UMIHIP ang hangin. Malamig. Tipikal na nangyayari sa mga telenobela tuwing mag-uusap ang dalawang bida. Napaka-cliché nga naman.
Hindi lumayo ang dalawa sa kotse ni Syke— nasa labas nga lang sila nito mismo. Mabilis lang naman daw.
Nagbu-blue na ang kalangitan, alas cinco ng madaling araw na, eh. Ramdam na kanina ni Eeya ang antok kaya plinano n'ya na umuwi agad pagkatapos ng shift. Pero hindi n'ya inaasahan na mapupunta sya sa ganitong sitwasyon.
Tikhim. Umatras bahagya si Eeya. Pa-simpleng inikot ang mata sa paligid. Nagbuntong-hininga.
"Boss naman, hindi ka nagsasalita. Nangungulubot na 'ko dito sa lamig, eh" reklamo (kuno) ni Eeya kahit hindi naman talaga ga'no kalamig.
"Hindi naman masyadong malamig. Pero gusto mo bang suotin jacket ko?" Nakahawak si Syke sa hem ng jacket n'ya. Nag-aabang na nakatingin kay Eeya habang nakatayo sa gilid ng pintuan ng driver's seat.
Tawa. "'Wag, masyado ng cliché. Nasa park na nga tayo, gusto mo pang gawin 'yan. Masusuka na 'ko, eh"
Napatawa din si Syke. "Masyado kasing ma-tao sa seven eleven ngayon, marami ding kumakain na empleyado sa Ministop kaya no choice ako kundi dalhin ka dito. You won't mind, would you?"
"I would. . . not" ani Eeya. Ngiti ng pilit.
Napabuntong-hininga si Syke. Sumandal sa pintuan. "Are you mad?"
"Hindi"
"Sad?"
"Bakit naman ako malulungkot"
Nagkibit-balikat sya. "I don't know"
"Hangin. . ." bulong ni Eeya. "Hindi naman ako galit, o nalulungkot. Ano lang. . . naguguluhan??"
Napababa saglit ang tingin ni Syke bago tiningnan ulit si Eeya. "'Yung ate mo ba, sya ba 'yung na-kwento mo dati na buntis?"
Sinalubong ni Eeya ang tingin ni Syke. "Oo. Naaalala mo pa 'yun?"
"Of course. Tinatandaan ko lahat ng sinasabi mo" Ngiti.
Tumikhim si Eeya. Pa-simpleng kinusot ang mata. Medyo nasilaw sa kakintaban ng ipin, eh. 'Wag nalang din nating pag-usapan ang bilis ng drum rolls ng puso n'ya.
"Corny." Tumawa si Syke. Nagtungo naman si Eeya sa harap ng sasakyan at umupo dito. The audicity talaga. Pero sumunod din naman si Syke. "Si ate. . . alam mo ba kung pa'no n'ya sinabi samin nun na buntis sya??"
"Iku-kwento mo? Sige, pa'no?" Naka-upo si Syke sa kaliwa ni Eeya. May space sa gitna. Sakto lang para ma-feel ni Eeya ang friendly atmosphere.
"Last month ata 'yun, eh. Or mga one month before last month ba? Ah, basta." Nakalimutan na ni Eeya ang exact time. As if namang importante 'yun sa kwento. "That time, nasa bahay kami. Umaga din 'yun, hindi umuwi si ate. Normal lang naman 'yun kasi nagta-trabaho sya, eh. Tapos, katatapos ko lang maligo. . . pumasok si ate then sinabi n'ya na buntis sya. End"
"Hm," Tumango-tango si Syke. Kuha naman n'ya kahit papano. "I don't know if I should ask this, but. . ."
"Ano?" Naghihintay si Eeya sa sasabihin ni Syke. "Sige lang. Ako naman nagsimula mag-kwento kaya dapat ko ring sagutin mga tanong mo"
Nagbasa si Syke ng labi. "What happened after that?" anya, "I mean, pagkatapos n'ya sabihin na buntis sya, anong sinabi ng mama mo? Ikaw?"
Nakuha ni Eeya ang gustong sabihin ni Syke kaya tumango sya. "Si mama, ayun nagulat syempre. Bigla nalang n'yang nalaman na nagdadalang-tao pala ang anak n'ya na ang alam n'ya ay dalaga pa, sinong nanay ang hindi magugulat dun?"
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomanceSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
