Kabanata 16

694 33 2
                                        

HINDI malinaw kung ilang linggo na ba ang lumipas pero kalagitnaan na ng Hulyo, kinse. Sweldo-de-kinsenas ni Eeya.

Plano n'yang ipasyal ngayon ang pamilya n'ya, ikain sa medyo may kamahalang restawrant at bilhan ang mga kapatid ng bagong damit.

At syempre, balak n'ya ring bilhan ng supplements ang mama n'ya. Pagkatapos ng nangyari isang buwan mahigit na ang nakakalipas ay sinimulan n'ya nang bilhan ng mga gamot at vitamins ang mama n'ya gaya ng sinabi ng doktor.

Mas mahalaga parin ang kalusugan kesa sa ano pa man.

Extra din ang happiness na nararamdaman n'ya ngayon dahil may improvement na ang relasyon ng ate Yna n'ya at mama nila. Simula nang masugod sa ospital ang nanay nila ay natutong mag-kompromiso ang ate Yna n'ya. Madalas na syang dumalaw sa dating bahay nila. Nag-uusap nadin sila ng walang halong away at sigawan. Hindi man mabilis, paunti-unti man pero atleast may pagbabago pading nangyayari.

Maliban pa dun, meron pang isa. . .

Si Syke.

Obvious naman. Sa nagdaang mga araw na nakasama ni Eeya si Syke, ewan, pero parang. . . (ay, basta!)

Hindi maipaliwanag, eh. Hindi n'ya alam kung pa'no i-describe sa mga salita ang feels tuwing kasama n'ya ang boss n'ya.

Kung dati, nung bago palang silang magkakilala, ayos lang. Normal. 'Friends'. Platonic. Medyo kalmado pa madalas ang hearteu ni Eeya. Pero this last month, mas naging close kasi sila. Ewan ba kung pa'no. Kung dahil ba sa mahabang oras na nag-usap sila sa phone o dahil sa sinamahan ni Syke si Eeya sa ospital dahil sa nanay n'ya. Mas grumabe. Mas lumapad. Mas tumaas. Mas lumiwanag. Mas bumilis. Mas gumulo ang puso ni Eeya. 'Yun ang pinaka-malinaw.

Huh, once again, Inlove na ba si Eeya??

"Bes, san ka? Susunduin ka ba ni boss?"

"Bakit naman n'ya ko susunduin?"

"Hindi ba? 'Kala ko kayo na, eh"

"Baliw." Kinagat ni Eeya ang Angel's burger n'ya. "May surgery sya ngayon, mamayang six pa sya bakante"

"Alam na alam, ah." Maliit na napatawa si Bea. Sinipsip ang C2. "So, kamusta naman 'yang heart mo?"

"Healthy naman. Tumitibok parin" Pero para sa ibang tao na.

Bumagal ang paglalakad ni Eeya sa gilid ng bay walk. Ganun din si Bea.

"Tanga. Ano, wala paring chance?" tanong ni Bea habang hawak sa tig-i-isang kamay ang C2 at plastik ng dalawang order ng buy 1 take 1 na burger.

"Anong chance?" Nilunok ni Eeya ang burger.

"Na magka-love life ka. Si boss na 'yun, o. Ayaw mo pa? At tsaka, mukhang close naman na kayo. Baka naman pwede na, diba?"

Kasabay nun ay tumama ang mahinang hangin sa kanila. Alas kwatro pa ng hapon at medyo marami-rami nadin ang tao sa bay walk. Mga taong gustong saksihan siguro ang sunset. Pero hindi ganun sina Eeya at Bea. Maliban sa ayaw nilang makagat ng lamok ay gawain lang din daw 'yun ng mag-jowa. Cliché pa.

"Chance na magka-love life. . . kami ni Syke?" Tumango si Bea. Nilagay ni Eeya sa plastik bag ang lukot na supot ng burger. "Bakit? I mean, bakit naman magiging kami? Wala namang ganun"

"You mean friends lang kayo?" Tumango si Eeya. "Hala tanga talaga 'to, alam mo nang may gusto 'yung tao sa 'yo, eh. Bakit hindi mo pa bigyan ng chance kung gusto mo rin sya??"

"Gusto ko sya." Uminom si Eeya ng sarili n'yang C2. "Pero hanggang dun lang 'yun"

"Teka nga," Huminto si Eeya. Pumunta naman sa harap n'ya si Bea sabay bulong ng, 'Ang corny naman, leche'. "'Wag mo sabihing ayaw mong maging kayo dahil sa. . ."

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon