Kabanata 13

845 35 0
                                        

!WARNING!

This chapter contains sensitive topic such as RAPE. Better be aware before reading this chapter so you can skip if you're not comfortable reading such thing.

Remember, everything that is said in this chapter are those of the characters' only and not by the author's.

I do not tolerate rape, rapists or any kinds of illegal stuff. Please be informed rightfully.

That's all. Continue!!

——

YOU know that one cliché scene in every fucking cliché romantic rom-com movies na may isang prince charming ang bababa mula sa kanyang white horse, aayusin ang coat, hahagurin ang buhok patalikod tapos kapag nag-meet ang mata nila ng ka-loveteam n'yang babae (na princess pala as a twist ng story) ngingitian sya. Tapos lalapitan ito na may malaking ngiti sa labi at ang babae naman matutulala, maglalaway, mahuhumaling sa kakisigan at kagwapuhan ng prince charming kuno n'ya?

Sa case ni Eeya? Lol.

Mangarap pa nga ng gising.

Pero lowkey naman na ganun, eh. Imbes kasi na kabayo ang babaan ni Syke (prince charming daw n'ya) ay kotse. Itim na tsikot. Tapos naka white tucked in button up polo at faded blue jeans. Sa case naman ng ngiti, hindi made-dehado si Syke dun, nagre-reflect nga ang sinag ng streetlight sa ngipin n'ya dahil sa kakintaban at kaputian, eh.

Napa-mental slap si Eeya sa sarili at tumawa ng pagak habang palapit sa kanya si Syke. Iniisip n'ya kung bakit ba n'ya inihahalintulad ang isang fairytale story sa isang real life situation slash scene.

Para naman kasi syang prince, eh. Prince in a princess' body. XD.

"Hi,"

Napunta sa lalamunan ang dila ni Eeya. Hindi makapagsalita dahil feel n'ya nababaguhan sya sa boses ni Syke. (muntanga)

Pero kahit naghihirap, sinikap n'ya paring sumagot. "Hi!" Imbis na normal na tono ng boses ang lumabas— naging high-pitch ang boses ni Eeya.

Tumawa si Syke. Sumabay narin si Eeya dahil sa kahihiyan sa sarili.

"What's wrong? You seem tensed"

Nag step back si Eeya na nagpagaan kahit papano ng suffocated n'yang lungs. "Gutom lang"

"Ganyan ba ang epekto ng gutom sa 'yo? Kinakabahan?" Tumawa si Syke.

Ang cute n'yang mag-Tagalog. Sana ol.

"Iba-iba naman kasi 'yon para sa lahat ng tao." depensa n'ya, hinawakan ang straps ng backpack. "Tara na. Gutom na 'ko"

"About that,"

Huminto si Eeya mula sa paghakbang ng dalawang paa palayo kay Syke. Lumingon dito. "Bakit? Na-realize mo na na 'di mo dapat inaayang kumain sa labas ang isa sa mga employees mo dahil hindi dapat at gusto mo na akong pag-trabahuin ulit sa bar dahil sayang ang pagpapa-sweldo mo sa 'kin?"

Tumawa si Syke. Umiling tsaka tinabihan si Eeya. "No. Not like that. I have someone to cover up your shift." anito, "And don't worry, you're work pay will not be deducted"

Nagbuga ng hangin si Eeya. Hindi sigurado kung dahil ba sa galak o sobrang galak. Pero alam n'ya, sa kaloob-looban ng malaki nyang puso na ayaw n'yang hindi ma-spend ang gabing 'to kasama si Syke.

"Pero 'wag mo na sanang i-include ang gabing 'to dahil hindi naman ako pumasok sa shift ko. Idagdag mo nalang dun sa nag-cover up sa 'kin" anya.

Ngumiti si Syke kahit hindi kita ni Eeya dahil nasa harap lang ang tingin nito. "Sure"

Sadistic Love #1: PlatonicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon