Kabanata 25

749 28 0
                                        

UMIHIP ang hangin, gininaw si Eeya sa lamig. Kinuha n'ya ang extra large jacket na binigay kanina sa kanya ni Syke bago sya pumasok sa loob para kumuha ng mga chichirya.

Sinandal ni Eeya ang gilid ng ulo n'ya sa pillar ng porch habang nakasalpak ang mga kamay sa bulsa ng puting hoodie. Nagbuntong-hininga.

"Hey," Nag-angat sya ng tingin. "I got your grape juice"

"Salamat" ani Eeya sabay kuha sa kamay ni Syke ng grape juice n'ya. Sinipsip ito. "Hmmm"

Umupo si Syke sa tabi n'ya. Sumandal sa sandalan ng sopa at pinag-krus ang mga paa. Nagpakawala sya ng hangin dahil sa komportableng pakiramdam.

"Ayos ka na? Mukhang gumalaw ka ng sobra ngayong araw, ah?" tanong ni Eeya.

"Hindi naman masyado. But I'm fine. Tho medyo sumakit kamay ko dahil," awkward na tawa, "Hindi ko talaga alam pa'no magluto"

Napangiti si Eeya at sinulyapan muna si Syke bago binalik ang tingin sa madilim-dilim na dagat.

"Uy, thank you, ah? Sa ginawa mo ngayon. Na-appreciate ko talaga"

Ngumiti si Syke, ininom ang sariling red wine. "Na-surprise ka talaga? Hindi halata nung niyaya kitang mag-bakasyong ng halos tatlong araw?"

"Benefit of the doubt nalang kita. Oo, alam ko na ang plano mo. Pero hindi ko alam na ganito pala" Maliit na napatawa si Eeya.

Umiling si Syke. "I knew it"

"Pero hoy, 'wag mong i-take 'yun as a bad thing. Hindi man ako super na na-surprise, na-appreciate ko padin. Seryoso. 'Wag ka ng malungkot, okay?"

"Hindi ako malungkot. What are you saying??" sumipsip si Syke ng wine, "Anyways, may tanong ako. Nung isang araw ko pa 'to iniisip, eh"

"G," tumango si Eeya. Ininum ang basong may lamang grape juice.

"Bakit ayaw mo mag-debut? Kasi diba, nung isang araw na pumunta ako sa inyo para ipaalam kay tita kung ayos lang ba na ilabas kita sa birthday mo, sinabi mo sa mama mo na ayaw mong mag-debut. Debut is one of the things that only happens once in a lifetime for a girl. One of the most memorable also. Why is that?"

Tumango si Eeya. Sumipsip bago tumikhim. "One of the things that only happens once in a lifetime for a girl. . ." bulong n'ya, "Ikaw ba, nag-debut ka?"

Na caught off guard si Syke dun pero sumagot parin. "No, actually. Hindi nagce-celebrate ng debut ang ilang mga Chinese. And my family is one of that. But Ashley. . . We planned to give her one. Unfortunately, it won't happen anymore"

Agad na sumagot si Eeya. Ayaw na n'yang bumalik na naman sila sa melancholic atmosphere. "Ayoko lang ng engrandeng celebration. Kasi sa opinion ko, eighteenth birthday is just the same as seventh birthday. 'Yun bang normal lang sya na birthday. Walang dapat ika-bigay ng eighteen roses at walang rason para mag eighteen dances. Syempre din naman, opinyon ko lang 'yun. Personal choices ba"

"Hmm" tumango si Syke. Sabay na sinipsip ng dalawa ang mga inumin nila. "I see. . . Now I understand. Reasonable naman. Sayang lang, hindi kita masasayaw as last dance mo"

"Dami mo alam." Napatawa si Eeya. Nilayo ang baso sa bibig. "As if namang masasayaw mo 'ko"

"Why? Because I am this?"

"Ha?" Napatingin si Eeya dito. "Anong, 'because I am this?" Quote&quote na anya.

"Because I am a lesbian?"

Napa-laki ang mata ni Eeya. Nagulat sya, eh. "Hoy! Anong pinagsasabi mo! Hindi, ah! Pa'no mo naman nasabi 'yan? Hindi 'yan ibig sabihin ko, maniwala ka"

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon