LMKM 7 - The A-Team

84 1 1
                                    


Katherine's POV

I woke up to the smell of brewed coffee and freshly-baked bread. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Pharoah na inaayos ang mga pagkain sa side table. Bahagya itong ngumiti sa akin nang mapansin niyang gising na ako.

"Good morning my queen," bati nito bago ako binigyan ng halik sa noo.

"Good morning. Where's Hendrix?" nilibot ko ang paningin at hinanap ang kapatid ko. Namataan ko itong nakaupo sa sofa kaharap ang laptop.

"KUYA Hendrix, Kath. Tsk. Tumanda ka lang ay hindi mo na ako ginagalang," he reprimanded me without looking up from typing.

"Whatever kuya. Hanggang dito ba naman ay dala mo yang trabaho mo?" I just rolled my eyes and sit up. Inalalayan naman ako agad ni Pharoah, reclining my bed.

"Said the brat who doesn't want to help me handle our group of companies," pasaring naman ng kapatid ko na nagpasimangot sa akin.

"Nagdala ako ng paborito mong kape at ham and cheese bread. Nagugutom ka na ba?" ani Pharoah at inayos ang makeshift bed table sa harap ko matapos kong tumango.

"Pharoah ko..."

"Yes, my queen?" tanong nito na nakataas ang kilay, batid na maglalambing na naman ako.

"Patanggal naman ako ng dextrose oh," I pouted. Nakataas pa rin ang kilay na humalukipkip lamang ito at umiling-iling.

"No. And why do you even want to?"

"Coz I wanna take a bath! I feel so itchy and stinky already," nakasimangot na nagpuppy eyes pa ako rito.

I glanced at my brother who chuckled and knowingly looked at me, then at Pharaoh before going back to work. Alam kong kahit ito ay iniisip na may romantic relationship kami ni Pharoah.

"Hindi puwede my queen, let me bathe you instead," ani Pharoah na tinanggal ang makeshift bed table at inalalayan ako patayo.

I was speechless when I looked at my brother who is also gaping back at me. He suddenly realized what is happening and stood up.

"Hey! You cannot do that young man!" nakakunot ang noong harang ng kapatid ko sa pinto ng banyo habang hawak ako ni Pharoah sa bewang.

"Young man? We are of the same age bro. And why not? I already saw her naked before--" maagap na tinakpan ko ang bibig nito habang nag-aalalang tinignan ang kuya ko na namumula na sa galit.

"Katherine Esther! Ano ang ibig sabihin ng lalaking ito?!!"

"Kuya, alam mo naman kung ano ang trabaho ko di ba, namin? It was just that, uhm. Ano kasi-" natigil ako sa pagpapaliwanag nang bumukas ang pinto at iniluwa sina Georgina at Liam, kasama si Claus. Oh no.

"Hi guys!! Couz how are you?" Georgina beamed and kissed my cheek. Nagtaka ito nang walang sumagot sa kanya. Lumayo ito ng bahagya at hinawakan si Liam dahil sa tensyon.

"What's wrong guys?" nagtatakang nagpalipat-lipat naman ng tingin si Claus sa aming tatlo.

"This guy here just said that he will bathe my sister. In front of me!" Sapo ang ulong bulalas ng kapatid ko na tila hindi makapaniwala.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now