LMKM 34 - Gangnam Style

8 1 0
                                    

A.N. Again, this story is fictional. Any similar events, names, and places are either purely coincidental or used in a fictional manner. Thank you! 🙂

Edit: Grabe sorry po, di ko kasi kilala yung Song Kang, pasensya na po kung may ka-name na sikat yung isang character dito Sorna  po 😅

Katherine's POV

"TARGET coming. Third car," maiksing imporma ni Noah sa amin.

Pumuwesto na ako sa tabi ng sasakyang dala ko bago tinanguan si kuya Arthur na ilang dipa lang ang layo sa akin. Nasa likod siya ng isang puno gayundin ang ilan pang kasamahan namin na hindi ko man nakikita ay alam kong handa na rin.

Nang matanaw ang mga kotseng parating  mula sa blind curve ay mabilis na binago ko ang facial expression ko at tila frantic na kumaway.

Nilampasan ako ng unang dalawang sasakyan subalit hinintuan ako ng ikatlo. Great!

Bumungad ang nakakalokong ngiti ng lalaki sa backseat matapos nitong ibaba ang salamin. Mabagal na pinasadahan niyo ako ng tingin. Kim Song Kang — bunsong anak ng isa na namang mafiosong underling ng Shadows, si Kim Shin Sung.

I'm wearing a blond wig, a fake face, and a haltered black dress na bahagya nang umabot sa tuhod ko. I'm definitely not Katherine today, I'm Queen.

"Boss! mabilis na saway dito ng katabing halatang bodyguard.

"Ohhh, yeppeoda," mahinang bulong nito bago ibinalik sa mukha ko ang tingin.

"Ano raw?" dinig kong saad ni Achilles sa Whisper ko.

"Yep, yop— pwe! yupiin ko na lang sasakyan niyan!" nabubulol na sabi ni Zion na muntik ko nang ikatawa.

"Hey, sexy lady, need help?" pa-cool na tanong ni Kim Song Kang kapagdaka.

"Hey! Sexy lady! Op, Op, Op Oppa Gangnam Style!" sabay pang kanta ng dalawang kumag na siguradong rinig ng buong team dahil sa listening device. Napangisi tuloy ako ng wala sa oras.

"Tarantula! Scorpion, ano ba!" saway ni Mariz sa mga ito na agad tumahimik.

"Can I hitch a ride? My car broke down," nagpapaawang sabi ko dito.

"Sure! Get in!" masiglang sagot nito bago binuksan ang pinto at lumabas.

Halos mawala ang singkit na mata nito sa pagngiti.

"Boss!" akmang pigil ng isang bodyguard nito na kanina pa nasa labas ng sasakyan.

"Gamanhae!" Song Kang snapped at him in gritted teeth before he smiled at me again while urging me to get inside.

"Neoneun deul-eoss-eoya haessda," You should have listened to him, nakangising sabi ko sa kanya.

Nawala ang ngiti sa labi niya at nanlaki ang mga mata nang balewalang iturok ko sa leeg niya ang isang syringe.

Mabilis na nagsipagtumbahan ang mga bodyguards niya kasabay niyon dahil sa tranquilizer gun ng mga kasamahan ko.

Kalmadong iniabot ko kay Achilles ang walang malay na si Song Kang habang nagpapalitan ng putok ang mga nasa unahang sasakyan at ang mga Guardians sa likod ng mga puno.

Balewalang sumakay ako sa driver's seat at naghintay na matigil ang putukan na tumagal lamang ng isang minuto. Fast and clean. Mission accomplished agad agad.

Maliksing lumabas ang cleaning team mula sa kakahuyan at binuhat ang mga walang malay na goons papasok sa sariling sasakyan ng mga ito.

I looked at the rearview mirror when kuya Arthur sat beside the sleeping target. Umupo naman sa kabila nito si Achilles na tila sumasayaw pa rin ng Gangnam Style. Napatawa na lang ako ng tinignan siya ni kuya Arthur na tila ito tinubuan ng sungay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now