LMKM 24 - GHOST

76 1 0
                                    

KATHERINE'S POV

I opened my laptop to check my emails pero mukhang empty na ang baterya. Chinarge ko ito at narealize kong hindi pala ito napatay ng maayos. Bumungad sa akin ang video nina kuya Arthur at Victoria.

Ahh. Pinag-aaralan ko nga pala ito kahapon. Hmmm.

I hit the play button and watched it again and again. Para talagang may mali. Pero ano?

"Pumasok na ako kasi mukhang hindi mo narinig ang doorbell," biglang sabi ni Pharoah.

"Ay hippo kinain ng pating!" nagulat na sambit ko sabay tiklop ng laptop.

"Nakita ko na yan. Kanina pa kita pinapanood na pinapanood yan," amused na sabi nito.

"Eh bakit hindi ka man lang nagsalita? Kailangan manggulat? Nakakaloka ka Cain, alam mo ba yun?" pinandilatan ko siya ng mata.

"I did pero mukhang malakas ang volume ng headphone mo. Halika na at baka lumamig ang pagkain. Mamaya mo na ituloy yan at mamaya na rin ako mag-uusisa," yaya nito sabay abot ng kamay sa akin.

Napailing na lang ako. Hinawakan ko ang kamay niya sabay tayo. Pero hindi na niya iyon binitawan hanggang makarating kami sa komedor. Sweet. Napapangiti na lang ako sa kilig.

----

"So why are you watching that kissing scene over and over again?" tanong ni Pharoah na nakikinood sa tabi ko.

"You sound like I'm a maniac, you know, haha."

"You're happy. I like seeing you laugh," he said out of the blue.

Inirapan ko na lang siya para itago ang kilig pero sa loob loob ko, Kyaaaahh! Bakit ba ang sweeeeeeet niya?!

"May iba pa bang sinabi si Arthur kagabi?" pag-iiba nito sa usapan.

"Hmmm. Masyado kasing mahina ang boses niya eh. Hindi ko naintindihan. He said something about Victoria and-" napatigil ako at muling pinanood ang video mula sa simula. Gotcha!

"What is it?" tanong ni Pharoah.

"Mamaya ko na i-eexplain, dun tayo sa CC dali!" nagmamadaling sabi ko sabay unplug ng laptop.

"Good morning," bati ko pagkapasok sa command center pero nagtaka ako nang makita si Carmina.

"I thought you volunteered to guard Arthur all day Carmina," tanong ni Pharoah.

Sumimangot lang si Carmina at muling nagtipa sa keyboard niya. Binalingan ko si Mariz ngunit inikutan lang niya ako ng mga mata.

"She accidentally saw the video when Eleana watched it," sagot ni Ninong Carlos.

Nilingon ko ulit si Carmina na halos durugin ang laptop niya sa pagtatype. Halos magsalubong na ang mga kilay nito at pulang pula ang mukha. Napangiti ako sa nakita.

"Oh, about that KISSING SCENE, may gusto nga pala akong ipakita sa inyo," anunsiyo ko sa kanila.

"Uy anong kissing scene yan?" singit ni Zion na bigla na lang lumitaw sa likod ko kasama sina Achilles at Noah.

Pinanlakihan ako ng mata nina Mariz at Ninong Carlos pero nang-aasar lang akong ngumiti.

"Oh you'll see. Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko kina Zion habang isineset- up ang hollogram projector sa laptop ko.

"I need some space from the hospital," sagot ni Noah bago umupo at humigop sa dala niyang kape.

"I brought some papers from the experiment department," sagot naman ni Achilles habang iniaabot ang isang folder kay Ninong Carlos.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now