Kabanata 8

1.1K 46 2
                                        

TININGNAN ni Eeya ang sarili sa maliit n'yang salamin. Naglagay ng cologne sa ilang bahagi ng damit at lumabas sa kwarto na kuntento na sa maong pants at faded grey v-neck shirt.

"O anak, ayos ka lang ba? Ba't namumutla ka?"

Umiling. "Ayos lang po ako ma, medyo 'di lang nakatulog kagabi" Tinungo n'ya ang kusina nila at dun n'ya nakita ang kambal na kumakain ng choco tops, "Psst! Pa-kiss ako"

"Hi ate!" in chorus na bati nila at hinalikan sa magkabilang pisnge ang kanilang ate.

Sabay na tumakbo ang kambal sa sala na kinailing lang ng dalawang babae.

"May 3 in 1 pa po ba tayo, ma? 'Yung stick?" Binuksan ni Eeya ang kabinet nila sa taas. Tatlong lata lang ng pulang sardinas ang nakita n'ya, kalahating asukal na brown, vetsin, asin at tatlong maliliit na sachet ng toyo. In short, walang kape stick.

"Wala na anak, eh. Gusto mo ba bumili ako sa baba? Sige bibili muna ak—"

"Ma, ma— teka 'wag na. Ayos lang po. Bili nalang ako on the way" pigil ni Eeya sa nanay n'ya.

"Sigurado ka ba?" Alalang lumapit ang ginang sa  anak na kumukuha ng bahaw na pandesal sa tupperware.

"Opo ma, ako pa" ngumiti, "Nakausap n'yo na po ba si ate, ma?"

Dumungo ang ginang. "Hindi pa anak"

Nilunok n'ya ang pandesal tsaka nagsalita. "Sige ma, kakausapin ko si ate." inom ng tubig, "Una na po ako ma"

"Sige 'nak, mag-iingat ka"

Niyakap nila ang isa't-isa at hinalikan ni Eeya ang nanay n'ya sa pisnge bago kinuha ang back pack sa kwarto at tumungo sa salas.

"Chary. . . Chris. . . wag kayong maging makulit kay mama, ah? 'Wag din pasosobra sa junk foods at paglalaro—lalo na ikaw Chris." Tinuro ni Eeya ang isa sa kambal. Dumungo ito. "'Wag kang magpapawis. Kahit pa dumating ang anak nina ate Selsa, 'wag kang pasosobra sa paglalaro. Baka hikain ka na naman at mapano ka pa"

"Opo ate," mahinang sambit ng batang lalaki.

"Babye ate!"

Hinalikan n'ya ang pisnge ng mga kapatid at tumulak palabas ng kanilang apartment para makapasok sa trabaho.

Alas tres pa lang naman ng hapon ngayon, sobrang aga pa pero sinadya n'ya talaga na sa ganitong oras umalis para kausapin ang ate n'ya. Siguro naman nahimasmasan na ito sa nangyari nung nakaraan.

Cariño Apartment Complex. Room 476.

Kinatok n'ya ang brown na pintuan sa harapan at naghintay ng taong magbubukas. Umaasa syang isa sa kuya Justin o ate Yna n'ya ang bubungad sa kanya pero wala.

Kumatok sya ulit. Tatlong beses.

Wala.

Ba't parang feeling ko nangyari na 'to? Dejà vu?

Limang minuto. Limang minuto na syang naghihintay pero walang bakas ng ate Yna o kuya Justin n'ya ang nakikita n'ya.

Buntong-hininga n'yang kinuha ang keypad n'yang telepono at tinext ang ate nya. (wala kasi syang pantawag)

'Iya, nasa tarbaho aq.wla aq dyan. c kuya Justin mo nmn nasa palengk pa. umuwi q na mna. bukas na tayo magusap'

"Ay, ganun?"

Binalik nalang ni Eeya ang telepono sa bag nang dismayado ang mukha. Pero wala na syang magagawa. 'Yun na 'yon, eh.

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon