Kabanata 12

840 38 4
                                        

KINATOK ni Eeya ang pintuan sa harapan n'ya ng tatlong beses at naghintay ng magbubukas. Pagkaraan ng 'di-bababa sa sampung segundo ay nabuksan narin sawakas ang pintuan.

"Eeya,"

"Ate,"

"Pasok ka"

Pumasok naman agad si Eeya sa maliit na apartment ng ate Yna at kuya Justin n'ya. Maliit lang naman ito pero sapat na para sa kanila. May maliit na tv sa sala. Iilang sofa at medyo sira-sirang plastik na upuan. Kalendar na regalo ng mercury drug, mga orocan sa gilid at iilang mga damit na madudumi na. Talagang typical na kabahayan ng iilang mga Pinoy.

"Ang ignorante mo Eeya. Kung makatingin ka sa paligid parang first time mong makapasok dito, ah"

Nabalik ang tingin ni Eeya sa ate n'ya. "Ay hehe, hayaan mo na ate" Para kasi 'to sa mga readers. Para lang may masabi ano?

Umiling lang ito. "Anong gusto mo? Tubig o tubig? Wala akong mao-offer sa 'yong kahit ano maliban sa tubig. 'Yun lang meron kami ngayon eh"

Umupo si Eeya sa maliit na sofa. "Water nalang ate. Salamat"

Ngumiti si Regina at sumaludo. "On the way"

Ngumisi lang si Eeya at ginawang komportable ang sarili sa sofa habang hinihintay ang kapatid. Maya't-maya ang pagtingin n'ya sa phone n'ya nagbabakasaling— ehem, nagbabakasaling maydumatingnatextmulasabossnya.

'Di naman halatang nami-miss. Hindi talaga pramis.

"O,"

Kinuha ni Eeya ang baso ng malamig na tubig sa kamay ng ate n'ya sabay nagpasalamat. Ininum n'ya ito at nilapag sa coffee table. Umupo naman sa katapat na upuan ang ate n'ya.

"So bakit ka nandito?"

"Nangangamusta sa 'yo. . ." tumingin si Eeya sa tiyan ng kapatid, "At sa baby mo"

"Ows?" hinawakan ni Regina ang tiyan nya, "'Yung ama ng batang 'to, hindi mo kakamustahin?"

"Nakita ko na si kuya Justin kanina sa palengke. Kinamusta ko na sya bago pa 'ko pumunta dito kaya ayos na sya. Kayo nga kasi pakay ko"

Tumawa si Regina. "Ayos naman ako— kami ni baby. Pero sana sinabihan mo 'kong dadating ka para nakapaghanda naman ako ng kahit pancit canton lang na may itlog gaya ng paborito mo"

Napangiti si Eeya dahil kahit nasa malayo man ay alam parin nito kung pa'no sya pasayahin. Mag-e-effort parin syang gumawa ng bagay para rito. Sister of the year ang peg.

"Hindi na ate. Lechon manok ulam namin kanina, eh. 'Tsaka wala na din akong load." anya. Ngumiti si Regina. "At, makakasama din 'yan para sa anak mo. Maggalaw-galaw at magpa-sobra sa trabaho. Baka kung anong mangyari sa pamangkin ko"

"Eight weeks palang sya, Eeya. Pwede pa 'kong gumalaw-galaw gaya ng dati. 'Wag kang praning. Tsaka, hindi ko rin hahayaang may masamang mangyari sa batang 'to. First baby ko kaya 'to" sagot ni Regina habang himas-himas ang tiyan n'yang may maliit— as in sobrang liit na baby bump.

Napangiti si Eeya. "Mabuti naman"

"Kamusta ang renta ng bahay? May pera pa 'ko dito kunin n'y—"

"Bayad na tayo ate." Napatingin ang kapatid n'ya sa kanya na gulat. Ngumiti lang sya. "Bayad narin ang tubo natin tsaka sa susunod na tatlong buwan. In-advance na n'ya. Wala na tayong iisipin pang bayarin"

Pagkaraan ng ilang segundo ay bumalik narin sa ulirat si Regina. "Ha? Pa'no 'yun nangyari? Ikaw ba nagbayad?"

"Hindi ate" Umiling si Eeya, binasa ang labi.

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon