LMKM 22 - TRAITOR

76 1 0
                                    

KATHERINE'S POV

AGAD kong isinara ang laptop pagkarinig ng mahihinang katok sa pinto ng apartment ko. Inilapag ko ito sa kama at dali-daling chineck kung sino ang nasa labas.

"Hi," tipid na bati ni Pharoah.

"Napadaan ka? Pasok ka," tanging naisagot ko.

"We haven't had the chance to talk much these days," anito pagkaupo sa sofa.

"Yeah, we had a too eventful week. May gusto ka bang inumin?"

"I actually brought fresh coconut juice and newly-baked buko pie for you," sabi niya sabay taas ng hawak na container box.

"Wow! Namiss ko yan! Salamat Cain ha. Malamig pa ba? Gusto mo lagyan ko ng yelo?" excited kong sabi.

"Malamig pa naman, I've put a lot of ice pack around the bottles," nakangiting sagot nito.

Comfortable silence followed as we ate together, stealing glances at each other.

"You think it was a good idea to recall the former Guardians?" basag nito sa katahimikan.

"I guess so. At this point, we really need more people, at hindi tayo basta-basta puwedeng maghire ng mga bago," sagot ko.

Napagkasunduan namin nina Ninong Carlos kahapon na kailangan na nang mas malakas na puwersa, mas maraming guardians kaya naman ire-recall ang mga dati naming kasamahan.

"But they have a peaceful life now. Most of them retired dahil bumuo na sila ng sariling pamilya. It's as if we are taking away that peace from them," komento nito.

"That's why it is not mandatory. Hihingin lamang natin ang tulong nila sa panahong kailangang kailangan natin. Alam naman nila na kung may pagpipilian tayo ay hindi natin sila tatawagin. They are free to say no," mahinang sagot ko.

"Esther, ikaw ba kapag... kapag nagkapamilya ka na, mananatili ka pa rito?" kaswal na tanong niya sa akin. I missed how he calls me by my given name.

"Ewan ko Cain... depende. Ikaw?" hindi siguradong sagot ko.

"Depende rin... depende sa'yo," seryosong saad niya bago ako tinitigan.

Humaygee!! Steady ka lang my heart. My gulay! Manok! Pata! Ice cream! Hanep naman kasi bumanat ang isang 'to parang aatakehin ako sa puso!

"I know it's not the right time. We have our hands full. Pero ipinapaalala ko lang sa'yo na nanliligaw pa rin ako sa'yo, Queen," cool na dagdag pa nito.

"I-ikaw ha! Masyado kang nagsasasama kina Zion at kina Skater, natututo ka nang magbiro ng ganyan," nauutal na sabi ko sabay palo sa balikat niya para itago ang pagkapahiya ko.

Hinuli niya ang kamay ko at iniharap ako. Nanlaki ang mga mata kong titig na titig sa kanya. Humaygee!!!

"Hindi ako nagbibiro. Pagdating sa'yo seryoso ako," seryosong pahayag niya.

"O-oo na. Di hindi kung hindi," nahihiyang sabi ko sabay iwas ng tingin at bawi ng kamay ko.

"I have to go," biglang sabi nito sabay tayo.

"H-ha? Bakit?" gulat na nasabi ko bago tumayo.

Nakow! Para tuloy pinipigilan ko siya, nakakahiya!

"Because love, you are so beautiful right now with that blushing face of yours I might get tempted to kiss you right here, right now," seryoso niyang sabi at nalipat ang tingin ko sa kamay niyang nakakuyom sa gilid niya.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now