LMKM 12 - Facing Demons

81 1 0
                                    

Katherine's POV

Kanina pa ako sinasabunutan ng baklang hair stylist cum make up artist na hinire ni Mariz para sa akin. Mukhang ibinubunton nito sa pagsusuklay ng buhok ko ang frustration. Paano ba naman ay hindi ako pumayag sa mga choices niya para sa bagong look ko.

"Aray! Hinay hinay naman teh!" reklamo ko.

"Magtiis ka bruha! Naku hindi ko talaga gusto itong kulay ng buhok na napili mo!" nanggagalaiting sabi ni Britney, ang baklang mas mukha pa yatang babae kesa sa akin.

"It looks good on her," singit naman ng babaeng fashion consultant na kasama niya, si Jinny.

"Pero hindi ito ang look na gusto ni Mariz! Malalagot ako dun. Ang gusto niya eh gawin kitang nerd. Eh saan ka nakakita ng nerd na cherry bombre ang buhok with beachwaves aber? Mas bagay sa nerd look mo yung almond ombre na maliliit lang ang kulot," talak pa rin ni Britney.

"Masyadong ordinary yung ganung kulay teh," paliwanag ko.

"Para hindi ka masyadong pansini  siyempre! Pero oo na lang. Hmp! Eh yung mga damit na pinili nitong si Jinny para sa'yo ayaw mo rin!" dagdag pa nito.

"Eh paano puro dress! No offense meant Jinny ha pero paano ako makakagalaw nun? Those pantsuits and rompers are better though I am still not comfortable with it."

"Whatever! Better than your usual jeans, shirt and leather jacket ensemble. Oh siya, tapos na ako sa buhok mo. Mamili ka na sa mga dala ni jinny na contact lenses at eyeglasses," anito sabay abot ng mga sets sa akin.

"I'd like blue contact lenses in normal size at 20/20 pa naman ang vision ko so I'll have fashion eyeglasses in tortoise shape and leopard print please," sabi kong ni hindi sinulyapan man lang ang mga inabot niya.

"Wow. For a woman with your previous fashion style I'm surprised of your good taste. No pun intended of course," nakangiting sabi ni Jinny habang hinahanap ang mga binanggit ko.

"Give her what she wants na lang. Wala naman tayong magagawa. Oh ito, isuot mo itong isa sa mga pinili mong damit tapos itry mo na rin yung contacts at eyeglasses," utos ni Britney sa akin.

"Thanks. I'll be fast," sabi ko habang papasok sa kuwarto ko dala ang mga gamit para magbihis.

Napangiti ako matapos maisuot ang peach jumpsuit at contact lenses. Hmmm. Not bad. Isinuot ko na rin ang eyeglasses at nude pumps na pinili ko rin sa mga dala ni Jinny kanina. I rummaged inside my closet and found a cream-colored envelope leather clutch na siyang pinaglagyan ko ng cellphone at wallet ko. I went out with a confident smile.

"Oh my gosh. You look amazing!" humahangang bulalas ni Jinny.

"Hmmm. Not bad. Though sigurado akong mapapagalitan pa rin ako ni Mariz dahil hindi nasunod ang nerd look na gusto niya," napapailing na sabi ni Britney.

"Come on Brit, she has a strong personality kaya hindi babagay ang nerd look sa kanya. This look suits her. Her aura speaks elegance and power in volumes," Jinny beamed at me.

"Yeah yeah. Come now so we can put on some make up on your pale face darling," tawag ni Britney na nilapitan ko naman agad.

We were almost done when the doorbell rang. Hindi ko sana papansinin pero naisip ko na baka importante ang sadya para dayuhin ako sa unit ko. Nagtaka ako ng mapagbuksan ko si Pharoah.

"Cain! Akala ko ba eh dadaanan na lang kita sa hospital?" lalong kumunot ang noo ko nang hindi siya umimik at nanatiling nakatitig lang sa akin.

"Sis, I think he was shocked," pigil ang tawang sabi ni Jinny.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now