Kabanata 18

638 31 0
                                        

NAGBUKAS-SARA ang bibig ni Eeya. Hindi sya maka-porma ng salita para sumagot kay Syke. Mainly ay dahil sa blangko ang utak n'ya at magulo ang damdamin n'ya.

Isipin pa lang kasi na ang ate Yna n'ya at kanyang boss Syke ay nagkasama sa iisang kama, hubo't-hubad, ng buong gabi, ay parang hindi n'ya matanggap. Parang pinagtaksilan sya. Basta masakit sa feels.

Pero wala namang dahilan para maramdaman n'yang pinagtaksilan sya. Rasyonal pa naman kahit papano ang utak n'ya at nakakapag-isip pa sya ng maayos. Unang nagkakilala ang ate n'ya at si Syke, kung ganun ang nangyari, edi ganun, wala na syang isyu. Ang hindi n'ya lang matanggap talaga ay ang naging interaksyon nila ng gabing 'yun.

Nagbaba sya ng tingin, umayos ng tayo tsaka maliit na ngumiti kay Syke. "Hehe, ganun ba?"

Tiningnan lang sya ng isa.

"Wala akong masabi sa totoo lang. . . hindi ko alam ang sasabihin." Hinaplos ni Eeya ang buhok n'ya. "Kung ganun pala. . . edi sige. So, nagkakilala na pala kayo ni ate noon, ah. 'Di mo man lang sinabi"

Mahinang nagbuntong-hininga si Syke. Pero bago pa man sya makapagsalita ay inunahan na sya ni Eeya.

"Sige po boss, una na po muna ako. Medyo sumasakit na ulo ko, eh. Kailangan ko na talagang matulog," tawa, "Sige po. Bye!"

Hindi na pinigilan ni Syke si Eeya. Hinatid n'ya nalang ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala.

Sigh.

*bzzz* *bzzz*

Medyo tamlay na kinuha ni Syke ang telepono sa bulsa ng sweat pants n'ya. Binasa ang text.

'You suddenly went out. I wondered where have you been. Nevermind that. When are you coming back? It's still dawn, idiot'

Nag-type si Syke ng sagot.

'Insomnia attack. Don't worry, I'll come back right now'

<sent 5:24 am>

Binalik ni Syke ang phone sa bulsa. Ininom ang beer sa kanang kamay at tinapon ang lata sa basurahan.

Pumasok sya sa kotse at sumandal sa car seat. Tukod sa kaliwang kamay ang ulo.

Hindi klaro ang pakiramdam ni Syke. Mula sa pagkikita nila ni Yna hanggang sa pagka-halungkat ng relasyon nila sa harapan ni Eeya.

Hindi naman talaga n'ya sinisisi ang sarili n'ya dahil nangyari naman ang lahat ng 'yun bago pa man n'ya makilala si Eeya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isa sa mga naging ka-niig n'ya noon ay nakakatandang kapatid pala ng babaeng gusto n'ya.

Kaya lang. . . hindi n'ya rin maiwasang makaramdam ng guilt. Ng slight. Kasi kapatid n'ya parin 'yun. At nag-aalala sya na baka maging iba ang pakikitungo sa kanya ni Eeya sa mga susunod na araw gayong nalaman na n'ya ang bagay na tinatago n'ya mula sa kanya nung araw palang na nagkita sila ni Yna sa ospital.

Pagod na napabuga ng hangin si Syke at mahinang sinabunutan ang buhok.

Tiningnan n'ya ang oras sa phone, alas cinco y medya na ng madaling araw. Pero nang tangka na n'ya itong papatayin ay nakuha ng dalawang missed calls na galing kay Eeya ang atensyon n'ya.

Again, Syke sighed.

She wondered, kung hindi kaya sya pumunta sa Ministop para bumili ng alak, mangyayari parin kaya ang lahat ng nangyari kanina?

Parang ang bilis lang kasi nangyari ng lahat. Sa isang iglap, nagka-pader ang relasyon nila ni Eeya. Nagka-problema pa kay Yna.

Nasa wrong part yata sya ng parallel universe.

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon