NILAPITAN ni Eeya ang head bartender nilang si Paul.
"Heto na Eeya, i-serve mo lang 'to at sagutin lahat ng tanong n'ya tapos umalis ka na agad ha?"
Ngumiwi. Tinanggap ni Eeya ang serving plate na may lamang isang bote ng J.D at rum glass. "Opo kuya. Para naman akong mangingibang-bansa d'yan sa pananalita n'yo. Ba't ba kayo kinakabahan?"
Mababaw na bumuntong-hininga si Paul. Nakapamewang. "Wala naman. Basta kapag wala na syang tinanong sa 'yo, umalis ka agad, ah?"
Tumawa si Eeya. "Opo. Kayo talaga, para namang may masamang mangyayari sa 'kin mamaya"
"O sya sya umalis ka na" Winasiwas n'ya ang kamay senyales na pinapaalis na n'ya ito. "Mag-iingat ka sana"
Ngumiti si Eeya dito. Pinatong sa kanang kamay ang serving plate at nag-umpisang gumayak papuntang ikatlong palapag ng bar.
"Eeya,"
Huminto sya para harapin ang tumawag sa kanya. "O, Tara, bakit?"
"Sa last room ka ba?" Hindi komportable ang babaeng ka-trabaho nya.
"Uhm, oo eh. Bakit?" Hindi alam ni Eeya kung bakit ang weird ng mga tao sa paligid n'ya gayong magse-serve lang naman sya ng inumin sa last VIP room ng third floor ng bar.
O 'yun lang ba talaga?
Hinawakan ng babaeng Tara si Eeya sa balikat. Mahinang niyugyog. "Ang malas mo" litanya, "Pero sana hindi ka mag-resign pagkalabas mo ng kwartong 'yun"
"Baliw" Mahina syang tumawa pero hindi n'ya maitatangging kinabahan sya sa sinabi nito.
'Pano ba naman kasi, eh, pang-apat na syang nag-aacting weird tungkol dun sa last VIP room. She can't help but be nervous na din kasi ang peg n'ya.
"Baliw na kung baliw. Pero seryoso, mag-iingat ka" anya, "Good luck!" Tinapik nito ang balikat n'ya at naglakad paalis. Galing din yata ito sa pag-serve ng drinks sa ibang VIP room.
Kanina pa sila, sinasabi nilang mag-iingat ako sa pagse-serve sa kwartong 'yun pero hindi naman sinasabi kung bakit.
Oh well, wala namang ibang choice si Eeya kundi sundin ang inuutos sa kanya. Bahala na kung ano mang mangyayari sa kanya sa loob, ang importante lang naman sa kanya ay ang perang makukuha n'ya sa pagtatrabaho sa bar na 'to.
Naglakad si Eeya patungo sa pinakahuling kwarto. Hindi nya tinatanggal ang tingin dito— hindi n'ya din alam bakit n'ya 'to ginagawa pero pinagtataka n'ya dahil kada hakbang na ginagawa n'ya patungo dito ay parang kinakabahan sya. Kailangan n'ya pa ngang ilipat sa kanang kamay ang serving plate dahil parang namamawis ang kaliwang kamay nya.
Hingang malalim— buga. Hingang malalim— buga. Hingang malalim— buga.
Eeya, para kang tanga. Umayos ka nga. Para namang mamamatay tao 'yang nasa likod ng pintong 'yan.
Sa pagkakatanda ni Eeya, kailangan n'ya munang katukin ang pinto ng mga VIP rooms bago pumasok. Kaya sa isang buga ng hangin, kinatok n'ya ang itim na pinto ng tatlong beses.
Walang sumagot.
*tok*
*tok*
*tok*
Wala syang narinig na boses ng tao mula sa loob.
Ay tanga. Syempre eh sound proof ang mga VIP rooms eh. Tss.
Tsk. Tsk. Tsk. Katangahan talaga ni Eeya.
So ibig sabihin nun maghihintay si Eeya na pagbuksan sya ng tao mula sa loob para sya makapasok. Kaya ayun nga ang ginawa nya. Matyaga syang naghintay sa labas habang maya't-maya ang mga pagkatok.
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomantikaSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
