan-dahan n'yang binaba ang kumot at nagnakaw ng tingin sa katabi. Ay, wala parin??
6. . . 4. . . 2. . . 1
"Ay, kumurap! Kumurap ka nakita ko 'yun! Hahahhaha! Wala pang five minutes 'yun, eh! Sukob ka na, hoy!"
Napatawa si Syke habang nagkakamot ng ulo. Sumandal sya sa head board ng kama habang umupo naman si Eeya. Malaki ang ngiti.
"Malapit na 'yun, eh. Nagbibilang ako sa utak ko, mga ten seconds nalang 'yun at magfa-five minutes na. Wala bang consideration??" anya.
"Consideration ka d'yan, palagi mo na nga akong tinatalo sa ibang mga dare tapos manghihingi ka pa ng consideration dito gayong dito lang ako nanalo? Sus, dami mong alam" Umirap si Eeya.
Maliit nalang na napatawa si Syke, amused na nakatingin kay Eeya. "Okay then, what's your next dare?"
Tinukod ni Eeya ang baba n'ya sa tuhod. Napatingin sa kurtina na medyo umaangat dahil sa hangin. Madilim sa kwarto, patay lahat ng ilaw maliban sa lampshade na nasa side table, kaya kita n'ya ang buhos ng ulan sa labas ng bintana.
At that moment, may nag-click na button sa isip ni Eeya—may naisip syang dare.
Napatingin sya sa mukha ni Syke na medyo nasisinagan ng lampara. Ngumiti at nagsabing, "I dare you. . . to scare me"
Bahagyang nangunot ang noo ni Syke. Si Eeya naman, napangiti ng malaki.
"Ano kasi. . . Hindi kasi ako mabilis matakot. Alam mo 'yun? Parang tuwing manonood kami ni Bea ng horror movie, imbis na matakot ako—nagiging critique ako bigla dahil hindi sila magaling manakot. Basta 'yun, minsan lang ako matakot, eh. But never akong natakot sa mga multo or any supernatural beings. So I dare you tonight na takutin ako"
Napa-kurap ng mata si Syke habang nakatingin padin nay Eeya. Makaraan ng ilang sandali, umiling sya at ngumiwi.
"You sure are different, Eeya." sabi ni Syke at tumayo. "Well then, wait for me here for a while"
Pinagmasdan ni Eeya na pumasok si Syke sa banyo ng kwarto n'ya. Kwarto ni Syke ang kinalalagyan nilang dalawa. Mas malaki kasi ito kumpara sa kay Eeya sa kabila.
Napatingin sya sa bintana ng marinig ang ragasa ng tubig sa banyo. Humigop sya ng hangin at pinakawalan ito.
Hindi n'ya alam kung bakit umulan, maaliwalas naman ang panahon kanina ng makarating sila sa isla.
Pagkagising nalang n'ya kaninang hapon ay umuulan na. Kaya nag-hapunan nalang sila ni Syke sa baba pagkatapos ay umakyat sa kwarto n'ya para magpatay ng oras. Hindi pa naman din sila inaantok.
Pagkaraan ng ilang minuto, namatay ang tubig sa banyo. Palabas na si Syke.
Na-excite naman bigla si Eeya. Hindi n'ya alam kung pa'no sya tatakutin ni Syke pero gusto n'yang malaman kung anong hinanda nito para sa kanya.
Lumabas si Syke ng ganun padin ang itsura. Hindi kita ni Eeya ang mukha nito at tanging pigura n'ya lang. Hindi na abot ng ilaw, eh.
Umupo si Syke sa kama, nakatalikod mula kay Eeya. Nakatingin lang sa kanya si Eeya, naghihintay.
Dalawang minuto ang lumipas, naco-confuse na si Eeya.
"Ano na??" anya dito. Pero tunog ng ulan lang ang naririnig n'ya.
Ilang sandali lang, inangat ni Syke ang kumot sa may paanan ni Eeya, naka-duko ang mukha.
Feel ni Eeya, may mali. May hindi tama. At nagsisimula na syang kabahan.
Sa isang mabilis na kilos, hinawi ni Syke ang kumot at pinasok ang sarili dito. Tinulak sa kama si Eeya habang nakahawak sa mga kamay nito sa ibabaw ng ulo n'ya.
Finally, napahiga silang dalawa sa kama. Si Eeya nasa baba, si Syke nasa ibabaw n'ya. Malapit sa mukha. To the point na hindi na n'ya alam kung kaninong hinga pa ba ang hinihinga n'ya.
Matic na bumilis ang tibok ng puso ni Eeya. Ang mga kalamnan n'ya, nag-tense. Nanindig ang mga balahibo sa balat. Tila nawalan sya ng lakas at parang naging sensitibo ang diwa. Kada tama ng hininga ni Syke sa mukha n'ya, nagdadala ng boltahe sa buong katawan n'ya. Tunay nga namang nakakatakot.
What the fuck what the fuck what the fuck what the fuck what the fuck what the fuck??
This time, tumingin sa mga mata n'ya si Syke. Ngumisi, sabay sabing, "Boo"
"Pu-Putangina mo, umalis ka!"
Agad na tinulak ni Eeya sa sikmura si Syke para ialis sa kanya. Tawa-tawa namang humiga sa tabi n'ya si Syke. Si Eeya, sunod ang mukhang bumangon, umupo sa kama habang tinatakpan ang mukha na walang tigil sa pagsambit ng iba't-ibang mura.
"Ahhhhhhh!! Bwesit!!"
"Hahahahahaha"
Tangina, ano 'yun!? Ayokong magmura pero napapa-mura ako, tangina!!
"Bwesit naman, boss!" Hinampas ni Eeya si Syke ng unan sa tiyan. Patuloy padin ito sa pagtawa. "Kainis! Tinakot mo talaga ako dun. Sobra"
Kinagat ni Syke ang pang-ibabang labi, unti-unti nang kumakalma. "I scared you? Really? That's great, then. Mission accomplished. Congrats, self!"
"Congrats self, 'dami mong alam" bitter na saad ni Eeya.
Ayaw n'yang i-admit na maliban sa natakot, kinabahan din ng super si Eeya ng mga sandaling 'yun. Hanggang ngayon nga, feel padin n'ya ang puso n'yang sobrang lakas ng pag-drum, eh.
D'yos ko po, bata pa po ako. 'Wag n'yo po akong pababayaan.
Naalala tuloy bigla ni Eeya ang mga salitang binanggit sa kanya nung isang araw ni Bea. At agad syang namula dahil sa hiya.
Bwesiiit!
"Bahala ka nga d'yan. Anong oras na, babalik na 'ko sa kwarto ko. Matulog na tayo"
Tumayo si Eeya mula sa kama at mabilis na nagtungo sa pinto, pero hindi muna lumabas.
Lumingon sya sa likod n'ya— kay Syke na hindi nagsasalita sabay sabing, "Good night"
At nagpatuloy sa journey papunta sa sariling kwarto.
Napasandal sya sa pinto pagkasara. Pinakiramdaman ang puso sa dibdib ng ilang minuto bago napatayo ng tuwid, nanlalaki ang mata.
"Shit. In love na ba 'ko??"
—————————————————————————
Pengeng star. Maganda ka naman, eh.
|9–16–21
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
Roman d'amourSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
