Kabanata 24

632 28 0
                                        

MAAGANG gumising si Syke. Hindi pa man sumisilip ang araw ay naayos na n'ya ang kama n'ya. Nakangiti pa habang ginagawa 'yun. Halatang good mood.

Sa pagkaka-alam n'ya, lumipas na ang bagyo kaninang madaling araw lang kaya ite-take advantage n'ya ang maayos na klima ng panahon ngayon para i-celebrate nila ang birthday ni Eeya. Ngayon 'yun, eh.

Lumabas sya ng kwarto at nagtungo sa kay Eeya. Pumasok sya sa loob at nakita n'yang natakip ang kumot mula sa leeg ni Eeya hanggang sa paa.

Napangiti si Syke. Lumapit kay Eeya at lumuhod sa harap nito. Hindi na n'ya hinalikan pa sa noo si Eeya kasi masyado ng gasgas 'yun. Instead, hinaplos n'ya nalang ng pagka-gaan-gaan ang pisnge n'ya.

Ilang sandali lang, nakatanggap ng text si Syke mula sa taong hiningan n'ya ng tulong sa pagluluto. Sinasabi nito na nasa labas na daw sya ng bahay nila.

Kaya bumaba sya para salubungin ito.

"Nay Tori," Hinagkan ni Syke ang middle age na babae. "I'm sorry for calling you this early in the morning. How are you?"

Bumitaw ang ginang sa yakap. "Ano ka ba, ayos lang, 'no. Masaya nga ako na dumalaw ka ulit. Ayos lang naman ako. Ikaw ba, 'nak?"

Marahang ngumiti si Syke. "Me too, nay. Where's Tony?"

"Boss! Long time no see!"

Lumitaw naman ang isang binatilyo sa likod ng ginang. May dala itong maliit na bag at nakangiti.

"Hey! Long time no see. I miss both of you" ani Syke habang nakatingin sa mag-ina.

"O sya, sya. Kung gusto mong maaga tayong matapos bago pa magising ang nililigawan mo, tara na't magluto. 'Wag mong kalimutan na ipakilala ako dun, ah??"

Napakamot lang ng ulo si Syke habang tinitingnan ang ginang na pumasok sa pintuan ng bahay. Nahihiya.

"Haha! Ikaw kasi boss, eh! Hindi mo man lang sinabi samin na may nililigawan ka na pala. Ayan tuloy, hindi na magkamayaw si nanay na ayain ako para puntahan ka sa bahay mo. Kung hindi mo nga lang sya kailangan para tulungan kang magluto, hinila ka na nun sa sala mo para mag-usap ng matagal" sabi ni Tony na may maaliwalas na ngiti kahit na medyo madilim pa ang paligid at malamig dahil sa mga moist ng after storm.

"Uhh. . ." Nasagot nalang ni Syke. Nahihiya sya sa isang bagay lang; Hindi n'ya naman nililigawan si Eeya, eh!

Hindi pa, for now.

"Tara na!"

——

Nagpatulong sa pagluluto ng mga pagkain si Syke sa dalawa. Si Nay Tori ang taga-luto, si Tony ang taga-hiwa ng mga rekados at si Syke ang taga-tikim.

'De joke lang. Taga-hiwa din sya. I-consider na natin and fact na hindi sya marunong magluto ng mga ulam kaya hanggang kutsilyo at tadtaran lang muna sya.

Sinikap nilang maging subtle or mahina, para hindi magising si Eeya na natutulog sa taas.

Ginamit na din 'yun ni Syke na chance pero i-kwento sa mag-ina kung sino si Eeya sa buhay n'ya at ang kwento nilang dalawa. After all, deserve nilang malaman kung sino ang taong pinaghahandaan nila ng surprise.

After two and a half hours ng pagluluto, pinahiran ni Syke ng likod ng kamay n'ya ang noo n'ya. Satisfied na bumuntong hininga.

"This is all. . . perfect" bulalas n'ya habang tinitingnan ang mga pagkaing nakahanda sa malapad na hapag.

"Syempre, si nanay nagluto, eh" sabat ni Tony habang pinapahiran ng panyo ang kamay.

"Sya, sya. Hindi ka ba magbibihis, Syke, anak? Pawisan ka na, o. Maligo ka muna bago mo gisingin ang prinsesa mo para ayaing kumain, hm?"

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon