LMKM 28 - Shadow Busters

52 1 0
                                    

Katherine's POV

"Oh guys, dalawang Pterodactyl ang gagamitin natin. Dun sa mas malaki ang mga Interns, dun sa regular ang mga Aces," ani Zion sa lahat ng kasama sa rescue operation ngayon.

Sumakay kami sa kani-kaniyang jet habang nire-review ang plano.

"I think we should- Ryu chan!!"

Naputol ang pakikipagdiskusyon ko kay Pharoah nang madatnan ko si Ryu sa loob ng Pterodactyl.

"Hime," bati nito sa akin sabay bukas ng mga braso.

Tinakbo ko siya ng yakap at hinalikan sa pisngi. Nakarinig ako ng pag-ubo sa likuran ko ngunit di ko ito pinansin.

"You're coming with us?!" Excited na tanong ko.

"Yup, will just pilot for you since I still have injuries."

Parang nahati ang mga mata nito sa ginawang pagngiti. Hindi si Ryu ang tipo ng lalaking masasabihang guwapo sa unang tingin, but his sex appeal draws a lot of attention from women.

He looks so manly with his defined jawline and muscular built. Ang halos moreno nitong kulay ay lalo lamang nakadagdag sa malakas na dating nito.

"Ryu, pare!" Bati rito ni Samael, ang leader ng C-team.

"Pare, long time no see," balik nito.

"Kailan ka ba kasi babalik sa team? Wala tuloy akong permanenteng partner sa mga misyon," tanong pa ni Samael habang ginagawa ang handshake nila.

Kita ko ang pagbaling ni Ryu sa akin at pagkamot ng batok kaya napabaling rin sa akin si Samael. Natawa ako nang pinaikot nito ang mga mata.

"Huwag mo nang bantayan yung kuya ni Queen, ipinagpalit ka na nga niya sa iba dahil wala ka eh," nakaismid pang sabi ni Sam.

Hinampas ko ito sa braso dahil sa sinabi niya. Tinapik lang ito ni Ryu sa balikat bago umupo sa pilot seat sa may dulo. Napailing na lang ako bago tinungo ang isang upuan at nagstrap ng seatbelt.

"Naging sila ni Ryu?"

Daldal talaga nitong si Zion!

"First love nila ang isa't isa," kunwaring bulong ni Sam kahit dinig na dinig naman ng malalapit sa kanya.

First crush lang naman!

Buti na lang patay malisya ang ibang Aces na kasama namin ngayon.

"Fasten your seatbelts please. We're taking off," malakas na sabi ni Ryu.

Halatang narinig din niya ang tsismisan dito. Pinanlakihan ko ng mata si Samael na nasa katapat kong upuan sa kabila habang umaangat ang Pterodactyl sa ere.

"Akala ko ba si boy genius ang first love mo?" Siko pa sa akin ni Achilles.

Sinenyasan ko lamang itong tumahimik bago sinuyapan si Pharoah sa kabilang tabi ko. Madilim ang mukha nitong diretso lang ang tingin.

"First boyfriend, oo. Pero first love hindi," ngising ngisi si Sam na mukhang nag-eenjoy sa pang-aasar.

Tsismosong 'to!

"Weh?!" Nakaismid pang sabi ni Zion.

"Totoo yun, niligawan pa nga ni Queen si Ryu noon eh," singit naman ni Casper na miyembro rin ng C-team.

Shocks! Bakit ba kasama namin ang C-team sa misyon!

"Di nga?!" Halos lumuwa ang mata ni Achilles sa tabi ko.

"Oo! Di ba Arthur?" Giit ni Casper.

Sila kasing apat nina Ryu, Samael, at kuya Arthur ang pinakaunang batch sa generation namin ng Guardians. Naabutan pa nila ang ilan sa nagretire nang agents. They started as trainees at a tender age. Ryu was the youngest then, at the age of thirteen.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now