LMKM 8 - Pharoah: Bestfriend, Partner, and Lover?

83 1 2
                                    

Katherine's POV

Alas onse na ng gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kanina pa ako nakapagshower at nakabihis ng pantulog na ngayon ay pinatungan ko ng mahabang cardigan. Tulala lang akong naglalakad sa hallway nang madaanan ko ang opisina ni ninong Carlos na bahagyang naaaninag ang bukas na ilaw.

Hindi ako nagdalawang isip at kumatok sa pinto nito. Narinig ko ang mahinang click ng security device na nakakabit sa pinto bago ito bumukas. Agad akong pumasok matapos ma-scan ng Anatomy.

"Hija, bakit gising ka pa?" tanong ni ninong bago minuwestrang maupo ako na siyang ginawa ko.

Hindi ko maiwasang titigan ang portrait ni papa na nakasabit sa dingding sa likuran ng mesa ni ninong. Katabi nito ang portrait ni ninong Carlos. They were the founders of our organization, the pioneer Guardians.

Pareho silang ex- US Navy SEALs na umuwi sa Pilipinas nang magpakasal sa kanya-kanyang asawa, founding the Guillermo Security Agency na kalaunan ay naging front na ng Guardians Secret Service Agency.

My father was the former brain of the organization. If ninong is the Captain, my father was the Supremo.

"Hindi po ako makatulog ninong," nahihiyang tumingin ako sa kanya.

"Iniisip mo pa rin ba ang case ni Matthew?" nakakaunawang tanong nito.

"Ninong, bakit hindi mo sinabi sa akin ito noon? Ang sabi mo lang ay nanganganib ang buhay niya."

"Dahil ayaw niyang malaman mo hija. You see, Matthew knows you too well. Alam niyang magpupumilit kang sumama sa kanya at protektahan siya. Hindi birong pagtatago mula sa mga nagtatangkang kunin siya ang pinagdaanan niya at ngayon ay gusto na lamang siyang patayin. Kaya hinayaan ka naming isiping pinagtaksilan ka niya."

"Hindi nga ba ninong?" tanong ko na nagpakunot ng noo niya. "That woman was in his room ninong, wearing only his shirt while he was just clad with his boxers," naiiling na imporma ko rito. Yumuko ako upang itago ang pangingilid ng mga luha.

"It must have been a misunderstanding Katherine," nalilitong saad ng matanda.

"Ninong, they kissed, on the lips," nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.

"I didn't know about that hija. I am so sorry. Akala nami'y nakita mo lang silang magkasama o anuman," matiim ang mukhang saad nito.

"It's alright ninong, wala kang kasalanan. It was his choice to cheat on me," I immediately dismissed the topic at tumayo na ako.

"Nevertheless I will be part of this mission after my 2-week forced leave ninong. I've got to go. Matulog na rin po kayo. Madali po kayong tatanda niyan," malambing ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Oho! Yan ang hindi ko matatanggap Katherine! Malakas pa ako at kayang kaya pa kitang talunin sa sparring," nakikisakay namang sagot nito.

"No doubt about that ninong. Alis na po ako," tumalikod na ako ngunit napigil ako ng muli itong magsalita.

"Do you still love your santa Claus, Katherine?"

"It was never gone ninong," lumingon ako sa kanya at malungkot na ngumiti. "It faded through time but it never vanished." at tuloy-tuloy na akong naglakad pabalik sa kuwarto ko na malapit lang sa command center. I didn't want to live in one of the houses provided for the Guardians.

Hindi na ako nagtaka nang makita ko si Pharoah na nakaupo sa aking kama. He looked up and replaced the picture frame on my side table. It was my last complete family picture. Nginitian ko siya at tinabihan.

"Where have you been? Bakit hindi ka pa natutulog?" anito na inakbayan ako.

"I just had a walk. Kinausap ko rin si ninong Carlos saglit. Besides you know that I cannot sleep without you beside me," sagot ko nang sumandal ako rito. I felt him kiss my hair.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now