MALALIM na ang gabi ng mapagpasyahan ni Syke na itabi ang laptop, umalis sa mini coffee table at humiga sa kama. Naka-on pa ang lamp shade na agad n'yang pinatay.
Tumitig sya sa madilim na kisame. Huminga ng malalim habang inaalala ang babaeng nakasama n'ya kani-kanina lang.
Si Eeya.
Si Eeya na nakilala n'ya lang pero nakahatid na ng ibang epekto sa kanya. Epektong kakaiba pero masarap. Delikado pero gusto. Mali pero tama. Para sa kanya, hindi tama ang nangyayari, kaya lang iba ang sinisigaw ng mapilit n'yang puso.
Corny mang pakinggan pero 'yun ang totoo.
Minsan talaga, mapapasabi ka nalang ng, 'Corny mo!' sa isang bagay na kagaya ng nararamdaman ni Syke. Pero kalaunan, kapag ikaw na mismo ang naka-experience, mapapabuntong hininga ka nalang at mapapasabi ng, 'Ba't walang nagsabi na ganito pala 'to?'
Depressing, noh?
Binaling ni Eeya ang katawan sa gilid habang nakabukas parin ang mga mata, mahigpit na nakahawak sa kumot na medyo kusot-kusot. Dalawang beses n'yang pinirat ang mata. Tatlo, apat, anim— nagbuntong-hininga.
Obvious na hindi makatulog. Iniisip ang mga nangyari dalawang oras lang ang nakakaraan.
Or more on, iniisip ang taong nakasama n'ya kani-kanina lang.
Mahigpit n'yang pinikit ang mata, binasa ang labi, humugot ng malalim na hininga pagkatapos ay pinakawalan sabay dumilat. Hah.
Inabot n'ya ang pitaka sa maliit n'yang side table at may kinuha ditong isang card. Tinitigan n'ya ito kahit na hindi visible dahil sa kadiliman nang kwarto. Pero sa isip n'ya, naka-marka na ang pangalan ng taong sinasabi sa card na ito.
"Dapat ko ba 'tong ibalik?" mahina n'yang tanong sa sarili.
Hindi n'ya rin alam ba't n'ya binulsa ang calling card ng boss n'ya. Just like an impulse nga raw.
Nilobo n'ya ang mga pisnge pagkatapos ay binigyan ng side-glance ang teleponong naka-charge sa side table habang hindi ginagalaw ang ulo.
Anong ibig sabihin nun? Baka naman siguro trip n'ya lang tingnan 'yun diba at hindi talaga sya nag-eexpect na magte-text sa kanya si Syke ng ganitong dis-oras ng gabi? Hm, sana nga.
Mahinang pinitik ni Eeya ang labi at binalik sa pitaka ang calling card. Nilubog ang sarili sa kumot at kinomportable ang sarili.
Hindi n'ya talaga alam bakit medyo feel n'ya nami-miss n'ya si Syke. Hindi din n'ya alam ba't medyo na-dissapoint sya ng hindi sya nakatanggap ng text mula sa kanya. Para syang isang high school student na ni-reject ng crush n'ya.
Oh wait, seventeen palang sya. So technically, high school pa sya. 'Yun ay kung nag-aaral pa sya.
Pero ano nga bang ibig sabihin nito? Crush? Admiration? Infatuation? Inlove na ba si Eeya? 'Di, masyado pang maaga.
So ano ngang ibig sabihin nito!?
Kinabukasan ay pumasok si Syke sa trabaho n'ya. Nag-perform ng ilang mga surgery sa pasyente sa umaga at ng makabalik sa office ay nagulat sya sa unexpected na bisita.
"Lil' sis!"
"Nadia? Hey. . ."
Nag-beso sila bago inaya ni Nadia na umupo sila sa sofa ng office.
"What brought you here?"
"It's been weeks since we had lunch together. I wonder if you can accompany me, hm? Lil' sis??"
Hindi nagkaroon ng chance si Syke na tanggalin ang white coat n'ya ng bigla syang hilahin kanina ni Nadia sa sopa kaya naman tinanggal n'ya muna ito, marahang nilagay sa tabi at sumagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomansaSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
