MAINGAY, matao, at magulo. 'Yun ang mga bagay na matatawag ni Eeya sa lugar na kinalalagyan nila ngayon. Umatras sya bahagya ng may mag-syota ang gustong dumaan sa harapan n'ya at umismid ng bigla syang irapan ng babaeng akbay ng lalaki.
Problema ng bruhang 'yun?
"Bes! Tingnan mo nanalo ako!! Na-shoot ko 'yung string!! Yes!!"
Umirap si Eeya at bagot na sumagot. "Mabuti para sa 'yo"
"Salamat po kuya!" Pagkatapos makuha ang miniature Stitch figurine ay nagtungo si Bea sa kaibigan na malaki ang ngiti. "Bes, tingnan mo! Mainggit ka please!"
Umismid si Eeya, nanghalukipkip. "Inaasar mo ba ako?"
Tumawa ang isa. "Hindi noh! Alam mong paborito ko 'tong cartoon eh!" Tumawa syang ulit ng umirap si Eeya at nagsimulang maglakad.
"Bes naman!"
"Alam mong ayaw ko sa bagay na 'yan, Bea! Nakakasura!" sigaw nito. Patuloy sa paglalakad.
Bea hustled towards Eeya while clutching the little stitch in her hands. "Eh paborito ko 'to eh ano bang magagawa ko??"
Binagalan ni Eeya ang paglalakad para makasabay sa kanya ang kaibigan. "Ano ba kasing nakita mo sa asul na bagay na 'yan eh nakakatakot yan? Ang abnormal kaya ng itsura. Tapos ang lalaki pa ng mga bibig at tenga. Ginagawa pang pam-batang palabas. Nag-iisip ba sila?? Nakaka-trauma kaya 'yan" angil nya.
Tumawa si Bea. Ni-hindi man lang na-offend sa sinabi ng kaibigan. "Nagsalita naman 'tong obsessed kay baby Yoda. Girl,mas marami pa kayang mga abnormal na characters dun kesa sa cartoon na 'to. Gaga ka talaga"
Umirap si Eeya. "Atleast hindi ako nanonood ng pambata"
Napalingon agad sa kanya ang isa. Nasa harap lang ang tuon ni Eeya. "Bakit ba? Masyado naman kasing violent yung pinapanood mo, eh. Ano bang tawag dun? Laser? Labser? Labster? Layter? La—"
"Lightsaber 'yun, gaga!"
"Ah oo 'yun! 'Yun nga 'yun! Jusko akala ko lighstick lang 'yun na mahaba—'yun pala umiilaw na espada na nakakahiwa ng tao. Napaka-biolente kaya nun! Pa'no mo ba 'yun napapanood? Tapos ang cringe pa ng mga edits. Like yuck! Hanggang episode one nga lang ako nun, eh" angil naman ni Bea.
Matunog na ngumisi ang isa. "Wala parin 'yun sa edits ng victor magtanggol. Nakaka-tangina lang"
Sabay na humagalpak ng tawa ang dalawa, tatango-tango naman si Bea. "Oo nga. Nakalimutan ko 'yun ah!"
Nagpatuloy sa paglilibot ang dalawa sa carnival. Tanghali palang ngayon pero medyo makulimlim kaya G na G ang mga tao sa pagsakay sa mga extreme rides gaya ng Up Up and Away, Fly High, Ghost Ride, Viking Drive at marami pang iba. Gusto din sanang sumakay ni Eeya dun kaya lang wala syang pera pambili ng mga ticket at isa pa takot sa mga matataas na lugar at extremes ang bestfriend n'yang si Bea. Kaya wala silang nagawa kundi pagmasdan nalang ang mga taong umaalis sa mga rides ng may takot, sira, at magulong mukha pero mahahalatado mo parin ang saya dahil sa pag-eenjoy ng husto sa sinakyang ride.
Ikinibit-balikat nalang ni Eeya ang nararamdaman dahil alam n'yang hindi din naman ito makakatulong sa kanya. At isa pa, may bagay pa silang kailangang gawin na mas importante din kesa sa pagpunta sa mga carnival at maglaro.
"Bea, tara na, alas tres na ng hapon, o. Hindi pa 'ko nakakapaghanap ng trabaho. Ikaw kase eh. . ." himutok nya sabay kamot ng ulo.
"Oo na. Tara na!"
—
"Bea naman, ano ba talaga 'tong magiging trabaho ko? Baka mamaya ilegal 'to ah. Ayaw kong dumagdag pa sa mga alalahanin ni mama. Lagot ka talaga sa 'kin 'pag nagkataon"
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomanceSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
