LMKM 27 - The Witch

52 1 0
                                    

Katherine's POV

"All go to one place: all are from the dust, and all return to dust. Who knows the spirit of the sons of men, which goes upward, and the spirit of the animal, which goes down to the earth? So I perceived that nothing is better than that a man should rejoice in his own works, for that is his heritage. For who can bring him to see what will happen after him?..."

Taimtim kaming nakikinig sa pastor na nagsasalita sa harapan. Naglalatang ang pighati at poot sa malawak na conference room kung saan ginaganap ang pag-alala sa mga kasamahan naming nasawi nitong nakaraan gayundin sa mga Retired Guardians at kapamilya ng mga ito na inatake ng mga kalaban.

Isa isa kong sinulyapan ang mga larawan na nakapaskil sa center stage hanggang tumigil ang aking mga mata sa mukha ni Simon.

Simon, I'm so sorry... Kung may magagawa man ako ngayon, yun ay ang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ninyo.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Pharoah sa aking kamay nang umagos ang hindi ko mapigilang mga luha sa aking pisngi.

Nilingon ko si kuya Arthur nang maramdaman ko ang pag-akbay nito sa akin. Tipid ko siyang nginitian bago yumuko para makisabay sa taimtim na panalangin.

Lalong bumigat ang aking pakiramdam nang hindi na mapigilan ng mga RGs at ng kanilang mga pamilya, maging ng ilang mga Guardians ang paghagulgol at pagdadalamhati. Napatingala ako para patigilin ang luha ngunit tila hindi ito maampat.

"Mga kapatid, ating ipanalangin ang katahimikan at kaligtasan ng kaluluwa ng ating mga minamahal na pumanaw. Ating palayain ang poot sa ating dibdib at hilingin ang paghilom ng sakit ng kawalan nila sa ating buhay..." Pagtatapos ni Tito Joshua sa panghuli nitong mensahe.

Noong una'y nagulat ako nang malaman ko na isa pala itong pastor. Hindi ko ma-imagine kung paano niya nagagawang mapanatili ang pananampalataya at maging kalmado gayong nawalan siya ng asawa.

Unti-unting nagsialisan ang mga tao sa conference room matapos and maikling seremonya ngunit nanatili kami ng A-team at lahat ng level 3 Guardians para sa isang pagpupulong.

"Guardians, for the past days, we lost a lot of comrades. We, as a family, will not sit back and do nothing about it. That's why I need you, the best among the bests, to lead your comrades in this war that is about to come," madamdaming pahayag ni Ninong Carlos na kasalukuyang nakatukod ang mga kamay sa podium.

"We will divide you into two: one group to fight the Shadows, and another group to prepare for the Pyramid's next move against us.

Both syndicates are powerful, perhaps even more powerful than us. And to face the both of them at the same time is highly difficult.

Hindi magiging madali ang haharapin nating laban. Maaaring may magbuwis na naman ng buhay, at hindi tiyak kung kailan ang katapusan ng giyerang ito.

Kaya naman manatili kayong alerto at maingat sa inyong bawat galaw. Gawin natin ang lahat upang maiwasan ang pagdanak ng dugo sa ating panig," saad pa nito bago ipinaubaya ang microphone kay Mariz.

"Sa ngayon ay hindi pa natin alam kung may iba pang grupo si Cornelius Abel Santillan maliban sa Shadows. For all we know, the Armageddon still exists in the dark.

That's one more reason why we should be extra careful. Pero ipaubaya ninyo muna sa Intel Department ang pagre-research tungkol dito at mag-focus sa dalawang sindikatong kinakaharap natin ngayon.

Gaya ng nasabi ni Captain Zeus kanina, hahatiin namin kayo sa dalawang grupo. Teams A, C and E will be in charge of Matthew's rescue operation from the Shadows.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now