LMKM 25 - SPARTANS

77 1 0
                                    

KATHERINE'S POV

NAPABALIKWAS ako ng gising dahil sa naramdamang hampas sa ulo ko. I automatically reached for the gun on my holster and aimed it at the culprit. Hindi pa masyadong malinaw ang isip ko dahil sa naantalang tulog pero alertong ikinasa ko ang baril at itinutok sa taong nakatayo ngayon sa harap ko. Napapiksi ako nang may mabasag na bagay sa sahig.

"Bangag ka ba? Bakit mo ako tinututukan ng baril?" gulat na sabi ni kuya Hendrix.

"K-kuya..." hindi makapaniwalang sabi ko.

Namalayan ko na lang na ibinalik ni Pharoah ang baril sa safe mode at inalis sa kamay ko. Inabutan rin niya ako ng isang basong tubig. Inilibot ko ang paningin, mabuti na lang at silang dalawa lang ang nandito.

"Sorry kuya, bakit naman kasi nanghahampas ka ng ulo?" nakabawing hingi ko ng paumanhin.

"Hampas? Pinitik ko lang ang noo mo!" anito sabay pitik ulit sa akin.

"Aray! Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising!" sabi ko habang hinihimas ang noo ko.

"Eh ang sarap ng tulog mo sa hospital bed KO eh!" nakangising sagot nito.

Napatigil ako. Hala, oo nga. Bakit ako nakahiga dito?

"Nakatulog ka sa upuan habang binabantayan ang kapatid mo. Inilipat ka namin sa kama kanina nang magising siya. Ayaw ka sana naming gisingin kaso nagpatawag ng emergency meeting si Captain Zeus mamayang ala una ng hapon,"paliwanag naman ni Pharoah.

I got up and tied my hair in a messy bun. Iniwasan kong apakan ang bubog ng mug na nabitiwan ni kuya Hendrx kanina. Naupo ako sa tabi ni Pharoah at agad naman ako nitong inabutan ng plato.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung okay na ako?" untag ni kuya Hendrix sa akin matapos umupo sa bakanteng silya.

"Seeing that you're up and about, I don't think you're unwell at all," I pointedly told him as I took a bite at my croissant.

"Alam mo ba kung anong oras na?" tila naaaliw na wika nito.

I glanced at my wrist watch. 12 noon! Nahulog ang croissant na hawak ko at nasamid ako.

"Sino ang nagsaksak ng pampatulog sa akin?!"

"Wala," sabay na sabi ng dalawa.

Paano ako nakatulog ng mahimbing at ganoon katagal?!

"You sleep a lot these days, faints often too. Magpa-check up ka kaya kay Dra. Eleana?" nag-aalalang sabi ni Pharoah.

"She does?" kunot-noong tanong naman ni kuya Hendrix.

"I'm fine. Bumabawi lang siguro ang katawan ko ng pahinga. Sunud-sunod ang mga nangyayaring pag-atake sa atin nitong mga nagdaang araw eh," napapabuntong- hininga kong sagot.

"Si Ryu nga pala?" naalala kong itanong.

"He's fine, pero hindi pa siya nagigising," sagot ng kapatid ko.

"He's at ICU Room 5," dagdag naman ni Pharoah.

"I'm done eating. Pupuntahan ko lang siya bago ako umuwi para magbihis," nagmamadaling sabi ko bago tumayo.

"I'll come with you," sabay na saad ng dalawa na nagkatinginan pa.

"You should stay here and rest kuya. May IV ka pa oh. And Pharoah, sunod ka na lang pagkakain mo, bye!" mabilis kong sabi sabay sara ng pinto.

"Ryu-chan!" relieved na sabi ko nang madatnan kong nakaupo na siya at kausap sina Skater at Roy.

Ryu is a member of the B team before he decided to personally guard my brother. Sa ngayon ay kasali siya sa C-team kahit hindi siya sumasama sa mga misyon. Kahit hindi nito sabihin, alam kong dahil ito sa utang na loob niya kay papa. Malaking sakripisyo para sa kanya na iwan ang nakasanayang maya't mayang misyon para maging regular bodyguard ng kapatid ko.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now