LMKM 26 - Selos

51 1 0
                                    

KATHERINE’S POV

CAPTAIN, puwede ba kitang makausap saglit?” pukaw ko sa pansin ni Ninong Carlos.

Kasalukuyan niyang kausap sina tito Joshua at tita Carmela.

“Katherine, hija, ikaw na ba yan?” tipid ang ngiting sabi ni tita Carmela.

“Opo tita,” tipid kong sagot sabay mano sa kanya.

They were my parents' comrades and friends. Kahit noong panahong nagretire na sila bilang Guardians.

“Huwag mo namang ipahalatang matanda na kami hija,” pabirong sabi ni tito Joshua nang magmano rin ako sa kanya.

“Sorry po tito. And I’m sorry for your loss tito,” malungkot na saad ko.

Natahimik silang tatlo sa sinabi ko. Tito Joshua just lost his wife while tita Carmela’s husband is in coma because of the attack.

“Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin, Katherine?” basag ni Ninong Carlos sa katahimikan.

“Kung puwede po sana ninong, sa hospital suite na lang ni Ryu natin pag-usapan,” nag-aalangang sagot ko.

Nagtataka man ay nagpaalam siya sa dalawang kausap at sumunod sa akin papunta sa kuwarto ni Ryu.

“Hime,” princess, nakangiting bungad nito sa akin na agad napalitan ng seryosong mukha pagkakita kay ninong Carlos.

“Ryu, kumusta ka na hijo?”

“Ayos lang po Captain. I’m sorry for not being able to properly protect Hendrix.”

“Hindi mo kasalanan iyon Ryu. Isa pa ay ligtas kayong lahat at iyon ang mahalaga. Bueno, ano ang sasabihin ninyong dalawa sa akin?”

Kunot-noong napatingin sa akin si Ryu kaya naman naguguluhang tiningnan ako ni ninong Carlos.

“Actually ninong, hindi pa ako sigurado pero sabi ni Ryu, nakita raw niya si Arturo Sandoval kasama ng mga umatake sa kanila,” marahang sabi ko.

I carefully watched our captain’s reaction. Tila nakumpirma ang ideyang naglalaro sa isip ko nang mapakuyom ang kamao niya at magtagis ang mga bagang.

“I said I’m not sure, hime,” sabat naman ni Ryu na tingin ko ay agad nakatunog na may nais akong puntuhin.

“Ryu-chan, please take a look at this and tell me if he is the Arturo Sandoval you were talking about,” hindi ko pinansin ang sinabi niya at iniabot ang cellphone ko sa kanya.

“Yes, he is. He was my master when I was still in Houston. He’s really good in martial arts, you know. Pero paano mo siya nakilala,” napapaisip na sagot nito.

“Ninong, I got this photo from Carmina kanina. Ang master ni Ryu at ang tatay ni kuya Arthur ay iisa. If he was with those men who attacked my brother... It could be circumstantial for all I care but I am curious about one thing and I hope you will truthfully answer me,” nananantiyang saad ko.

“I have an inkling as to what that question could be. Fire away,” seryosong sabi ni ninong Carlos.

“Si Arturo Sandoval, kuya Arthur's father... he’s one of the Armageddon founders isn’t he?”

Mataman akong tiningnan nito at bumuntung hininga. He looked at Ryu’s shocked face before directly addressing my question.

“Yes. Him, and his wife Hail,” sagot nitong hindi inaalis ang tingin sa akin.

Napaatras ako sa gulat. I expected Arthur’s father to be one of them but tita Hail’s involvement left me dumbfounded.

Blag!

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now