LMKM 11 - Ligaw

84 1 0
                                    


KATHERINE'S POV

"Antahimik niyo naman masyado ngayon. Ano'ng meron?" tanong ni Aldrin habang inilalapag sa mesa ang mga inorder naming pagkain.

"Oh pre, ano'ng ginagawa mo dito? Sino ang naiwan sa bar?" nagtatakang tanong naman dito ni Skater.

Dumiretso kasi kami sa Ricardo's coffee shop matapos ang debriefing kanina. This was named after my father who built the shop because he loved to drink coffee. Kalaunan ay nagsilbi na rin itong cafeteria para sa mga guardians.

"Pinaparenovate ni Captain Zeus yung bar nang madalian. Nilalagyan nila ng compartments para sa ammos mga pre," sagot ni Aldrin.

"Ammos?? whew. I guess this is really war," umiiling na sabi ni Roy.

"Sumabay ka na sa aming kumain Al. mukhang pagod na pagod ka dahil wala si Tristan na kasama mong magluto," yaya ko naman dito.

"Naku huwag na Kath. Nakakahiya namang sumabay sa mga level 3," napapakamot sa ulong sagot ni Aldrin sa akin.

"Bro, alam mong para lang sa categorization ang hierarchy. Iisang pamilya tayo rito. Sige na umupo ka na," sang-ayon naman ni Roy sa akin.

"Sige na nga," anitong umupo na sa tabi ko. "Pero bakit nga pala mukhang malalim ang iniisip niyong lahat kanina?"

"Pyramid problems pre. Idagdag mo pa ang Shadows na siguradong hinahanap na rin tayo dahil sa pagproprotekta natin kay boy genius," ani Roy.

"Tsk. Anlaki na talaga ng atraso sa atin ng Pyramid na yan. Ipinakita sa amin nina Captain Zeus at Chief Mariz yung CD kanina. Pero iba yung kilabot na naramdaman ko kanina habang pinapanood yung si Pleng Mao, as if I am looking at the devil himself," seryosong saad ni Aldrin.

"He is a devil," komento ni Pharoah.

"Hayy. Maghihigpit na daw sa trainings mula bukas. Hindi na ako makakapagluto masyado nito," himutok ni Aldrin.

"Like what Roy said, this is war. Everyone should be capable of defending themselves. We are up against the devils of this society," seryosong pahayag ni Arthur na nagpatahimik sa amin.

"Wow pre. That was what, 3 sentences? Mukhang maganda ang vitamins na iniinom mo ngayon, you speak a lot these days," nakangising tukso dito ni Aldrin na nagpabalik ng sigla sa hapunan.

"Mauna na ako. I have to look after the patients," paalam ni Arthur maya-maya.

"Kuya, you are tired too. Sigurado namang magbabantay si Mariz doon," pigil ko dito.

"Mariz will be on duty all night. I am pretty sure she will be up for the next few days trying to gather data and formulate plans. I have to go," anito habang ginugulo ang buhok ko bago humakbang paalis.

"Si Arthur magbabantay sa hospital? Am I seeing things now?" bulalas ni Aldrin.

"Huli ka sa balita, may bagong loveteam," sabi naman ni Skater.

"Hindi ka talaga nagseselos ha?" tukso ko dito.

"Of course not," mabilis na tanggi nito ngunit nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa kanyang mga mata.

"But I really don't think it would work. Arthur and Carmina are two opposite poles," komento naman ni Roy.

"Opposite poles attract. Cliché but true you know," I said.

"Wait. Teka lang ha. Arthur and Carmina? Whoa. Odd couple," sabat ni Aldrin.

"I can't see anything wrong with it. There's no criteria set for love. You see, Arthur is slowly changing, having more compassion for others. That's what love does to people, it makes them do things that are out of their character," saad ni Pharoah habang nakatitig sa akin.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now