LMKM 23 - SUSPICIONS

76 1 0
                                    

KATHERINE'S POV

"TINGIN ninyo magagawa talaga ni Arthur na pagtaksilan tayo?" kunot-noong tanong ni tita Eleana.

"Hindi po tita. B-buo po ang tiwala ko kay kuya Arthur," napapahiyang sagot ko.

"Eh kasi naman po tita, yung video. The video confused us a lot," Mariz answered with a sigh.

"What video?" gulong wika ni tita Eleana.

"I'll show you at the office honey. We should get going. Alam kong napagod ka sa dami ng pasyente kanina," Ninong Carlos said as he pointedly looked at us.

Oops. Nangako nga pala kaming walang pagsasabihan. Hayy.

"Bye tita, tito, see you later," paalam ni ate Mariz sa dalawa.

I just kissed them both and let them go out first before facing Mariz once again.

"We really shouldn't have suspected Arthur," anito.

"I know. Nagagalit nga ako sa sarili ko kung bakit ako nag-doubt. No matter how small that doubt is," ayon ko sa kanya.

"Tara na magpahinga muna tayo," sabi niya bago naglakad palabas.

"Pupuntahan ko muna si kuya Arthur ate," paalam ko habang sumusunod sa kanya.

She just lifted her hand in a wave and walked straight to the direction of the Command Center.

Nadatnan ko si Carmina na nakaupo sa bandang kanan ng kama ni kuya Arthur habang nakatayo naman sa may dingding sina Zion, Achilles at Pharoah. Marahil ay nanggagamot pa ng pasyente si Noah.

"Nakausap ninyo siya?" tanong ko kay Pharoah.

"Nope. He haven't woke up yet though sabi ni Dra. Eleana eh nagising siya kaninang mga alas otso ng gabi," sagot nito bago naglagay ng isang upuan sa bandang kaliwa ni kuya Arthur.

"No thanks, okay lang ako," tanggi ko sa upuan. "Dapat si Zion ang pinapaupo mo, di ka na naawa sa lumpo," tukso ko sa nakasaklay na si Zion.

"Oy makalumpo ka naman Queen! Malakas pa ako noh!" pagsakay naman niya sa biro ko.

I tried to grab his crutches but he immediately lifted it away. Iyon nga lang ay natamaan si Achilles sa ilong.

"Aray! Ang matangos kong ilong!" daing ni Achilles na tinawanan lang namin habang patuloy na nagkukulitan.

Natigil lang kami nang binitbit ako ni Pharoah patungo sa isang tabi. Napasimangot ako sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Aysows! Bantay sarado!" ngingisi-ngising asar ni Achilles.

Agad siyang umiwas nang lumapit si Pharoah sa kanya. Pero napakunot ako ng noo nang inabutan siya nito ng panyo.

"Ano yan bro?" takang tanong ni Achilles.

"Your nose is bleeding," tipid na sagot ni Pharoah bago itinapal sa mukha ni Achilles ang panyo at naglakad pabalik sa tabi ko.

"W-waahhh! Dugo nga! Ikaw na bansot ka halika nga rito!" sugod nito kay Zion.

Tatawa-tawang nagtago naman si Zion sa likod ni Pharoah na mukhang bored na bored pa.

"Arthur!"

Napalingon kaming lahat kay Carmina nang sumigaw ito. Gising na si kuya Arthur! Agad pinisil ni Pharoah ang emergency button sa mesa para tawagin ang pansin ng nurse sa labas.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo?" alalang tanong ni Carmina habang hawak ng mahigpit ang kamay nito.

He looked at Carmina and faintly squeezed her hand. Inilibot niya ang paningin hanggang sa mamataan niya ako. His gaze stopped on me and lifted his hand a little as if motioning me to hold it and I did.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now