ISANG araw, lumabas si Eeya sa apartment building nila. Alas sais na ng gabi, papunta na sya sa 5YNCO para magtrabaho. Ka-text n'ya si Bea para may pagka-abalahan habang bumabyahe. Hindi naman sya natatakot mabiktima ng snatcher. Hindi nakaka-attract ang Habagat bag at samsung keypad.
"Ang rami ng tao Bea, wag ka nang magtxt"
<sent 6:14 pm>
'O na. Bsta kwntuhan moko sanyo ni boss haaa??!'
'Baliw! Cge na!'
<sent 6:15 pm>
"Miss! Sasakay ka ba o hindi!?"
"Eto na kuya. High blood, eh"
Karamihan sa mga taong sumasakay ngayon sa mga public transportations ay mga taong kakatapos lang sa trabaho nila at pauwi na. Kaya palagi talagang siksikan tuwing nakikipag-buno sa pagsakay si Eeya.
Pero pinagpala sya kasi nakarating sya sa bar ng kinse minutos bago magsimula ang shift n'ya na alas otso. Kaya masaya syang bumati sa mga kasamahan at nagbihis ng uniform kahit medyo inaantok dahil konti lang ang naging tulog.
Kamusta kaya si Syke?
Sinara ni Eeya ang locker. Sa gilid naman nito ang isang hook kung saan nakasabit ang kanyang bag. May limang minuto pa bago magsimula ang shift n'ya kaya kinuha n'ya ang selpon at naisipang kamustahin si Syke.
'Boss? Gising ka?'
<sent 7:55 pm>
'Ahaha I mean, kamusta ka?'
<sent 7:55 pm>
"Eeya!"
"Aba, bakit!?" Bahagyang nagulat si Eeya ng may biglang tumawag sa kanya. Binalik n'ya ang telepono sa bag. "Ano bang mero—"
"Si boss Syke nandito! Magi-inspect daw sa bar sabi ni kuya Paul. Kaya bilisan mo na d'yan at lumabas para sabay natin syang batiin"
"Ha?"
"Ha, bilisan mo d'yan!"
Ng makaalis ang kasamahan ni Eeya ay nagsimula narin syang mag-ayos ng sarili. Damit, buhok, pabango— chineck n'ya lahat. Ewan ba't sya kinakabahan. Kinakabahan ba professionally o emotionally.
Nag-form sila ng linya sa may harap ng workers' lounge para salubungin at batiin ang big boss nila. Nasa panghulihan ng linya si Eeya at ng makita nila ito ay kasama at kinakausap sya ng Manager Josie nila.
"Good evening and welcome, big boss!" masigla at sabay-sabay nilang bati. Actually, hindi talaga lahat dahil may nagfre-frenzy'ng isa sa mga empleyado; Eeya.
"And this are our diligent workers, boss"
Pinakilala ni maam Josie ang lahat maliban nalang sa head bartender na kilala na ni Syke. Simula ng mapatayo ang 5YNCO bar two years ago ay ito palang ang unang beses na mag-i-inspeksyon si Syke. Bagama't alam n'ya ang lakad ng negosyo n'ya ay hindi pa n'ya alam ang nangyayari sa likod nito o mga taong nagpapanatili ng pagpapatakbo nito— mga empleyado.
Ng mag-abot ang tingin nina Syke at Eeya ay hindi maiwasang mas mapangiti ni Syke habang mapalunok naman si Eeya. Kinakabahan talaga sya. Parang tanga pero hayaan nalang natin.
"Eeya Oliverio po, boss" simpleng saad ni Eeya na mas nagpangiti kay Syke. Labas gilagid.
Tumango si Syke, nagbasa ng labi pagkatapos ay nakasalpak ang mga kamay sa pants na humarap sa linya ng mga empleyado.
"Right. It's nice to finally meet all of you. And thank you for your service. Your hard work will surely be paid rightfully"
"Thank you, boss!"
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomanceSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
