LMKM 17 - Kutob

86 1 0
                                    

Katherine's POV

"Aw! tita masakit po," nakangiwing daing ko.

"Tiisin mo para gumaling ka kaagad. Hindi dapat pinapabayaan ang ganitong injury na sa ugat mismo ang damage. Tsaka hindi naman sasakit yan kundi ka galaw ng galaw eh," ani tita Eleana habang naglalagay ng acupuncture needles sa likod ko.

Sa kuwarto ko namin naisipang isagawa ang therapy/acupuncture session para makapagkuwentuhan na rin kami tungkol sa mga pasabog nilang sekreto kaninang umaga.

"Effective ba talaga ito tita?" nakalabing tanong ko bago pumirmi sa pagkakadapa.

"Pinagdududahan mo pa talaga akong bata ka? Ito ang ipinanggagamot sa amin ng master namin kada matatapos ang training."

"Master talaga? Anluma naman tita hihi."

"So ano ang ibig mong sabihin, matanda na ako?"

"Kayo ang nagsabi niyan tita hindi ako," nakabungisngis kong sagot.

"Manang mana ka talaga sa ama mong pilosopo. Malamang kung nandito si Dolores kinurot ka na naman nun."

Pareho kaming natahimik sa sinabi niya. Patuloy lang siyang naglalagay ng karayom sa likod ko nang maglakas-loob akong magtanong.

"Tita, pareho po kayo ni mama na Navy SEALs?"

"Oo hija. Hindi halata ano?"

"Opo. Kaya siguro ayaw na ayaw ni mama na maging agent ako. Lagi ko pa naman naiisip na hindi niya ako maintindihan iyon pala higit kaninuman siya yung nakakaintindi sa pangarap ko," malungkot na sabi ko.

"Bakit pati pagiging agents ninyo ni mama eh kailangang maging lihim pa tita?"

"Para hindi kami madaling mahanap Kath. Sa aming lahat, kami ng mama mo ang higit na kinamumuhian ni Cornelius. Iniisip niya na dahil sa amin ay tinalikuran nina Ricardo at Carlos ang samahan. Nadagdagan pa ang galit na iyon nang hindi sinasadyang mapatay ko ang asawa niya."

"Hindi ninyo kasalanan na namulat kayo sa katotohanang mali ang ginagawa ninyo tita! And you saved my father!"

"Alam ko. Pero minsan ang pagkawala ng isang minamahal ay nakakabulag, nakakabingi, at nakababaliw Kath. Alam kong alam mo yan," marahang sagot niya.

Of course. I made countless of wrong decisions five years ago because of my loss, "but it's been decades tita. Hindi ba siya marunong magpatawad? Kailan niya marerealize na masama ang ginagawa niya?"

"Nobody is telling him that it's wrong hija. He needs someone to shake him up."

"Maybe a friend can do that tita. Or a new wife perharps?"

"No Kath. He cannot be saved by a mere human. He has to allow Jesus in his life again. Only then can he be saved. Only God can hija," masuyong sabi ni tita sa akin.

Years ago, naconvert sina tita Eleana bilang Born Again Christians. Since then, she has been speaking like this. I can see the changes in her principles, in her ways, and she has been urging me to try it too. Only I don't know if I deserve to be redeemed. Mukhang alam ko na kung ano ang kasunod na sasabihin ni tita.

"Do you still not believe in the mercy of the Lord, Katherine?"

Sabi na nga ba. "I do tita. It's just that, how can someone so bad deserve to be saved? And how can a criminal as bad as him make a 360° turnaround?"

"Are we not the living proofs hija? Hindi pa ba sapat ang pagbabago namin ng Ninong mo, ng mga magulang mo, mula sa pagiging walang pusong mercinaries hanggang sa maging mabuting mamamayan kami?"

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now