HINGA.
'Yan ang paulit-ulit na sinasabi ni Eeya sa kapatid n'yang si Chris habang hawak ang palad at likod nito. "Sige lang Chris, hinga lang para kay ate. Nurse! Doc!"
Aligaga namang lumabas ang nanay nila para tawagin ang doktor o kaya nurse. Nasa gilid lang din ng kama nila si Chary habang umiiyak, nasasaktan sa nakikita ngayong sitwasyon ng kambal nya.
"Ate. . ."
"Teka lang Chris. Parating na ang doktor okay? Hinga lang."
Nag-aalala na si Eeya habang hinahaplos ang likod ng kapatid habang maya't-maya ang pagsulyap sa pintuan ng kwarto.
Alas, dumating narin sawakas ang hinihintay nila. Isang nurse at doktor ang pumasok sa kwarto at agad na inagapan si Chris.
Pagkatapos maayos ang hininga ng kapatid ni Eeya ay lumabas narin ang mga ito na nagpahinga sa kanya ng maluwag. Hinabilinan na din sila para sa mga dapat inumin ni Chris.
"Anak, ayos ka na ba? Wala na bang masakit sa 'yo?"
"Hm" Ngiting tango ang sinagot ng batang lalaki pero sapat na para mapagaan hindi lang ang kalooban ng nanay n'ya kundi pati narin nang ate n'ya.
Salamat naman.
"O sige, magpahinga ka na" Hinalikan ng ginang si Chris sa noo at lumayo na dito.
Samantala, nasa upuan naman si Eeya habang humihigop ng biniling kape kanina sa coffee machine kaya medyo luke warm na. Nakamasid lang sya sa nanay at kina Chary at Chris na nakapikit na ang mga mata habang magkatabi sa kama.
"Anak, kumain ka na ba?" Lapit sa kanya ng nanay n'ya.
"Tapos na ho, ma"
No choice kundi magsinungaling si Eeya. Kakagising lang kasi n'ya mula sa shift n'ya kagabi, nagising sya dahil sa tawag sa kanya ni Chary dahil nahimatay daw bigla si Chris. Nasa palengke ang nanay n'ya kanina dahil namimili sya ng panghapunan nila kaya walang ibang matatakbuhan ang magkapatid kundi sya lang. Kaya andito ngayon sila sa ospital ng hindi nakakakain si Eeya ng hapunan o kahit tanghalian man lang.
"Pa'no ang trabaho mo? Alas sais y media na ng gabi. Late ka na" Umupo ang ginang sa tabi ni Eeya. Sa ibang upuan ito nakaupo.
"Pagkatapos ko po nitong kape ma, aalis na 'ko" At 'yun nga ang ginawa ni Eeya. Inubos nya ang kape nang walang kasamang pam-bulunan.
"Ma, heto po,"
May inabot si Eeya na sobreng puti sa nanay n'ya sabay tayo.
"Ano 'to anak?"
"Pambayad ho ng bill ni Chris. Buo na ho 'yan kasama na ang pambili ng mga gamot nya"
Tinali ni Eeya ang buhok n'ya habang tinitingnan ang repleksyon sa glass window ng ospital. Pagkatapos ay sinukbit narin n'ya sa likod ang kanyang bag. "Una na ho ako"
"Teka lang anak,"
Lumingon si Eeya sa pagtawag sa kanya ng nanay n'ya. Maliit syang napangiti ng mapansin ang nanay n'yang nag-aalangang magsalita tungkol sa isang bagay na alam n'ya na kung ano.
"'Wag ho kayong mag-alala ma, mababayaran natin si Aling Marites. Akong bahala" Lumapit sya dito.
"Ngayong araw ang huling palugit n'ya 'nak, bukas na sya maniningil tapos nasugod pa si Chris sa ospital" anito sa mahinang boses. Tila nahihiya pa.
Magaan na ngumiti si Eeya at lumapit sa ina. "Ma, sinabi ko na sa 'yo, ako nang bahala dun. Hindi tayo mapapaalis, hindi hangga't hindi ko pinapayagan" anya, hinalikan sa pisnge ang ina.
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomanceSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
