LMKM 16 - Armageddon

88 1 0
                                    

A.N. I am deeply sorry for the super duper mega over delay guys. Sorry din at di ko minarkahan ng in hiatus ang story. Sana basahin nyo pa rin ito. Thank you guys!

Katherine's POV

KUMIKIROT pa rin ang balikat ko na napuruhan kanina ng kalaban ko. Tsk. Nilingon ko ang mga kasama ko na nakafull gear pa rin habang inililipat namin sa white room ang mga nahuling kriminal. Mahirap nang mamukhaan nila kami.

Literal na white room ang mga bilangguan dito sa Guardians headquarters dahil scientifically eh nakakaapekto daw ang purong puting kapaligiran sa pag-iisip ng isang tao.

"You will pay for this!" sigaw nung mukhang intsik sa akin.

"Hindi ninyo alam kung ano ang binabangga ninyo!" hiyaw naman ng isa sa mga sundalo.

"Di magtatagal eh malalaman din namin. At kayo mismo ang magsasabi ng mga gusto naming malaman," sabi ni Pharoah bago itinulak papasok sa isang selda ang mukhang intsik.

"Hoy babae, bitawan mo ako! Hindi mo ba ako kilala?!" sigaw sa akin ng mas matangkad na sundalong hawak hawak ko.

"Hindi nga. Ang alam ko lang ay isa kang dumi sa hukbong militar ng bansa natin. Isang walang prinsipyong kriminal at salot sa lipunan," madiin kong sabi bago ko ito sinipa papasok sa loob ng selda.

Mabuti na lang at may voice changer ang mask ng suot naming Camo para maitago ang identity namin ng husto. Ilang sandali pa ay nasa loob na kami ng elevator paakyat. Nasa basement kasi ang White Room at mahigpit ang seguridad.

"You keep grimacing a while ago, Queen. Are you alright?" tanong sa akin ni Arthur.

"Yes kuya Arthur. Magpapatingin na lang ako sa hospital natin mamaya," sagot ko dito.

"Is Scorpion alright now, Panther?" tanong naman ni Pharoah kay Noah.

"Fortunately yes. Ginawa talaga ang poison na yun para itorture ang isang tao at unti-unting patayin. Mabuti na lamang at nagawan agad ng Medical Department at Experiment Section ng antidote yun. Nalaman kasi ng Intelligence Department ang existence nito sa black market noong isang buwan," seryoso namang sagot ni Noah.

I hope Tarantula and Scorpion will be fully recovered soon. May tama rin kasi sa binti si Zion. The Guardians need to be in tact right now. Ngayon lang kami naharap sa sunud-sunod na malalakas na sindikato.

Dumiretso kami sa Command Center para sa debriefing. Sina Mariz at Ninong Carlos na lang ang  naabutan namin roon at ang dalawang guides ng Intel. Dept. na in charge sa panggabing duty.

"Since we monitored the whole mission guardians I won't ask for any debriefing right now 'coz I know you are all tired. May general assembly meeting tayo bukas, I mean, mamaya pala sa conference room at 8am.

I will move it to 9am dahil sa mga nangyari sa atin ngayong gabi. Kami na ni Mariz ang bahala sa interrogation ng mga nahuli, just hand in your report to me this afternoon Arthur and Noah. See you later guardians. Dismissed," tuluy-tuloy na sabi ni Ninong Carlos.

Nagtataka man ay nagpasalamat na lang kami at agad nagsi-alis. Mukhang kailangan talaga naming ireserve ang lakas namin para sa susunod na mga araw. Besides, maaaring makaapekto sa ibang guardians kapag nalaman nila na kami, ang tinitingala nilang A Team ay muntik nang patumbahin ng mga tinutugis naming kriminal.

"Good night guys. Sleep well. We need every rest we could get," paalam ko sa mga ito nang matapat kami sa pinto ng unit ko.

"Will do princess. Good night," sagot ni Arthur at nilagpasan na kami paalis.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now