BUKANG-LIWAYWAY ang bumungad sa dalawa ng sumunod na araw.
Pagkatapos makapag-handa at kumain ng agahan ay lumabas sila ng bahay para ipagpatuloy ang pag-iikot sa ilang parte ng isla na hindi pa nila napupuntahan.
Nagpunta sila sa dagat—naligo, nag-relax at naglaro.
Sa tanghali naman, pumunta sila sa bahay nina Nay Tori para kumain ng tanghalian. Masaya silang nag-boodle fight kasama ang ilan sa kanilang mga kapitbahay.
Pagkatapos ng tanghalian, tinawagan ni Eeya ang pamilya n'ya para kamustahin.
Pagdating ng hapon, hindi pa dun natatapos ang saya dahil niyaya ni Syke si Eeya na umakyat sa isang burol 'di kalayuan sa bahay na tinutuluyan nila.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Eeya ng maka-abot sila sa tuktok ng burol.
Hindi gaanong kalaki ang burol, pero sapat lang para mapagmasdan ang patag sa baba, mga kabahayan at ang dagat kasama na ang papalubog na araw.
"Obviously, we're going to watch the sunset" masiglang sagot ni Syke.
"Sigla-sigla, ah. Mukhang 'di napagod." komento ni Eeya. Sinulyapan si Syke bago binalik ang tingin sa dagat. Nag-inhale ng fresh air at satisfied na nag-exhale. "Pero infairness, maganda dito"
Pagkaraan ng ilang minutong pananahimik, binunggo n'ya ng bahagya si Syke sa balikat sabay nagsalita. "Salamat ulit, ah? Nagustuhan ko talaga ang ginawa mo para sa birthday ko. Ayoko ng debut, itong bakasyon ang gusto ko"
Marahan ang pagkakasabi ni Eeya. Puno ng emosyon na nagpa-init sa puso ni Syke.
"I know. What can I say? A person's preference reflects on who they are. Iba ka sa mga taong nakilala ko. You're unique, and that's what makes me attracted to you" Ngumiti. Marahan. Pinapakita kay Eeya na puro at totoo lahat ng sinasabi n'ya.
Lumayo si Eeya dito. May ngiti sa labing umiling sabay sabing, "Corny"
——
Dumaan ang mga araw, mga linggo, mga buwan.
Hindi masasabi na naging ayon sa lahat ang mga bagay sa buhay ng dalawa nating bida. After all, hindi naman lahat umaayon sa kung pa'no natin ito gusto.
Four months ng pagdadalang-tao ni Yna, napag-alaman nila na sensitibo ang pagbubuntis n'ya. Kaya naging madalas ang pananatili n'ya sa apartment na inuupuhan nila ng kinakasama n'ya. Base narin 'yun sa advice ng doktor at sa kagustuhan nina Eeya at ng kanilang nanay.
Naging busy si Syke nitong mga nakaraang buwan. Nagkaka-inside problem sa kumpanya ng tatay n'ya kaya wala syang choice kundi isantabi muna ang main profession at bigyan ng tulong ang tatay n'ya. Nandun naman si Nadia, pero mas mabuti ang dalawang ulo kesa isa.
Dahil dun, naging matumal ang pagkikita nila Eeya at Syke.
Kailangan ni Eeya na palaging i-check ang ate n'ya at the same time mag-trabaho para sa pamilya nila.
Hindi naiiba si Syke. Naging magdamagan ang pagtatrabaho n'ya para asikasuhin ang kumpanya nila. Mula sa eight hours sleep, naging dalawang oras nalang ang tulog n'ya. At hindi 'yun maganda. Physically and mentally.
Nag-aalala si Eeya para dito kaya tuwing day off at weekend ay dinadalaw n'ya ito sa bahay n'ya para kamustahin at paglutuan sya ng masustansyang mga pagkain.
At tuwing nangyayari 'yun, bumabalik sila sa dati kung saan parang silang dalawa nalang ang meron sa mundo. Walang problemang iniisip, walang mga bagay na inaalala. Tanging sila lang.
"Kainin mo 'tong sayote, bakit ayaw mong kumain ng sayote? Diba vegetarian ang mga Chinese??"
"Pa'no mo naman nasabi 'yan?"
"Nakita ko lang sa tv. Ang lakas-lakas n'yong kumain ng mga gulay"
"'N'yo' talaga? Are you stereotyping us, Chinese people?"
"Ha? Hindi ka ba vegetarian?"
"Kung vegetarian ako, ba't ako kumain ng bulalo kasama mo noon?" Taas kilay at may ngiti sa labing saad ni Syke.
Napapitik ng labi si Eeya. "Oo nga, no. Aba, eh, sorry naman. Pero kailangan mo paring kainin 'to para lumakas ka. Ang payat-payat mo na, eh"
Tinulak ulit ni Eeya ang bowl ng sabaw na may sayote sa direksyon ni Eeya. Pagkatapos ay tumalikod para maghugas ng kamay.
Hindi na nag-reklamo si Syke at nakangiwing tinanggal ang pagkakatukod ng kamay sa kitchen counter. Pinasadahan ng tingin ang sabaw na maraming sayoteng malalaki tsaka kinuha ang kutsara.
"O diba masarap? 'Wag mong itabi 'yang sayote, ah. Kainin mo 'yan. 'Wag kang puro sabaw. Para naman magka-laman ka" sermon ni Eeya.
"Para kang mommy ko" amused na tugon ni Syke. Kinain ang isang sayote. "Eugh! I really hate the taste. But I'll eat it anyways"
"Mabuti." umupo si Eeya sa harapan ni Syke at pinagmasdan syang kumain. "'Wag ka kayang masyadong magpuyat, ang laki na ng nabawas sa timbang mo. Hindi ka pa nakakakuha ng maraming tulog. Isipin mo rin kalusugan mo. Nag-aalala ako"
Sa kalagitnaan ng pagkain, namula si Syke. Binaba ang kutsara at nakangiting tiningnan si Eeya. "Yes, love. As you wish. Don't worry, malapit na naming ma-sulosyunan ang problema"
May kumiliti kay Eeya. Hindi sa tagiliran kundi sa puso. Umirap lang sya saka uminom ng tubig. "Bolero"
Natawa si Syke, pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita. "Kamusta si Yna? Her baby? It's going eight months now, right? Are they fine?"
Nagpakawala ng hangin si Eeya. "Ayos naman sya, naka-leave na sa trabaho si kuya Justin simula pa nung second trimester ni ate. Maselan ang pagbubuntis n'ya kaya doble ang pag-aalalaga n'ya kina baby. Nung last na visit ko, nung isang araw, medyo namumutla sya. Pero ang sabi ni kuya ay dahil lang daw 'yun sa pagsuka n'ya bago ako dumating. Ang findings ng doktor ay magpahinga lang at 'wag syang masyadong gumalaw. Mukhang 'yun naman ang ginagawa n'ya"
Tumango si Syke, napahinga ng maluwag. "Good thing na hindi matigas ulo n'ya"
Sumang-ayon si Eeya. May ngiti sa labing sumagot. "Excited na 'kong makarga si baby!"
Napatitig si Syke dito habang mabagal na nginunguya ang sayote. Nasisilaw sya sa liwanag ng ngiti nito.
"Excited ka na magka-baby?"
"Hoy! Wala akong sinabing ganun! Excited ako na makarga ang pamangkin ko! Hindi ko sinabing gusto ko na magka-baby!" sabi ni Eeya. Masama ang tingin kay Syke. "Pinagsasabi nito. . ."
Napatawa si Syke. "Sayang naman. . ."
"Sayang? Anong sayang?" kunot-noo n'yang tanong.
Tumingin si Syke kay Eeya, nakataas ang gilid ng labi. "Bibigyan sana kita kung gusto mo"
Napataas ang dalawang kilay ni Eeya. Maang na napatingin kay Syke bago sumabog sa tawa.
"Hala! Pa'no mo gagawin 'yun eh wala ka nga nun!" Tawa na may patakip pa ng bibig. "Ikaw, ah. . . Tigil-tigilan mo 'yan. Kumain ka nalang"
Umiling lang si Syke. Pero nandun padin ang ngiti sa labi. Maya-maya ay nilayo n'ya ang walang laman na bowl sa kanya at tinawag si Eeya na kinuha ito at nilagay sa sink.
"Bakit?"
Humilig si Syke palapit dito, nakapako ang mata sa kanya. Napalapit din naman sa kanya si Eeya dahil akala n'ya may gusto itong sabihin.
"Remember this, ten years from now. . . you," turo kay Eeya, sunod ay sa sarili, "And I, are going to have a cute little baby girl. Her name will be Aliyah, and she, is your daughter. She will call you mama while she will call me dada. And we, are a married couple that time. . . with our little happy family. We are tied with each other ten years from now. Happy, in love and contended. No one can separate us from each other in a decade to come, Eeya." halik sa noo ng isa, "Remember my word, my love"
—————————————————————————
Ayiiieee, last chapter na. ;)
|9–18–21
BINABASA MO ANG
Sadistic Love #1: Platonic
RomansaSADISTIC LOVE #1 | Platonic PLA·TON·IC /pləˈtänik/ adjective -(of love or friendship) intimate and affectionate but NOT sexual. ". . . But I respect you, a lot. So I'm going to wait for you. For now, I'm going to like you, platonically" CAN BE READ...
