"Buntis ako"
Natigil sa paghuhugas ng plato ang ginang, ang mga batang naglalaro sa maliit na sala ay walang muwang na napalingon sa direksyon ng isang babaeng kakapasok lang sa pinto ng apat na sulok ng inuupahang apartment. Datapwa'y nakasuot ito ng disenteng damit, ang mukha at buhok naman nito ay gulo-gulo na parang kakagaling lang sa sabunutan.
"Ate, anong sinabi mo?" tanong ng babaeng kakalabas lang ng kwarto. May tuwalya pa ito sa buhok.
Lumingon ang kakarating na babae sa kanya. "Buntis ako"
"Regina!" bulyaw ng ginang. Matapos hugasan ang mabulang mga kamay ay mabilis syang nagtungo sa babae.
"Ano bang ginawa mo?! Regina naman! Alam mong halos hindi na magsapat ang pera natin pang-kain sa isang araw tapos ito!? Ano bang iniisip mo?! Anak naman. . . Hindi ka ba naaawa sa magiging buhay ng anak mo sa kalagayan natin ngayon. . .?" tila bigo at dismayadong saad ng ginang habang pinipigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata.
Lumapit ang babaeng may tuwalya sa buhok sa ginang at inalalayan sya. Tinignan nya ang ate nya ng nagtatanong pero nag-iwas lang ng tingin ang isa.
"Regina. . . bakit naman ganito anak?"
Hindi na napigilan ng ginang ang pagtulo ng luha nya. Hinawakan sya ng babae sa braso at hinagod ang likod.
"'Wag kayong mag-alala, maghahanap ako ng trabaho. Bubuhayin ko sya gamit ang sarili kong lakas at dugo. Aalagaan ko din sya. Poprotektahan, susuportahan at mamahalin kabaliktaran ng ginawa mo sa 'min"
May kamandag sa pananalita ni Regina. Pero hindi padin nito nagawang itago ang pait at galit na nararamdaman nya sa kaloob-looban na sya namang napansin ng nakakabata nyang kapatid na babae.
"Ate, alam mong ginawa lang 'yun ni mama para sa'tin. Kinailangan nyang gawin 'yun para mabuhay tayo. Alin ba sa mga dahilang 'yun ang hindi mo maintindihan?" tila inis na asik ng babae habang naka-alalay sa ina nya.
"Regina naman anak. . . hindi mo padin ba ako napapatawad dun?" may luha sa matang lintana ng ginang.
"Kung sana ganun lang kadali, ma. Kung sana ganun lang kadali na patawarin kayo matapos mo 'kong iwan nung mga panahong kailangan kita. Nung mga panahong kailangan ko ng inang magsasabing magiging maayos din ang lahat at ipagtatanggol ako sa mga taong kumukutya at lumalait sa 'kin. Kung sana nandun kayo para sa 'kin nun, kung sana nasa tabi ko kayo ng mga oras na 'yun, kung sana naging ina kayo sa 'kin kahit isang oras man lang. . . hindi sana ako magiging kagaya ng babaeng kaharap ninyo ngayon"
Hinagpis at galit. Kapag pinagsama ay hindi maganda ang magiging resulta. The most painful combination 'ika nga nila. Walang may gustong makaranas nun. But in Regina's case, she's too unlucky to be the chosen one to wield those feelings.
"Ate! Sa tingin mo ba sapat na 'yung dahilan para sabihin mong hindi sya naging ina sa 'yo?— "
"Nasasabi mo yan dahil hindi ikaw ang nakaranas, Eeya! Hindi ikaw ang nasa posisyon ko. Hindi ikaw si Regina na palaging kinukutya dahil iba ang tatay ko sa tatay ninyo! Hindi ikaw ang sinasabihan ng anak sa labas, ampon, sapid, bunga ng disgrasya at kung ano-ano pang panlalait! Hindi ikaw ako Eeya. Hindi tayo pareho. At nung mga panahong 'yun iisang tao lang ang kailangan ko. . . iisang tao lang ang gusto kong makasama. . . iisang tao lang na dapat nandun para sa anak nya. . ." tumingin ito sa ginang na nakatakip ang kamay sa bibig. "Pero wala sya. . . nasa malayong lugar"
"Dahil nagtatrabaho sya para sa 'tin, ate. Naiintindihan kong nasaktan ka pero hindi lang naman ikaw. Kami din na mga anak nya. Kung wala man sya nung mga panahong kailangan mo sya dapat lumapit ka sa 'kin. Tayo-tayo lang naman ang magtutulungan diba? Tayong magkakakapatid. Pero sinarili mo lang lahat"
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomanceSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
