Kabanata 22

610 25 0
                                        

MADUWAL-DUWAL na bumaba si Eeya mula sa speed boat na sinakyan nila ni Syke.

"Ano. . . Ano ba 'yan, Syke. Bumaliktad mga lamang loob ko"

Napahawak sya sa braso ni Syke habang naka-dungo ang katawan. Hawak-hawak sa isang kamay ang tyan.

"Bwesit. . . naduduwal ako"

Napatawa si Syke habang inaayos ang tali ni Eeya sa buhok para hindi malagyan ng suka.

Samantala, patuloy namang nilalabas ni Eeya ang mga kinain n'ya kanina at kagabi sa may puno ng buko. Nakahagod sa likod n'ya si Syke.

"Ikaw naman kasi, sinabi ko na sa 'yong 'wag ka munang kumain bago bumyahe. Nilabas mo lang tuloy mga kinain mo"

Pagkatapos ng huling duwal, mugto ang matang nag-angat ng ulo si Eeya. Pinahiran naman ni Syke ng panyo ang bibig n'ya.

"Malay ko ba. . . na ganito pala mangyayari. At tsaka, kasalanan ko ba kung nagutom ako?!"

Umiling nalang si Syke habang sinusuportahan ang katawan ni Eeya. "Ayos ka na ba? Here, drink this water"

Kinuha agad ni Eeya ang mineral water at nilagok ito ng tuloy-tuloy. Pagkatapos ay binalik kay Syke ang bote at tumayo ng tuwid.

"Okay na 'ko"

Ngumiti si Syke at binitawan ang buhok ni Eeya. Hinawi n'ya naman ang sarili n'yang buhok sa gilid dahil sa hangin.

Hala, ang gwapo nun.

Tumikhim si Eeya at inikot ang tingin sa paligid. Napahawi din sya ng buhok dahil sa hangin na tumama sa mukha n'ya. Ang fresh pa.

"Nasan tayo?"

"Nasa isla" simpleng sagot ng isa.

"Isla? Anong isla??" tanong ni Eeya sabay kuha ng backpack n'ya at nilagay sa likod. "Akin na 'yan. . ."

"It doesn't matter." Hindi binigay ni Syke ang travel bag ni Eeya. Ngumiti. "Tara na"

"Ako na magdadala n'yan"

"Ako na. Ang hina ng katawan mo. Ang liit-liit mo pa"

Napahawak sa dibdib si Eeya, umaarteng nasasaktan. "Bakit ka ganyan? Sinabi ko lang naman na ako na magdadala ng bag ko, eh. Grabe ka. Masyado ka lang kayang matangkad"

"Kasalanan ko pang ganito ako??"

"Ewan ko sa 'yo" Umiling nalang si Eeya. "San ba tayo pupunta?"

Daungan ang nakikita ni Eeya. Meron ding mga speed boat ang nakikita n'ya na nagbababa ng mga pasahero. Pero nagtataka sya.

"Mga pasahero 'yung bumababa sa mga speedboat Syke, diba?" tanong ni Eeya.

"Hm? Yes. Why?"

"Ahh. Pero bakit nung sumakay tayo, tayo lang dalawa ang nakasakay sa speedboat maliban sa kapitan at isang kasama n'ya?"

Tumingin sa kanya si Syke habang naglalakad. Huminto sya sa harap ng isang kotse at binigay sa payat na lalaki ang mga bag nila ni Eeya. "My family owns variety of sea ships. And that boat was one of them, so, yeah"

Bahagyang nanlaki ang mata ni Eeya. "Wow, talaga??"

"Yeahh. . ." anya, "Get inside"

"Ay," Pumasok si Eeya sa nakabukas ng pintuan ng shotgun seat.

Umikot si Syke at kinausap ang payat na lalaki. Nag-shake hands sila makaraan at malaki ang ngiti na umalis ang lalaki. Nag-wave pa kay Eeya na nasa loob kaya maang na napa-wave back nalang din si Eeya kahit hindi sure kung nakikita n'ya.

Pagpasok ni Syke, tinanong sya agad ni Eeya kung sino ba 'yun.

"Him? His a worker under my family. I gave him a bonus for bringing the car on time" wala lang na sagot ni Syke.

"Ahh. . . Yayamanin talaga" bulong ni Eeya.

Ngumiti lang si Syke at ini-start ang kotse. "You can sleep if you feel tired. But you can also take a look outside while I drive. I promise you'll gonna love it"

"Ah, sige. Hindi pa naman ako inaantok, medyo nahihilo lang. Pero kaya pa naman"

Lumarga ang sasakyan.

Habang nasa daan, nakikita nila Eeya ang mga bahay na gawa sa mga nipa, kahoy at kawayan. May distansya ang layo ng mga ito. Meron ding mga nagtataasang puno ng buko, aratilis, nangka, palutsina, lantay, at marami pang iba. Kung titingnan mo ay para itong probinsya.

Maaga pa, alas dos pa ng hapon. Mataas ang pwesto ng araw, malakas ang ilaw na nilalabas. Pero hindi 'yun masyadong maramdaman ni Eeya dahil sa mga dahon ng puno na pumipigil para tumama sa kanila ang sinag. Ramdam n'ya 'yun dahil nakababa ang bubong ng sasakyan ni Syke. Mas lalo n'yang nafi-feel ang kalikasan dahil dito.

——

"Dito tayo mags-stay??" manghang tanong ni Eeya ng mabungaran ang isang gawa sa kawayan na bahay ng bumama sya ng kotse.

Ang bahay kasi ay gawa sa kawayan, pero halata sa kulay at kintab nito na dumaan ito sa furnishing. Hindi sya masyadong malaki, pero hindi din maliit. Kasya lang ang tatlo hanggang apat na tao dito. May front porch din na may nakalagay na isang mahabang sopa na gawa sa kawayan at maliit na coffee table. Naging relaxing itong tingnan.

Sa harap din ng bahay na, makikita ang dagat 'di kalayuan. Mapagmamasdan ito kahit uupo ka lang sa sopa, sa may beranda. Isa ito sa dahilan kung bakit agad na namangha si Eeya.

"Bahay bakasyonan 'to na binili ko dahil madalas akong pumunta dito dati. So yeah, we'll stay here" sagot ni Syke at kinuha ang mga bag nila Eeya sa trunk.

Sa narinig ni Eeya, hindi na sya nagulat pa at nagtaka. Tiningnan n'ya nalang ang magandang tanawin sa harap n'ya.

"Pumasok muna tayo at ayusin ang mga gamit natin. Pagkatapos nun tawagan mo mama mo at sabihan sya na nakarating na tayo"

Dun lang nabalik sa wisyo si Eeya. Tumingin sya sa likod. "Ah, sige. Tama. Halika na"

Pagkapasok sa loob, namangha na naman si Eeya. Puro bamboo talaga ang nasa loob maliban nalang sa mga gamit sa kusina. Minimalistic ang disenyo ng sala dahil sa dalawang bintana na nakalagay malapit dito, makikita mo ang mga puno sa 'di kalayuan at mga patag na lupa.

May dalawang floor ang bahay. Ang baba ang kusina, sala at balkonahe. Ang ikalawa naman ang cr, mga kwarto at maliit na library. Meron ding isang veranda dito na magbibigay ng magandang view sa dagat kung sa taas mo titingnan.

Pumasok sa tig-iisang kwarto sina Eeya at Syke.

Nilapag agad ni Eeya ang bag n'ya sa medium size na kama at puma-ibabaw din dito. Naka-spread ang mga kamay. Nakaharap sya sa ceiling. Halatang pagod ang katawan.

Napabuga sya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana. Kulay asul ang kalangitan. May iilang ibon ang lumilipad at maliliit na mga puting ulap.

Dahil sa matagal na pagtitig dito,  hindi na namalayan ni Eeya na nakatulog na sya.

—————————————————————————
Gusto kong maging girlfriend ni Lisa. Skl.

|9–16–21

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon