NAKATAYO, walang ginagawa, naghihintay. 'Yan lang ang ginagawa ni Eeya sa labas ng apartment complex na tinutuluyan n'ya.
Habang nakasandal sa pader, nakapag-isip-isip sya; Dapat ba talaga akong sumama?
Para kasing wala sya sa lugar na dumalo sa death anniversary ng kapatid ni Syke. Hindi naman n'ya 'to kaano-ano, eh.
Pero para nalang sa sake ni Syke, pupunta sya. Ito ang first time na a-attend sya simula ng mamatay ang kapatid n'ya kaya malamang masakit para sa kanya ito. Kailangan n'ya ng karamay.
'Di nagtagal, dumating si Syke.
Nakasuot ito ng puting t-shirt na pinatungan ng black leather jacket. Itim din ang pants n'ya. Kung ibang araw lang siguro 'to, mamamangha na si Eeya. Kaso, hindi, eh.
Sayang ang papuri.
Habang nasa kotse, nagsalita si Eeya.
"Syke, ayos ka lang?" Hindi ka kasi nagsasalita. Naninibago ako.
Hindi agad sumagot si Syke. Nakatingin lang sya sa daan, nagda-drive. Lumipas ang isang minuto, na-a-anxious na si Eeya pero napawi 'yun ng hinawakan ni Syke ang kamay n'ya.
"Are you sure you want to go with me?" Sinagot ni Syke ng tanong ang tanong ni Eeya.
Pero tumango lang sya. Atleast nagsalita, diba? "Sumang-ayon na 'ko dati, hindi ko 'yun babawiin last minute. Although napapa-isip ako kung dapat ba talaga akong sumama dahil hindi naman kami magka-ano-ano, pero nangako na 'ko sa 'yo, eh. Kakapalan ko nalang mukha ko"
Humigpit ang kapit ni Syke sa kamay ni Eeya. Hinayaan lang din n'ya 'yun, nagugustahan n'ya naman, eh.
"That's nice." anya, "Thank you"
Naging tahimik ulit sa kotse. Pero alam ni Eeya na dapat lang 'to. Hahayaan n'yang makapag-isip at ihanda ni Syke ang sarili n'ya sa lugar na pupuntahan nila.
——
Time soon passed by at nakarating sila sa destinasyon nila.
Huminto ang sasakyan sa entrance ng isang bungalow. Hindi mansyon—bungalow.
Nakaramdam bigla si Eeya ng kaba. Namawis ang mga palad at paa n'ya.
On the way hindi naman sya ganyan, pero ng huminto sila at habang kinukwento ni Syke ang about sa pamilya n'ya, bigla syang kinabahan.
Parang namamanhikan, eh, no??
Naka-park sa gilid ng daan ang iba't-ibang klase ng mga sasakyan. Hindi expert si Eeya sa mga kotse pero kilala n'ya ang ilang sikat na mga brand. Such as; BMW, Mercedes Benz, Audi, Toyota, Volkswagen.
Naku, mga kotse palang, yayamanin na. . .
Pinagbuksan ni Syke si Eeya ng pinto.
Kinilig sya, syempre. Pero kikiligin parin kaya sya kung malaman n'ya na pinagbuksan lang sya ni Syke ng pinto kasi natatagalan sya sa kanyang bumaba?
Harsh pero totoo.
"Thank you" Nagpasalamat pa.
"Are you okay?" Tanong ni Syke, nakatayo sa gilid ni Eeya. "You look uncomfortable"
"Natatanong mo na 'yan sa 'kin knowing na pinakalma kita kanina" anya.
Ngumiti lang si Syke. "Oo nga. Pero ikaw naman na 'tong parang kinakabahan. It's fine. Sinabi ko na sa 'yo kanina, I've already informed them that I'm bringing someone with me, so that they won't get surprised and you won't feel uncomfortable. Trust me, hm?"
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomantikSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
