LMKM 29 - Dead

52 1 0
                                    

Katherine's POV

I opened my eyes to the sight of the Pterodactyl's ceiling. I can hear panic all around me. I tried to look around but I felt nauseaus.

"Tiger! Wake up! Damn it! "

"1...2...3... Hold the airbag properly damn it!"

"Noah ako na, may tama ka rin!"

"I can do it! 1...2...3... Breathe Arthur! T*ngin@ susundan kita sa impiyerno pag namatay ka!!! 1...2...3... Arthur hinga sabi!!!

"Noah tama na..."

"No! Bitawan niyo 'ko!!! 1...2...3..."

Andaming ingay sa paligid pero yun ang nakakuha sa pansin ko ng husto. Dinilat kong muli ang mga mata ko at sinubukang igala ang mga mata. Napakaraming sugatan sa paligid, napakaraming dugo. Sinubukan kong umupo bago muling tumingin sa paligid.

Pero nanigas ako sa sa kinauupuan nang tumambad sa harap ko ang duguang si Noah sa tabi ng isang katawan na pilit niyang nirerevive. Gumapang ako palapit habang abot-abot ang kaba. Nakakabingi ang mahabang beep mula sa monitor na puro flat ang linya. Tuluyan akong nanghina nang makumpirma ang hinala ko.

"Queen..." Mahinang tinig ni Pharoah ang nagpabaling sa akin. Hawak hawak nito ang isang kulay pulang tela sa tapat ng dibdib ni kuya Arthur habang patuloy pa rin si Noah sa CPR.

Hindi pa man tuluyang naaabsorb ng utak ko ang nagaganap sa harap ko ay biglang sumigaw si Noah.

"Aaaaahhhhh!!!!"

He raised his fist in the air and brought it down hard on kuya Arthur's chest. And again, and again...

Tila nawalan ito ng lakas na napasalampak ng upo, umaagos ang luha sa mga mata kasabay ng dugong tumatagas sa tagiliran niya.

Hindi ko kaya...

I felt the world spinning around me once more before darkness consumed me.

---

Pharoah's POV

"We have to conduct more tests but I think she has Vasovagal Syncope. It's when a person faint because the body overreacts to certain triggers gaya ng extreme emotional distress or at the sight of blood for example.

Ang trigger na yun ang sanhi ng biglang pagbagal ng heart rate at pagbaba ng blood pressure ng pasyente kaya naman nababawasan ang dugong pumupunta sa utak na siyang dahilan ng pagkawala ng malay niya."

Nakatuon ang buong atensiyon ko kay Dr. Vasquez habang ipinapaliwanag niya ang kalagayan ni Queen.

"Medyo napapuzzle lang ako dahil karamihan sa mga may vasovagal syncope loses consciousness for just a few minutes. Madalas nagigising sila agad, unlike her na overnight na pero di pa rin nagigising. Though we didn't see anything wrong, I will order another series of tests just to be sure it's really just vasovagal syncope," dagdag pa ni Dr. Vasquez.

"I understand doc, please check everything," tugon ko sa kanya bago dumako ang tingin ko sa natutulog na babae .

"I'll go ahead, there are still a lot of patients and they need my help," paalm nito habang itinataas ang pager na hawak.

Nagpasalamat ako sa kanya bago umupo sa tabi ng hospital bed. Napasapo ako sa mukha bago pinagmasdan ang ward na punumpuno ng pasyente.

"P-pharoah..."

"Queen! Are you okay? How do you feel? Should I call the doctor?"

"Ano'ng nangyari?" Mabagal na tanong nito.

Love Me, Kill Me (Book 1 - Guardians Series)Where stories live. Discover now