NAGISING si Eeya kinabukasan ng dahil sa malakas na kalabog ng kanilang pintuan. Alas sais pa lang ng umaga kaya bugnot syang bumangon sa kama para paalisin ang taong nangahas na sirain 'di lang ang pagtulog nya kundi pati narin ng pamilya nya.
Sino naman 'tong hinayupak na 'to!?
"Ano ba!?— "
"Anong ano ba!? Ako dapat nagtatanong nyan sa 'yo! Asan nanay mo?! Huy hindi pa kayo nagbabayad ng upa nyo. Anong buwan na ah!? Tatlong buwan na nung huli kayong nagbayad. Pinangako n'yong ngayon nyo ibibigay ang pera ko kaya asan na!?"
Hays. Nandito na naman si Marites.
"Aling Mar—"
"Wag mo 'kong ma-aling Marites aling marites d'yan Eeya! Asan nanay mo!? Asan pera ko?!" sigaw nya na para bang walang taong naiirita sa nakakairita nyang boses.
Nagpanlabi si Eeya bago hinagod ang buhok patalikod. Kung kanina'y inaantok sya at gusto pa sanang matulog ulit pagkatapos paalisin ang taong nasa harap nya ngunit nag-iba ngayon. Dahil sa mga katulad nila, hindi kape ang sumasalubong sa umaga. Problema.
"Aling Marites, kumalma ho muna kayo. Naiistorbo n'yo po ang ibang mga taong nasa kalapit na kwarto. Ayaw nyo naman po silang umalis dahil sa naririndi sila sa boses nyo at hindi dahil sa hindi sila makapagbayad ng upa 'di ba?" salita ni Eeya sa mahinahon na boses. "Kaya kumalma ho muna kayo"
Dinuro pa ng nasabing Aling Marites si Eeya na tila napikon sa sinabi nito ngunit hindi na nagsalita pa. Nagsilabasan na din kasi ang mga taong nasa kalapit na kwarto ng nakakunot ang noo at tila naiinis dahil sa naudlot nilang pagtulog. Ayaw namang malugi ni Marites dahil sa posibleng totoong sinabi ni Eeya kaya wala itong nagawa kundi pigilan ang pagiging bungangera nya.
Huminga ng malalim si Eeya bago nagbaba ng tingin. "Pasensya na po"
And just like an impulse, ang dating nagbabaga sa inis na aling Marites ay nagbalik ngunit bago pa man sya makapagsalita ay inunahan na sya ng dalagang kaharap.
"Ibig kong sabihin pasensya na po at ngayon lang. Natagalan po pero ito na po kukunin ko na"
Hindi nga lang buo.
Hindi na hinintay ni Eeya na buksan pa ni aling Marites ang bibig nya at agad tinungo ang sariling kwarto. Ngunit bago pa man sya makapasok dito ay hinarangan na sya ng ina nyang naiiyak ang mga mata.
Nilapitan nya ito ng may maliit na ngiti sa labi ngunit matatag na mata. Hinawakan nya ang mga kamay nito. "Ma, ayos lang po. May pera po ako at wag kayong mag-alala dahil hindi tayo mapapalayas sa bahay na 'to. Hindi ngayon, hindi kapag hindi ko pinayagan. Ako po'ng bahala."
Pinagmasdan ni Merida na pumasok sa likurang pintuan nya si Eeya. Kahit gustuhin man nyang ilabas sa luha ang lungkot, sakit at pagsisising nararamdaman nya ay alam nyang hindi ito ang tamang oras na gawin 'yun, lalo na't kailangan pa sya ng dalawang anak nya. Kaya naman huminga sya ng malalim, pinakalma ang sarili at sinuot ang inang ngiti bago lumapit sa kambal na nakasilip sa pintuan ng kwartong tinulugan nila.
"1. . . 2. . . 3. . . 4. . . 5— naku kulang pa ng limang libo. . ."
Napakagat-labi si Eeya kasabay ng paglagay ng kaliwang kamay sa bewang. Tiningnan nyang muli ang hawak nyang tatlong isang-libong buo at apat na limang daang papel na kunot-kunot pa. Limang libo palang ang perang nakalap nya para pambayad sa upa nilang sampung-libo. Dagdag pa ng dalawang libo para sa tubo. Sa perang hawak nya ngayon, alam nyang wala pa sya sa kalahati.
Bigong sinalampak ni Eeya ang mga kamay sa singgilid nya at nagpakawala ng hangin. Dinig nya ang bulhaw ni aling Marites na syang kasera ng apartamentong tinutuluyan nila.
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomanceSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
