LMKM 18 - Piranha

79 1 0
                                    

Katherine's POV

HINDI ako mapakali at palakad lakad sa kuwarto ko. Ngayon pa lang ay may ideya na ako kung gaano ka-awkward ang mga susunod na araw kasama si Claus. Hayyy.

"Hindi mo ba sasagutin iyan?"

"Ay! Hippo kinain ng pating!" bulalas ko sa sobrang gulat. Hindi ko namalayang pumasok si Pharoah sa kuwarto sa sobrang pagka-aligaga ko. Hindi ko rin narinig ang teleponong mukhang kanina pa ring ng ring. Tsk. He just chuckled and picked up the phone.

"Hello? This is Pharoah," sagot nito sa kabilang linya bago kumunot ang noo at sumeryoso ang mukha.

"What do you mean by that?... We're on our way," anito at ibinaba na ang telepono.

"Sino yun? At bakit seryoso ka?" kinakabahan kong tanong.

"Si Mariz. We have to go to the CC," tipid nitong sagot.

Hindi na ako nagsalita pa at nauna nang lumabas ng silid. Ilang minuto lang ay kaharap na namin ang chief ng Intel na mas seryoso kaysa normal ang hitsura.

"I won't beat around the bush. Tiger is missing," walang prenong sabi ni Mariz.

"W-what? How? Kailan pa?" sunud-sunod kong tanong.

"Napansin lang namin kanina nang hinanap siya ni Carmina sa akin. She said it's unusual for Arthur not to visit her at the hospital at least once a day. Nang i-trace namin ay walang signal ang tracker niya. We reviewed the CCTV footages and found out that he went out of the HQ around 9am. Out of reach ang phone niya at hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon," paliwanag ni Mariz.

"This is something he never did before. Kahit kailan hindi niya tinanggal ang tracker niya," kunot-noong komento ni Pharoah.

"Ate, kailangan natin siyang hanapin," natatakot na saad ko.

Bumukas ang pintuan ng command center at magkasunod na pumasok sina Noah at Zion.

"Totoo ba?" humahangos pang tanong ni Zion na paika-ikang maglakad.

Mabilis na ipinaliwanag ni Mariz sa mga ito ang sitwasyon at ipinakita sa amin ang last location ni Arthur bago nawalan ng signal ang tracker niya.

"We will look for him. Hindi maganda ang kutob ko dito," sabi ni Noah.

"Hihingi tayo ng tulong sa ibang team dahil may ibang misyon na sina Queen at Pharoah ngayong gabi. There are a few level 2 Guardians available tonight," ani Mariz.

"No! Hindi tayo puwedeng magpakakampante. Hindi sa minamaliit ko ang mga level 2 agents pero nakita na natin kung ano ang kayang gawin ng mga kalaban natin nitong nakaraan at baka sila ang nasa likod ng pagkawala ni kuya Arthur. Achilles is still at the hospital, si Zion hindi pa magagamit ang isang binti ng maayos. We cannot just rely on Noah and level 2 Guardians alone. Sasama kami ni Pharoah," giit ko.

"But you have to guard Matthew! Siya ang main target ng isa sa mga kalaban natin!" salungat ni Mariz.

"May punto si Katherine, Mariz," singit ni Ninong Carlos na sumulpot sa likod namin kasama ang ilang level 2 guardians.

"Captain Zeus, hindi rin po natin maaaring ipagwalang bahala ang buhay ni Matthew," giit pa rin ni Mariz.

"May tiwala ako sa ating mga guardians. Isa pa, kung sinuman ang may kagagawan ng pagkawala ni Arthur ay tiyak na hindi basta basta. Afterall, Tiger is the strongest and smartest Guardian we have," seryosong saad ni Ninong Carlos.

Walang nagawa si Mariz nang pumasok na kami sa Warcraft para maghanda. Kasabay din namin ang mga level 2 agents na magbabantay kay Claus pabalik ng Maynila.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now