Kabanata 11

875 40 0
                                        

KALANTING ng mga kubyertos, ingay ng pag-nguya at paglunok, tunog ng pagtama ng baso sa lamesa tuwing may umiinom— 'yun ang mga tanging tunog na naririnig ng pamilya Oliverio kasama sina Bea at Syke habang kumakain sa may 'di-kalakihang hapag.

Awkward. Salitang matatawag ni Eeya sa atmosphere habang kumakain sila ng tanghalian.

Napatingin sya kay Syke na nasa tabi lang n'ya. Ang gana-gana n'yang kumain kahit na alamang at monggo lang ang ulam nila. Napatingin naman sya kay Bea na nasa harap n'ya. Ngiti-ngiti ito na para bang nag-e-enjoy sa kung ano man.

Wala na syang nagawa kundi ang tumikhim.

"Ma, bayad na ho ang upa natin. Pati ang tubo kasama na. Wala narin tayong babayaran sa susunod na dalawang buwan." Napatingin sa kanya ang nanay n'ya. "S-Si maam— este si Syke po ang nagbayad"

Sumulyap sya sa tabi n'ya, hindi alam na nakatingin na din pala sa kanya ito. Nag-iwas sya ng tingin, ramdam ang pag-iinit ng mga pisnge.

"Eeya, totoo ba 'yan?"

Nabalik ang tingin ni Eeya sa ina. Tumikhim. "Opo"

"Wah! Talaga ate? Hindi na tayo mapapaalis dito??"

Napangiti si Eeya sa tanong ng nakababatang kapatid na lalaki. Katabi nito si Bea kaya dumukwang sya ng kaunti. "Hindi na, Chris"

"Yey! Kaya pala nandito sya kanina. Salamat po!"

Napangiti si Eeya at Syke sa tinuran ni Chary na katabi ni Eeya. "No worries. It's my pleasure to help"

"Maraming salamat ho. Narinig kong ikaw ang boss ni Eeya. Maraming salamat ho sir—"

"Just call me Syke, ma'am. You're older than me, don't address me with such honorifics. And, I'm happy I helped you and your family" ngumiti ito, pinapakita na naman ang kaputian ng mga ngipin na may konti pang kintab.

Kinagat ni Eeya ang labi para pigilan ang pag-ngiti. Hindi n'ya alam na kitang-kita 'yun ni Syke dahil nga magkatabi lang sila.

Hindi nagtagal ay natapos narin silang mananghalian. Nag-presintang maghugas ang ina ni Eeya pero tinanggihan n'ya ito. Ganun din si Syke. Kaya ang ending, magkatulong silang maghugas ng 'di-bababang limang plato, tatlong yahong, isang mahabang plato, tatlong platito, limang baso at limang pares ng kutsara't tinidor. ('wag n'yo nang itanong kung bakit bilang na bilang. 'Yan ang mga hugasan na hinugasan ko kanina)

May kasama pa palang kaldero, kaha at sandok. (XD)

"Maam— I mean Syke, hindi mo naman kailangang gawin 'to. Kaya ko naman maghugas mag-isa" ani Eeya habang binubulaan ang plato. Si Syke ang taga-tuyo at tagalagay sa rack.

Akalain mong marunong pala 'to.

"It's okay. I ate with your family so I should help with the dishes"

"Bisita ka namin. Tsaka tinulungan mo kami ng big time kaya wala lang 'yung pag-imbita namin sa 'yo ng pananghalian. Nakakahiya kaya" Binanlawan n'ya ang plato tsaka binigay kay Syke. Tinanggap naman agad 'yun ng isa.

"I told you it wasn't a big of a deal. I'm happy I helped you" anya. Ngumiti.

Sumulyap si Eeya sa katabi. Nakita n'ya itong nakangiti kaya napangiti nalang rin sya sabay iwas ng tingin. Enebe.

"Tss,"

Kailan mo malalaman kung feeling close ka na?

A. Kung hahampasin mo sya kapag may nakita kang nakakatawa.

B. Kung hahablutin mo sya sa braso para pumunta kung saan mo gusto.

C. Kung minumura mo sya ng walang dahilan at iniisip mong hindi sya mao-offend kasi nga cLoSe kayo.

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon